Alden Richards ripe and ready for sexy pictorials

"Kasi ano naman, e, 18 na ako. Next year 19 na. So, wala na po talaga ako sa category ng teens. Open naman po ako sa mga ganung offers just in case, pero prepare-prepare muna," says Alden Richards about posing sexy in pictorials.


Mula sa pagiging regular cutie, pang-apat na ngayon sa listahan ng Celebrity Cuties ng Candy Magazine ang Kapuso young actor na si Alden Richards.

Kuwento niya, "[Noong] hindi pa ako artista, napasama po ako sa top regular cuties before.

"Then, ayun nga po, after a year, dun nga po nag-start yung projects ko sa television.

"Tapos ngayon po, I ended up sa top four on celebrity naman.

"So, before, nung nagpupunta po ako dito, kasama lang po ako sa mga regular cuties who go to the booths, yung mga booths po dito na marriage booth, kissing booth, ganun.

"Then, na-realize ko na ang suwerte ko pala na nagkaroon ako ng blessing na ganun kalaki."

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ng iba pang entertainment press si Alden pagkatapos ng kanyang performance sa Candy Fair noong Sabado, Setyembre 24, sa Megatent Events Venue, Pasig City.

Sa kanyang pagkanta ng "Jetlag" ay sinabayan siya ng kanyang fans habang walang tigil na nagtsi-cheer para sa kanya.

SEXY MAGAZINES. Nineteen years old na si Alden next year. Kaya naman marami na ang nagtatanong kung makikita na siya sa mga sexy magazines sa susunod na taon.

"Kasi ano naman, e, 18 na ako. Next year, 19 na.

"So, wala na po talaga ako sa category ng teens.

"Open naman po ako sa mga ganung offers just in case, pero prepare-prepare muna," saad niya.

Pero kung gaano ka-sexy na pose naman ang usapan, sinabi ni Alden na, "Depende po sa kanila kung ano po gusto nila.

"Pero siguro hindi lang po up to the point na wala nang suot.

"Pero, anything below that, kaya."

ON LOUISE. Maganda ang takbo ng career ngayon ni Alden kaya naman daw ito ang focus niya ngayon at hindi ang kanyang lovelife.

"Wala po akong time sa lovelife ko ngayon, e," nakangiting sabi ni Alden.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hindi po showbiz yung sagot ko, talagang wala po akong time sa lovelife ko.

"Kasi parang, since ang dami kong blessings, yun muna yung priority ko.

"Yung lovelife naman po is nandiyan lang."

Matatandaan na noong huling panayam sa kanya, sinabi ni Alden na sumuko na siya sa panliligaw kay Louise para na din maiwasan ang "conflict." (CLICK HERE for related article.)

Balita kasing mag-on na si Louise at ang StarStruck V First Prince na si Enzo Pineda.

Pero paglilinaw ni Alden, "Tingnan na lang po natin yung status nilang dalawa ngayon.

"Parang ’pag sumingit pa po ako sa kung anong meron sila, parang hassle pa po, e.

"Puwede naman kami na maging magkatrabaho, magkaibigan... nothing beyond that.

"Kasi, parang yung conflict na, mas madaming complications na papasok ’pag pinursue ko yung [pagka] more than friends namin.

"Parang somehow, magiging negative pa yung feedback sa akin.

"So, mas okey na po ako na chill na lang."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN