Jake Cuenca says it’s not true he was sent a box of bullets, said to be a warning to stay away from Lovi Poe

Nagpadala raw ng isang kahon ng bala si Congressman Ronald Singson kay Jake Cuenca—isa raw babala sa aktor na tigilan na nito kung anuman ang namamagitan sa kanila ni Lovi Poe. Naging ex-boyfriend ng aktres ang congressman na kasalukuyang nakakulong sa Hongkong dahil sa kasong possession of illegal drugs.

"Hindi totoo ’yan, gusto ko ring mag-sorry sa mga Singson kasi hindi siya magandang tsismis. Wala naman silang ginagawa, lalo na si Ron


Sa kasagsagan ng promo ng pelikulang My Neigbor’s Wife, na-link si Jake Cuenca at Lovi Poe at nabalita na nanliligaw daw ang aktor sa sexy actress.

Lalo pang tumibay ang hinala ng iba nang dalhin ni Jake si Lovi sa nakaraang Star Magic Ball. Kasunod nito ang paglabas ng mga balita na nakikita raw si Jake sa condo unit ni Lovi sa Mandaluyong.

Lumabas din ang balita na nagpadala raw ng isang kahon ng bala si Congressman Ronald Singson kay Jake—isa raw babala sa aktor na tigilan na nito kung anuman ang namamagitan sa akanila ni Lovi. Naging ex-boyfriend ng aktres ang congressman na kasalukuyang nakakulong sa Hongkong dahil sa kasong possession of illegal drugs.

Kahapon (September 23), sa presscon ng 20th anniversary ng Maaalala Mo Kaya, naka-usap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Jake at hiningan namin agad ito ng reaksyon sa balitang kumalat.

"Hindi totoo ’yan, gusto ko ring mag-sorry sa mga Singson kasi hindi siya magandang tsismis. Wala naman silang ginagawa, lalo na si Ronald. Hindi rin naman maganda na ma-tsismis kang nagpadala ng bala.

"Ang kuwento sa akin ng RM ko, ibang artista raw yung pinadalhan ng bala pero nakita ko nagsimula siya sa Twitter. Pero ikaklaro ko na wala naman talaga, walang threats or anything."

Binigyang-linaw din ni Jake ang ibang mga issues.

"Pareho kasi kami [ni Lovi Poe] ng building sa Mandaluyong. Siyempre minsan nagkakasalubong kami pero hindi ko siya pinupuntahan sa condo niya. Kahit nung Star Magic Ball, sinundo ko siya sa bahay ni Tito Leo [Dominguez].

"After ng ball may pinuntahan lang kaming ibang lugar. Hang out lang. Wala namang holding hands o ano. We’re just friends. Saka we just made a movie, kasama diyan ang promo siyempre.

"Nakakahiya sa kanya na nadadawit siya sa mga tsismis. Minsan ko na nga lang makatrabaho yung tao, sana walang nega. Magkaibigan kami pero hanggang dun lang."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayon kay Jake, he enjoys being young and single.

"Ine-enjoy ko lang ang pagiging single ko dahil nako-commit ko ang sarili ko sa mga leading ladies ko na walang nagseselos."

GAY ROLE FOR MMK. Kasama si Jake sa espesyal na handog ng 20th anniversary ng MMK where he plays a gay role.

Aminado naman ang aktor na choice niya talaga ang gumanap ng iba’t-ibang roles at isa na nga dito ay papel ng isang bading.

"I just really had fun doing the episode. Sobrang saya naming lahat kahit medyo nagmamadali kami sa taping at mahirap, pero nung napanood namin, sulit naman pala, nakakawala ng pagod.

"It was my frist time to do a gay role, that’s why it’s very challenging for me. I was blessed to be with Ms. Vivian Velez, Ms. Malou, Mr. Ricky Davao, na idol ko, and of course, Direk Dado [Lumibao].

"Actually natakot ako nung i-offer sa akin. Sabi sa akin ng handler ko, may role for me sa MMK and sa Barcelona, [Spain] isyu-shoot.

"Una kong tanong, ’Sinong leading lady ko diyan?’ Two days later, sinabi sa akin na gay role nga."

"Sa akin kasi, I think I was ready for it. Coming from In the Name of Love, ang dami ko nang natutunan. At first, I was scared to do it but I knew I was ready and matagal ko nang gustong gumawa ng ganito ka-challenging na role.

"Alam ko na darating talaga yung gay role. It was just a matter of time. Ito ang bagay na kailangan kong patunayan na kaya kong gawin. Gusto ko mas malayo sa totoo kong personality, mas maganda siyang gawin."

Si BB Gandanghari pala ang naging peg ni Jake sa role. Later, na-meet ng aktor ang mismong letter-sender whose story became the basis for the special episode of MMK.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ang naging peg ko [sa character] was BB Gandanghari. Nagpapayat ako for two weeks pero napadali yung pagpasok ko sa character kasi kasama namin sa shoot yung letter-sender.

"Nakakuwentuhan ko siya, nakikita ko siya bago ako gumawa ng eksena, kaya nami-mimic ko siya. Siya na yung aking naging peg. Suwerte ko na nandun siya. I took time to get to know him."

Nasa Spain din ang pamilya ni Jake pero dahil sobrang hectic ng kanyang sked, hindi siya nagkaroon ng chance na makita ang mga ito.

"Tuwang-tuwa ako kasi nakauwi ako ng Spain, pero hindi ko na na-invite yung family ko kasi every day ang taping at ang hirap ng role, so kailangan ko talagang mag-focus."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN