Eunice "Charming" Lagunsad relates how her grandpa suffered stroke during flood

"Nung day po na iyon, kasagsagan po siya ng ulan. Yung baha umabot na naman po siya sa may gate po namin. Na yung lolo ko po, tinitingnan lang po niya [yung pataas na tubig]. Na hindi siya kumikibo, na hindi naman siya dating ganun," says Charming Lagunsad on what happened on the day her grandpa suffered a stroke.


Naging emosyunal ang child actress na si Eunice "Charming" Lagunsad habang isinasalaysay sa Showbiz Central kung paano na-stroke ang kanyang lolo habang binabaha ang kanilang tahanan.

A few years after she charmed her way into showbiz, tila nagsisimula nang harapin ni Eunice ang mga pagsubok sa totoong buhay.

Dito naikuwento ng batang aktres sa Showbiz Central ang pinagdaanan nila ng kanyang pamilya matapos masalanta ng bagyong Falcon.

Matatandaang sumalanta sa bansa ang nasabing bagyo nitong nakaraang June. Ang bahay na tinitirhan nina Charming sa Bulacan ay isa sa mga nabaha.

"Nung day po na iyon, kasagsagan po siya ng ulan. Yung baha umabot na naman po siya sa may gate po namin.

"Na yung lolo ko po, tinitingnan lang po niya [yung pataas na tubig].

"Na hindi siya kumikibo, na hindi naman siya dating ganun.

"Tapos po nung, sabi po namin, ’Punta lang muna kami ng Maynila para makahanap na tayo ng temporary na malilipatan. Kasi hangga’t ganito yung baha dito [mahihirapan tayo]’.

"Tapos po, yung tumulong na councilor po sa amin... pagbalik po nung rubber boat po, yung lolo ko po nakahiga na po siya dun sa ano po, sa rubber boat," ang umiiyak nang kuwento ni Eunice.

"Pagdating po sa harap namin nung rubber boat, yung lolo ko po, ano po siya, nakangiwi po !

"Sabi po ni Mama, ’Da, bakit ka nagganyan?!’

"Tapos, imbes na alalahanin po niya yung sarili po niya, kami pa rin po ang inisip niya.

"Sabi po niya sa amin, ’Bakit kayo nandito, akala ko ba pupunta kayo ng Maynila? Wala ba kayong masakyan?’

"Hindi po niya iniisip yung sarili po niya. Iniisip po niya, kami pa rin."

THANKS KAPUSO. Sa kabila nito, masaya pa rin daw si Charming dahil sa suportang natatanggap niya especially during these trying times.

"Nagpapasalamat po ako sa GMA-7 kasi patuloy po nila akong binibigyan ng chance po para ipakita po yung best ko po sa pag-arte.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Na maipakita ko pa po, tsaka patuloy pa rin po nila akong binibigyan ng pagkakataon po.

"Para ma-express ko pa po, o matupad ko pa po yung gusto ko pong mangyari sa akin.

"Yung pangarap ko pong mga roles po."

MESSAGE FOR LOLO. At ang umiiyak na ibinigay na mensahe naman ni Charming para sa kanyang mahal na lolo:

"Da, pagaling ka po, ha? Kung nanonood ka, miss ka na namin.

"Pagaling ka, tapos pumunta ka sa amin, ha?" malungkot na pahayag niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN