Coco Martin accepts Matteo Guidicelli’s apology, but they have not spoken face to face

Tinanggap na ni Coco Martin ang apology ni Matteo Guidicelli. Para sa aktor, naiintindihan niya ang nangyari at wala siyang sama ng loob kay Matteo.

"Nagka-usap, hindi pa. Naghihintay lang ako ng tamang panahon para makapag-usap. Sabi ko nga, siguro one of these days, pag nagkasalubong kami sa ABS-CBN," Coco says.


Sa kabila ng paghingi ng paumanhin ni Matteo Guidicelli sa mga bosses at kay Coco Martin sa Happy, Yipee Yehey!, dahil sa nangyaring gulo sa nakaraang Star Magic Ball, kinumpirma sa PEP.ph ni Coco last Wednesday na hindi pa pala sila personal na nagkakaharap at nag-uusap ni Matteo.

Tinanggap na ni Coco ang apology ni Matteo. Para sa aktor, naiintindihan niya ang nangyari at wala siyang sama ng loob kay Matteo.

"Nagka-usap, hindi pa. Naghihintay lang ako ng tamang panahon para makapag-usap. Sabi ko nga, siguro one of these days, pag nagkasalubong kami sa ABS-CBN.

"Isang maliit na hindi pagkakaintindihan. Saka nag-sorry na naman siya, siguro yun na yung... nagbukas ng pinto para magkaayos kaming dalawa.

"I’m sure magkakasalubong kami ni Matteo at isang araw pagtatawanan na lang namin ito. I look forward na maayos na talaga ito at sincere kami sa isa’t-isa na matapos agad ito," ang sabi ni Coco.

"Actually si Mr. M and si Ms. Mariole, kinausap na kami para maayos na. Siyempre alam mo naman sa ABS, ayaw ng kahit na anong gulo.

"Ako, humahanap lang ako ng tamang panahon. Saka siguro busy kami sa kanya-kanyang trabaho, tapos siyempre, nagpapakiramdaman pa.

"Sabi ko nga, ayoko na padaanin pa sa TV para mas sincere at totoo.

"Wala akong sama ng loob kay Matteo," ang sabi ni Coco. "Nahiya nga ako sa parents niya, kay Maja at sa mga tao, kung bakit kailangan pang mangyari na ganun."

NO PROBLEMS WITH MAJA. Sa interviews kay Maja, sinabi nito na di pa sila nagkaka-usap ni Coco. Para naman sa aktor, wala silang naging problema ng kapareha.

"Kami ni Maja walang problema. Sa simula’t-simula, alam naming trabaho ito. Hindi naman namin kinonsider yung pagtingin sa amin ng mga tao, na click kami, na dapat maging totoo."

Di naman tinago sa amin ni Coco na nagsisisi siya sa nagawa at natangay daw siya ng emosyon nung gabing iyon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Actually, nagulat din ako, ang bilis kasi ng pangyayari. Siyempre after that, nagsisi ako na bakit nangyari yun.

"Unang-una, nasa lugar kami na nandun yung mga boss at ang daming tao. Ikalawa, magkakaibigan kami. Di dapat mangyari yung ganung mga bagay, pero sabi ko nga mahirap balikan at pagsisihan pa. Ako, pinili ko na lang manahimik bilang respeto kay Matteo at Maja.

"Then nagsalita sila... Sabi ko, siguro dapat na rin akong magsalita para maramdaman nila na maaayos din ang lahat."

JEALOUSY. Inamin naman ni Matteo na selos ang naging ugat ng lahat kung saan nakarating daw sa kanya ang sobrang sweetness ni Coco kay Maja sa mall shows ng Minsan Lang Kita Iibigin.

"Alam ko na may relasyon sila, pero private nila yun at ayokong panghimasukan yun. Yung mall show, part ng trabaho yun.," ang sabi ni Coco.

"Actually sa mga interviews, may mga time na nao-wakwardan na ako. May time na natanong ako, dahil wala akong girlfriend, kung may posiblidad ba na ligawan ko si Maja. Ni hindi ko sinagot ng oo kasi ayokong makaapak ng tao.

"Sabi ko nga actually, yung mga leading ladies ko, alam nila kung paano ako makatrabaho. Siguro nagkaroon lang talaga ng di pagkakaunawaan."

Dahil sa nangyari, didistansiya na ba siya kay Maja kung magkakatrabaho silang muli?

"Hindi naman distansiya. Siguro mas mag-uusap na lang nang mabuti kung ano ba yun, paano ba ang setup nung trabaho, yung limitations."

Marami ang nagsasabi na dapat daw ay magkaroon na ng girlfriend ang aktor para makaiwas na rin na ma-link sa mga magiging kapareha niya tulad nga ng nangyari sa kanila ni Maja.

"Gustuhin ko man, sa sobrang busy ko, walang panahon... Maraming magaganda sa ABS na nakatrabaho ko pero sabi ko nga, kilala ko ang sarili ko. Matindi ako mag-focus sa isang bagay.

"Alam ko pag pinasok ko yan, ang maaapektuhan ay yung trabaho ko. Siyempre magulo ’yan, ang gusto kong intindihin muna ay ang trabaho ko at ang pamilya ko."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

ANGELINE’S CRUSH. Kapareha ni Coco si Angeline Quinto sa kauna-unahan nitong pelikula, ang You Light Up My Life ng Star Cinema.

"May pagka drama-romance siya na medyo comedy rin. Hindi naman sa kinakabahan, actualy mas excited ako kasi matagal ko nang gustong gumawa ng love story."

Open naman si Angeline na crush niya si Coco. Nagkuwento naman sa amin ang aktor sa magandang samahan nila ng singer/actress sa set.

"Oo nga e, di ko iniisip yung crush niya ako. Siyempre nakakatuwa na hangaan ka ng isang tao, pero mas dapat intindihin ang trabaho.

"Napakasimple niya at napakabait na tao. Siguro kaya kami ang pinagpareha kasi nakita nila na pareho kaming masa, malapit sa tao.

"First time niyang aarte, feeling ko nga niloloko niya ako. Sabi niya hindi siya marunong umarte pero sa workshop, saka dito, sabi ko, ’Mayroon e.’ Sabi ko nga sa kanya, nagpapaka-humble lang siya, na di siya marunong umarte.

"Nakakatuwa kasi nakikita ko ang dedikasyon sa puso niya at pinapakita niya kung sino talaga siya. Di siya nagpe-pretend at maganda yun."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN