Boy Abunda gives his take on the Toni Gonzaga-Mariel Rodriguez controversy

"Nasaan ako? Hindi ako kinakailangang kumampi dahil hindi kailangan. Ngayon, palalawakin ko pa yung tanong na yun. Halimbawa, kung mali ang artista ko, pagsasabihan ko. Kung mali halimbawa si Toni, pagsasabihan ko. Kasi, pareho ang intensidad ng aming relationship even if I manage Mariel," says Boy Abunda when asked regarding Toni Gonzaga-Mariel Rodriguez controversy.


Si Boy Abunda ang manager ni Mariel Rodriguez at co-host naman ni Toni Gonzaga sa The Buzz ng ABS-CBN.

Sa isang report, sinabi ni Mariel na kaya daw siya umalis sa Happy Yipee Yehey! ay dahil pakiramdam niya, ayaw sa kanya ng co-host niya rito at kaibigan na si Toni. Pinaplastik lang daw siya ni Toni. (CLICK HERE to read related story.)

CAUGHT IN THE MIDDLE? Sa dalawang artistang nabanggit na kapwa malalapit kay Boy, kanino siya nakapanig ngayon?

"Ay, madalas mangyari ’yan sa buhay ko. Sabi nga, sa mundo ng diplomasiya, ’The best place is a middle ground.’

"Lalo na pag hindi ka masyadong involved at hindi mo alam ang mga kuwento. Hindi ako nagdudunung-dunungan sa mga nangyayari.

"Pero, sa pagkakaalam ko lang, bago pumutok ang diumano’y hindi pagkakaunawaan ni Toni at saka ni Mariel, and I don’t know the details, nakapag-usap silang dalawa.

"Nasaan ako? Hindi ako kinakailangang kumampi dahil hindi kailangan.

"Ngayon, palalawakin ko pa yung tanong na yun.

"Halimbawa, kung mali ang artista ko, pagsasabihan ko.

"Kung mali halimbawa si Toni, pagsasabihan ko.

"Kasi, pareho ang intensidad ng aming relationship even if I manage Mariel."

MARIEL OVER TONI? Pero mas poproteksyunan ba niya si Mariel?

"Protektahan in a sense na... ang proteksiyon, hindi pagsisinungaling.

"Ang proteksiyon can mean, ’Mariel, ganito yun, etcetera. Toni, ganito yun, etcetera.’

"As much as possible talaga, gusto ko pinag-uusap [ang dalawang involved].

"At nag-usap sila even without me knowing that there was a problem.

"I didn’t know there was a problem. Nag-usap sila. Nagharapan silang dalawa.

"That’s why I was not surprised by the statement of Toni sa The Buzz.

"I called Mariel before the start of the show. I said, ’There is a part of the show na magsasalita si Toni. What do I say? I don’t know anything.’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Sabi niya,’Tito Boy, wala, naayos na namin yun.’

"So, I stopped there."

Wala ba talaga siyang alam kahit konti?

"May kinalalaman sa trabaho, nothing personal.

"But I would not go as far as that. Wala akong alam na detalye," ayon kay Boy.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN