Yul Servo on rumors linking him to Piolo Pascual: "Sa akin po, hindi ko na lang pinapansin. Siya rin po hindi na niya pinapansin."

Bukod sa kilala sa pagiging magaling na aktor, kakabit na nga ng pangalan ni Yul Servo, sa tuwing napag-uusapan siya, ang pangalan ni Piolo Pascual. Naapektuhan ba siya sa mga kuwento-kuwento na nag-uugnay sa kanilang dalawa ni Piolo?

"Hindi naman po. Kasi pag nagkikita naman kami bale wala din po [yung isyu]," says Yul.


Matapang na hinarap ni Yul Servo ang kontrobersiyal na mga tanong sa kanya ng host na si Cristy Fermin sa live guesting ng actor-politician kanina, September 25, sa showbiz talk show ng TV5 na Paparazzi Showbiz Exposed.

Bukod sa pagpo-promote ni Yul ng huling linggo sa ere ng kinabibilangan niyang TV5 primetime teleserye, ang Bangis, hindi siya nakaligtas sa pang-iintriga ni Cristy lalo na tungkol sa hindi mamatay-matay na isyu sa kanila ng actor-singer na si Piolo Pascual.

Bukod sa kilala sa pagiging magaling na aktor, kakabit na nga ng pangalan ni Yul, sa tuwing napag-uusapan siya, ang pangalan ni Piolo. Pinakamatindi nga sa intrigang ito ang tungkol sa diumano’y pagkakaroon nilang dalawa ng romantikong relasyon.

Bakit ba sa mahabang panahon, simula noon hanggang ngayon, hindi mawala-wala sa imahe niya si Piolo Pascual?

"Si Brother PJ [palayaw ni Piolo]," nakangiting sambit ni Yul. "Siyempre po sa tagal na rin naming magkaibigan. Katulad nga po nung nakaraan, magkasama po kami sa isang despedida party."

FRIENDSHIP WITH PIOLO. Ang tingin kasi sa kanya ng mga kababaihan at kabadingan ay sex symbol. Naapektuhan ba siya sa mga kuwento-kuwento na nag-uugnay sa kanilang dalawa ni Piolo? Naapektuhan ba ang pagkakaibigan nila?

"Hindi naman po. Kasi pag nagkikita naman kami bale wala din po [yung isyu]."

Sa kabila nga ng isyu sa kanila ay nananatili silang magkaibigan hanggang ngayon. Pero hindi ba nila ito napag-uusapan?

"Minsan po, pero hindi niya rin naman po pinapansin, e. At saka wala rin naman po akong nakikita sa aking brother."

Pag nagkikita sila ni Piolo, ano ang sinasabi ng mga kaibigan nila?

"Wala naman po. Kasi parang kami’y isang grupo po. Hindi naman po ano yun [isyu]."

Bilang kaibigan at kumpare ni Piolo, may katotohanan ba yung iniisip ng iba tungkol kay Piolo?

"Wala po."

Sa tingin niya paano mahihiwalay ang imahe niya kay Piolo? Paano mawawala ang isyung ito?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Oo nga po e, ang tagal na po nun, e. Hindi pa rin natatapos. Sa akin po, hindi ko na lang pinapansin. Siya rin po hindi na niya pinapansin.

"Sa akin, okay lang naman kasi nabubuhay naman ako nang maayos at masaya. Siguro yung panahon na rin po ang mag-aano [makapagpapawala sa isyu]. Parang kuya ko siya, e."

E siya, ano ang turing ni Piolo sa kanya?

"Parang kapatid din ang turing niya sa akin, na bata."

Ano ang mensahe niya sa mga kababayan nating nag-iisip ng iba tungkol sa kanya?

"Mga kababayan, huwag n’yo na lang pong pansinin. Huwag n’yo na pong pag-isipan ng ganun yung aking kaibigan," pakiusap ni Yul.

BANGIS, DON SERPENTE. Dahil nga sa pagiging magaling na aktor, kahit pa kontrabida ang role ay hindi niya inuurungan. Pero hindi ba siya natatakot na sa paglabas niya ng bahay ay nagagalit ang mga bata sa kanya dahil sa kontrabida role niya sa Bangis bilang si Don Serpente?

"Hindi naman po sila nagagalit. Tuwang-tuwa pa nga sila pag nakikita ako e, ’Serpente, Serpente.’ Lagi nga pong hinahanap sa akin si Bangis at si Eboy."

Ano ang epekto sa kanya ng role niya sa Bangis?

"Sa aking trabaho, iba naman ito dahil dito palagi akong sumisigaw, galit, lagi akong may ipinapapatay. Hindi katulad dati na palagi akong kinakaawaan. At least, nakaranas naman po ako ng ibang klaseng role."

Huling linggo na nga ng Bangis sa TV5 mula September 26 hanggang September 30. Papalitan ito sa October 3 ng kauna-unahang mini-serye ng Kapatid network, ang Sa Ngalan Ng Ina, na pinagbibidahan ni Superstar Nora Aunor.

BALANCING ROLES. Paano niya hinahati ang kanyang panahon sa pagiging aktor at pagiging konsehal ng ikatlong distrito ng Maynila?

"Sa tulong na rin po ni Direk Maryo J. [delos Reyes, manager niya]. Yung schedule ko po inaayos niya po. Tapos sa opisina ko po [sa Manila], tinutulungan po talaga ako ng mga tao ko po. At least, hindi naman po naaapektuhan. Hindi naman po nagsa-suffer ang alin man sa dalawa."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN