Jonas Gaffud lashes out at detractors of Shamcey Supsup: "Wala na silang nagawa, nanalo na si Shamcey."

Mercator Artist and Model Management head, Jonas Gaffud (right), thanks supporters of Shamcey Supsup (left), who won 3rd runnerup in the Miss Universe 2011 pageant.

"Sobrang grateful ako sa pagtitiwala [n’yo] kay Shamcey na sana lahat kayo na love si Shamcey ay ma-bless."


Sa kabila ng tagumpay ni Shamcey Supsup bilang 2011 Miss Universe 3rd runner up kamakailan, may hinaing naman ang kanyang mentor at Mercator Artist and Model Management head na si Jonas Gaffud.

Ito ay may kinalaman sa dalawang websites na kung saan panay ang tira at batikos kay Shamcey sa kabila ng karangalang iniuwi nito sa Pilipinas.

"Ang punu’t-dulo niyan kasi merong dalawang website ng mga pageant enthusiasts.

"It started lang, yung gulo when they wanted another girl to win Binibining Pilipinas-Universe, hindi nila gusto si Shamcey from the very start. Ayaw nila kay Shamcey.

"Wala na silang nagawa, nanalo na si Shamcey," bungad na pahayag ni Jonas nang nakausap ng PEP.ph recently.

Pagpapatuloy pa ni Jonas...

"Sa isang Santacruzan noong May, hindi lang sila napansin ni Shamcey, dahil gusto nilang magpa-picture, e ang bata pagud na pagod na siyempre, naglalakad, hindi naman siya sanay sa ganun, siniraan na nila siya sa Facebook, sa kanilang website.

"They were campaigning for her not to enter Miss Universe, ganun-ganun.

"Nilait-lait nila si Shamcey, tapos they were even making up some things before the Miss Universe [contest], na magsusulat sila ng letter kay Paula Shugart, the President of Miss Universe, na sisiraan daw nila si Shamcey.

"Napaka-ano lang, talangka, ang pag-iisip ng ibang Pilipino," aniya.

"Tapos e, nakapasok ngayon, so the whole Philippines is... we have a new darling, di ba? We have a new hero, tapos ang ganda pa ng achievement niya.

"Ngayon [nung isang] araw nabasa ko na naman sa Facebook page nila na parang hindi na naman sila happy sa achievement ni Shamcey.

"Bakit daw nababaliw ang buong Pilipinas sa ganyan e, 3rd runnerup lang naman daw?

"Tapos yun pala daw ang conclusion nila, na next year daw, ang Miss Universe gagawin sa Philippines.

"Hindi pa naman... wala namang basis nga, pero ngayon, yung isyu nila na dito gagawin ang Miss Universe next year, nag-conclude na silang lahat na pumasok lang si Shamcey dahil pinilit lang ni Donald Trump na ipasok, mga ganun-ganun, na wala namang basehan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hindi ko alam kung bakit kailangan nilang gawin iyon.

"I respect naman their opinions, yung mga detractors ni Shamcey. Okay lang na i-bash nila kahit sino. Pero pag sobra na at nakakasakit, people are ready to defend the ones they love. If they want to bash other people, they should also be ready to be bashed, di ba?" ang sabi ni Jonas.

IT’S PERSONAL. "Bakit kami na-hurt sa Aces & Queens at mga fans ni Shamcey? Sobrang pagod namin, e. Kung alam lang ng mga tao ang pinagpaguran namin para kay Shamcey.

"Sana maintindihan nila na nakakasakit talaga sila tapos sasabihin pa nila na bakit daw personal kami? Mga tao kami e, of course, sabi ko nga when you love someone, when you care for someone, you will defend him or her no matter what. And it’s really personal," dire-direstong pahayag ni Jonas.

Paano raw siya namersonal?

"No, not me, yung mga fans.

"Ayun, so sana maging happy na lang lahat talaga. Hindi ko alam kung bakit hinahanapan nila ng hindi pagiging happy dahil lang sa isang pagkakataon na hindi nagpapa-picture ni Shamcey sa kanila.

"Tapos iyon pa, iba ang gusto nilang manalo na Binibining Pilipinas-Universe, hindi si Shamcey.

"Yun nga, nag-third runner-up na, hinahanapan pa rin nila ng butas, e.

"Ang importante, masaya ang Pilipinas, masaya tayo."

SHAMCEY’S FANS. May mensahe naman si Jonas sa mga mga sumuporta kay Shamcey...

"No. 1, ang gusto ko talagang pasalamatan yung mga taga- www.opmb.worldwide.com, isang pageant site din yun.

"Nandun sila, mga taga-Amerika silang mga Pinoy, pumunta sila doon sa Brazil, mga beauty pageant enthusiasts sila na gumagastos para lang makasama ang mga girls at sumuporta.

"Kung wala sila, baka tatlo lang or pito lang kaming Pilipino doon [sa Sao Paulo, Brazil]. Buti na lang nandun sila. Sobra yung support nila na... I mean hindi ko sinasabing kailangan nilang suportahan lahat ng alaga ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kung hindi nila type, okay lang din naman, pero fair kasi sila e, kung Philippines yan, e di susuportahan.

"At kasi... sila ang nag-start ng "Shamcey I Believe" campaign, yung mga taga-OPMB.

"Sa mga Pilipino siyempre, nagpapasalamat ako sa kanila, sa suporta kay Shamcey, lahat ng mga nagmamahal at naniniwala kay Shamcey until now.

"Alam ko hindi mabubura sa isipan nila forever na although we love Miss Angola... nagagandahan ako sa kanya.

BARBIE DOLLS. "Maganda yung Top 5 in person, kaya nga naiinis ako sa mga taong kung makalait, wala naman sila doon. In person, pag andun ka, makikita mo sila para silang mga Barbie dolls talaga!

"So yung top 15 sobrang maganda yun at ang dami pang magandang hindi nakuha.

"So iyon parang sobrang grateful ako sa pagtitiwala kay Shamcey na sana lahat kayo na love si Shamcey ay ma-bless."

Ang comment ni Jonas sa opinyon ng marami na mas mataas pa dapat sa 3rd runner-up ang titulo ni Shamcey...

"Ang sabi ko nga, after the Q & A, let us surrender everything to God. Wala na tayong magagawa, so kahit maglupasay man tayo diyan at i-replay natin parati ang Miss Universe, 3rd runnerup pa rin ang itatawag sa kanya, wala tayong magagawa."

Labis-labis rin ang pasasalamat ni Jonas kay...


"Thank you siyempre kay Madam Stella Marquez-Araneta at buong BPCI [Binibining Pilipinas Charities, Inc.] family for their support.

"I saw Madam e, I was with her in Sao Paulo and I saw how she was... parang ang dami-dami kasing things that are being said against her pero, when you get to know her parang.... Madam Stella is a pageant fan, talagang stalwart ng... para may manalong Pinay abroad.

"Sobra siya, sobra ang kanyang kaba, sobra yung kanyang emotion, suporta, she was really there na parang... nakausap namin siya nang maayos and she was like any other ordinary human being, who was there to support a Filipina," pagtatapos pang sinabi ni Jonas.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN