Toni Gonzaga on Mariel Rodriguez’s intriguing text message about her: "Mariel and I, we’re okay. We are on speaking terms."

"Kung anuman ’yong nasabi niya, siguro siya na lang ang mag-explain no’n. Kasi mahirap naman na ako pa ang mag-explain," says Toni Gonzaga (in photo) about Mariel Rodriguez.


Maikli lang ang naging pahayag ni Toni Gonzaga sa The Buzz kahapon, Sunday, September 25, nang tanungin ng co-host niyang si Boy Abunda kung ano kanyang panig sa panibagong isyu sa kanila ni Mariel Rodriguez.

Kaugnay ito ng text message daw ni Mariel sa entertainment columnist at talk show host na si Ricky Lo na "Toni can’t stand her [Mariel]." Na parang pina-plastic lang daw ni Toni si Mariel.

Ang lumalabas pa, si Toni ang isa sa mga dahilan kung bakit nagdesisyon si Mariel na umalis sa noontime show ng ABS-CBN na Happy Yipee Yehey! at lumipat sa TV5.

Sabi ni Toni sa The Buzz, "I’ve learned about this, I think Wednesday [September 21] no’ng na-publish ’yon. I texted Mariel right away.

"Sabi ko, ’What happened?’ Because before she stopped attending Happy Yipee Yehey!, we had a good talk... We are okay.

"Actually, up to now, we’re still okay. So, I don’t know where all these [intrigues] are coming from.

"And, uhm... of course, kung anuman ang napag-usapan namin ni Mariel, sa amin na lang ’yon.

"Pero, this is to assure everyone na Mariel and I, we’re okay. We are on speaking terms.

"Hindi na mauulit ’yong dati na inakalang meron kaming misunderstanding o may rift. Wala pong gano’n ngayon.

"Kung ano po ’yong nangyari diyan at kung ano po ang nabasa natin, I don’t think I can answer for Mariel.

"But for myself, I will not say anything against Mariel because sa halos limang taon na nakasama ko si Mariel, she has been [like] a sister to me.

"And like what I always say to her... I will always wish the best for her."

MORE CLARIFICATION. After the show, nilapitan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Toni para sa karagdagang mga katanungan hinggil sa usapin na naman na ito sa pagitan nila ni Mariel.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Magkausap kami kahapon," aniya.

"Okey kami. Manonood nga siya ng concert ko."

So, parang siya pala ang pinaplastik ni Mariel kung gano’n? Okey sila kapag magkausap, pero sa talikuran, may mga hindi magandang nasasabi ito sa kanya?

"Hindi ko alam. Ay, kayo ha! Baka mamaya ang dating, sa akin nanggaling ’yan, ha?" natawang reaksiyon pa ni Toni.

Pero dugtong niya, "Hindi ko alam. Siyempre mahirap magsalita. Hindi naman ako ang nagbitaw ng gano’ng salita.

"Pero ang importante naman sa akin ngayon, e... kung anuman ’yong napag-usapan namin, okey na kami. Nag-usap na kami.

"Sinabi ko nga sa kanya na, ’Oy, ano na? Mag-aano na raw ang The Buzz, magpi-feature sila ng story.’

"Sinabi ko sa kanya na, ’Wala naman akong sasabihin. Kasi okey na naman talaga tayo.’"

Itinanggi ba ni Mariel ang tungkol sa text message kay Ricky Lo na "pinaplastik" lang daw niya ito?

"Hindi," sagot ni Toni.

"E, hindi ko na siguro ie-elaborate kung ano ’yong pinag-usapan namin.

"Kung anuman ’yong nasabi niya, siguro siya na lang ang mag-explain no’n.

"Kasi mahirap naman na ako pa ang mag-explain."

Noon bang nag-explain sa kanya si Mariel ay naintindihan niya?

"Siyempre kung kaibigan mo, kahit anong misunderstanding ninyo, tatanggapin mo ’yon," sabi ni Toni.

O, baka naman na-misinterpret lang din si Mariel kung may nasabi man ito patungkol sa kanya?

"Hindi ko alam kasi si Mariel ang nagbitaw no’n.

"Wala talaga akong masasabi, kasi ang pinanggagalingan ko ay kung ano ’yong pinag-usapan namin na kami lang.

"Pagkatapos no’n, hindi ko na masasagot kung ano pa ’yong lalabas."

Nasaktan ba siya nang makarating sa kanya ’yong diumano’y pakiramdam ni Mariel na pina-plastic lang niya ito?

"Actually kapag ganyan, hindi mo alam kung ano ang mararamdaman mo.

"Kasi siyempre, hindi mo alam kung totoo. Kung sinabi ba talaga. Kung sa kanya nga ba nanggaling.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ako, hindi ko alam talaga.

"Hindi ko rin nabasa ’yong lumabas na write-up. May nagkuwento lang sa akin."

NOT THE FIRST TIME. Pangalawang beses na itong nagkaroon ng maintrigang isyu sa kanila ni Mariel. Honestly, may lamat na ba ang friendship nila dahil sa ganitong pangyayari?

Ayon kay Toni, "Kung anuman ’yong mga pinagdaanan namin ni Mariel, siyempre hindi naman maikakaila ’yon.

"Lahat naman ng pagkakaibigan... I think it’s normal in any relationship na magkaroon ng misunderstanding.

"Pag hindi kayo nagkaroon ng misunderstanding ng kaibigan mo, parang hindi naman kayo talaga magkaibigan no’n.

"So, tingin ko normal lang naman ’yon.

"Di ba, kasabihan nga, when we forgive, we should forget. So, gano’n na lang siguro.

"’Yong mga nangyari noon, ang hirap minsan makalimutan. Pero as much as possible, you try to move on."

Ano nga ba talaga ang pinag-ugatan ng nangyaring misunderstanding nila ni Mariel?

"Mahirap na sa akin pa manggaling lahat. Dahil hindi naman ako ang nagbitaw ng mga statements.

"Mahirap na ako ang magsabi," iwas niya.

Pero may kinalaman ba ito sa unang naging isyu sa pagitan nila na may mga naging patutsada sa kanya si Mariel at tinawag pa nga siya nitong "duling"?

"Actually ’yong mga namedrop, hindi naman kami nag-away dahil do’n.

"Malalim ’yong pinag-ugatan. Dahil hindi naman ako magdadamdam na nasabihan ako ng... pinintasan ako.

"Ang dami namang pumipintas sa akin. Sanay na naman ako ro’n.

"Ang babaw ko naman kung iyon lang, mag-aaway na kami.

"Ako, eto lang ang sa akin ngayon, I will always wish her the best. Sinabi ko ’yon sa kanya.

"And alam ko naman na every decision na gagawin niya, pinag-isipan niya, pinag-pray niya iyon, at kinonsulta niya ang family niya.

"So, we wish her well. Kaming lahat sa Happy Yipee Yehey!."

So, hindi siya ang isa sa mga dahilan ng pag-alis ni Mariel sa Happy Yipee Yehey! at paglipat ng ibang istasyon?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Di ba, sinabi naman niya sa kanyang mga unang interviews? I think ’yong contract, security... iyon ang mga alam kong reason." (CLICK HERE to read related story.)

Nalungkot ba siya sa pag-alis ni Mariel?

"Siyempre ano, parang may part of you na magiging kulang. Kasi, marami kaming programa na ginagawa together."

Isa raw sa dahilan ng pag-alis na ni Mariel sa ABS-CBN ay dahil hindi na ito isinali bilang isa sa mga maghu-host ng bagong season ng Pinoy Big Brother (PBB)?

Tumango-tango lang si Toni. Pero wala nang sinabing anuman.

Sino na ang makakasama niya sa PBB?

"Iyon ang tanong. Sabi ko, ano na ba talaga ang mangyayari? Hindi ko na rin alam, e.

"Nawala rin ako sa PBB noong 2006. Sa Teen Editon.

"Tinanggal din ako ng management kasi desisyon daw nila, mag-movie ako.

"So, parang gano’n. Nangyayari talaga. Tinanggal din ako no’ng 2006.

"Siyempre nagtampo ako. Nagtampo lang.

"Pero dahil nga may movie, parang hindi ko masyadong napagtuunan ng pansin ’yong tampo.

"Sabi ko, may movie naman, sige na nga."

Ang tinutukoy na pelikula ni Toni ay ang You Are The One, kung saan nakatambal niya si Sam Milby.

"And eventually, ibinalik din naman ako sa PBB. Kaya natuwa naman ako."


HAPPY YIPEE YEHEY!. Ano naman ang masasabi ni Toni sa usap-usapan na mawawala na raw sa ere ang Happy Yipee Yehey! dahil hindi raw ito masyadong nagri-rate?

"Hindi naman! Alam ko, hindi," tanggi ni Toni.

"Baka dahil may nawala lang. May nawala lang na isa, mawawala na lahat?

"Hindi naman.

"So far, sa last meeting namin kahapon [September 24], masaya naman kami.

"Siyempre kahit papano, nakasuporta ’yong network sa amin.

"So, we’re still trying to give a good show sa lahat ng mga manonood."

ANNIVERSARY CONCERT. Tungkol naman sa nalalapit niyang anniversary concert na Toni @ 10 sa Smart Araneta Coliseum this Friday, September 30, masayang ibinalita ni Toni na "80 percent" na raw ang naibebenta nilang tickets.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Halos ’yong sa general admission na lang ang natira," aniya.

Ninenerbiyos pa rin daw siya sa concert niyang ito kahit halos sold out na ang tickets. Bakit naman?

"E siyempre, ’yong performance. Nakakanerbiyos ’yong buong show.

"At nakakatakot kasi ’yong mga gagawin. Lahat ng hindi ko pa ginagawa, gagawin ko na rito.

"Ayoko na lang ikuwento para surprise talaga."

Siya na kaya ang maging bagong Concert Queen?

"Owww? Concert Queen agad? Sobrang ambisyosa ko naman kapag gano’n!" natatawang sabi ni Toni.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN