Dingdong Dantes expresses happiness over achievements of ex-girlfriends Karylle and Antoinette Taus

Dingdong Dantes on Karylle making waves in Singapore and Antoinette Taus joining an a capella group in the US: "I’m happy that I’m doing what I want, which is making movies. And probably, they are also happy because I’m sure yun din naman ang mga hilig nila kaya nila pinu-pursue ’yan. So, congratulations."


Una naming pinagtanungan ng location na aming pupuntahan ay isang tricycle driver. Mali ang kanyang itinurong direction.

Next ay guard sa gate ng isang subdivision (hindi ang pakay namin).

Tama ang kanyang sinabi. Pero, pagpasok namin sa loob ng itinurong subdivision ay wala pa halos mga bahay na nakatayo.

Medyo madilim. Nakakatakot ang paligid, actually. Bagay sa isang horror movie. We were visualizing an old house na medyo napabayaan na habang papasok kami.

Malamang kung ano ang nasa isip namin ay baka gano’n nga ang location ng pupuntahan naming set ng movie na Segunda Mano.

After all, horror movie naman talaga ang entry ng MJM Productions sa Metro Manila Film Festival (MMFF) this year.

Queen of Horror Films pa na si Kris Aquino ang bida. So, takutan na kung takutan, naisip namin.

Pero, ang nadatnan namin ay isang beautiful contemporary house na bagay sa role na architect na ginagampanan ni Dingdong Dantes, who plays Kris’s husband in the movie.

EXCITED WITH KRIS AQUINO. After ilang takes, napagbigyan naman ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) to shoot a few questions sa mga bida.

First time daw ni Dingdong na gumanap na isang daddy sa pelikula.

First tandem din ito nina Kris at Dingdong.

"Yes, first time. The experience is so much more than watching her.

"Because I must say that I’m really amazed, because I’m a fan of the previous movies na nagawa niya.

"Pag sinabing horror [Kris Aquino], paborito ng marami," panimula ni Dingdong.

"When she’s doing her character, parang nakikita ko na kung ano yung napapanood ko.

"And it’s just amazing that finally, e, may ginagawa na kami together."

SCARE ME. Paano at gaano ba nakakatakot ang Segunda Mano?

"Yung premise ng istorya ay tungkol sa mga bagay na nangyayari nowadays.

"Mga nangyayari sa buhay ng mga tao sa ganitong klaseng sector ng lipunan, for example.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Because the issues are also very now," pagpapatuloy pa niya. "Especially, one, in dealing with second-hand items.

"Which karamihan naman sa atin at one point in our lives, e, nakabili naman tayo ng gano’n.

"Plus the fact na there are family issues [in the story].

"And of course yung individual characters namin are very realistic.

"Kaya siya nakakatakot, para sa akin ang nakakatakot ay ang totoo.

"Na pupuwedeng mangyari sa ’yo, mamaya.

"Bukas, kahit paglingon mo sa kanan, na yung reyalidad na it can happen to you today."

HAPPY FOR MY EXES! With that note, segue kami ng question with Dingdong’s permission, of course.

Tungkol ito sa magandang nangyayari sa dalawang exes ni Dingdong na sina Karylle at Antoinette Taus.

First, si Karylle who is making waves in Singapore dahil sa Kitchen Musical with Christian Bautista.

At si Antoinette Taus na kasali naman ngayon sa grupong Kinfolk 9 at lumalaban ngayon sa American talent show na The Sing Off.

"A, talaga?" medyo nabiglang reaction ni Dingdong tungkol kay Antoinette.

Wala na raw alam si Dingdong sa nangyayari kay Antoinette, unlike kay Karylle na napapabalita naman sa atin ang kanyang pinagkakaabalahan sa Singapore.

Wala na ba silang communication ni Antoinette?

"Wala kaming communication. Wala na kaming communication," pag-amin ni Dingdong.

"Ang importante diyan, buti nabanggit mo, e, ginagawa talaga nila ang mga bagay na gusto nilang gawin."

Natutuwa naman daw siya sa mga nangyayari kina Karylle and Antoinette, "And siyempre, bawat tao naman hinahanap natin, e, satisfaction and fulfilment.

"I’m happy that I’m doing what I want, which is making movies.

"And probably, they are also happy because I’m sure yun din naman ang mga hilig nila kaya nila pinu-pursue ’yan.

"So, congratulations."

In-explain namin sa kanya kung ano ang sinalihang contest at more or less kung ano yung grupo ni Antoinette na Kinfolk 9.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Nice. Nice. Congratulations sa kanila," ngiti naman niyang sagot.

For quite a while ay parang wala na rin kasi kaming alam about Antoinette, maliban sa maliliit na balitang lumalabas about her minsan.

Until this news na kasama nga siya sa isang a capella group na Kinfolk 9.

"Oo, matagal nang walang communication," sabi ng Kapuso actor referring to Antoinette.

By choice or talagang nag-drfit apart na lang?

"Masasabi ko is that in every separation, kung ano man ang nangyari sa amin, we made sure that everything was okay.

"So, I’m certain about that," pagtatapos niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN