Jay-R denies living in with girlfriend Krista Kleiner

"Hindi kami nagli-live in. Actually, this is a touchy subject kasi yung pamilya niya [abroad] naririnig na rin ang mga tsismis na ganyan, e. Everyone na nanonood, sana huwag po kayong maniwala sa mga tsismis kasi hindi po totoo. Hindi po kami nagli-live-in ni Krista. Mero’n siyang sarili niyang tinitirhan sa Eastwood, ako din po iba yung bahay ko so... Lagi lang kaming magkasama kaya siguro ganun," explains Jay-R about reports that he and beaut


Ang Prince of Soul na si Jay-R ang sumalang sa "Don’t Lie To Me" segment ng Showbiz Central kahapon, September 25.

"Prince of Soul" na ang bagong title ni Jay-R since ipinamana na raw niya ang kanyang "R&B Prince" title sa kaibigan niyang si Kris Lawrence.

Unang tanong kay Jay-R ni John "Sweet" Lapus ay kung totoo bang napapabayaan na niya ang sarili niyang career.

Busy raw kasi siya sa pagpo-produce ng debut album ng girlfriend niyang former beauty queen na si Krista Kleiner.

"No" ang sagot ni Jay-R at "Truth" ang naging resulta nito sa lie-detector machine.

Ayon kay Jay-R, ang debut album ni Krista ay sa ilalim ng kanyang label na Homeworkz at silang dalawa ang producer nito.

Uunahin daw muna niya ang release ng album ni Krista at ng kanyang pamangkin na ipinag-produce din niya ng album bago siya mag-release ulit ng bago niyang album.

Under sa Jay-R’s Homeworkz Records ay ang artists niyang sina Chelo (na mala-Lady Gaga ng Pilipinas) at ang hip-hop duo na Q-York na ang isa ay pamangkin ni Jay-R.

Ire-release din daw soon sa Malaysia ang isa sa mga album ni Jay-R at kaka-release din niya ng album sa Indonesia. May album pa siya na naka-release ngayon dito sa Pilipinas, ang OPM Love Classics.

LIVING IN TOGETHER? Ang second question kay Jay-R ay kung totoong nagli-live in na sila ni Krista Kleiner.

"No" ang sagot dito ni Jay-R. Pero "Lie" ang naging resulta nito sa truth-verifier machine.

"Si Krista, nakatira sa Eastwood mag-isa siya. Ako naman sa Manila," paglilinaw ng singer.

Ang kasama raw ni Jay-R sa bahay ay ang ilan sa kanyang mga pamangkin at mga kaibigan tulad nga ni Kris Lawrence at iba pa.

"Hindi kami nagli-live in. Actually, this is a touchy subject kasi yung pamilya niya [abroad] naririnig na rin ang mga tsismis na ganyan, e.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Everyone na nanonood, sana huwag po kayong maniwala sa mga tsismis kasi hindi po totoo.

"Hindi po kami nagli-live-in ni Krista. Mero’n siyang sarili niyang tinitirhan sa Eastwood, ako din po iba yung bahay ko so...

"Lagi lang kaming magkasama kaya siguro ganun."

Madalas din daw niyang dinadalaw si Krista sa condo nito.

"Pag gising ko, gusto ko na agad dalawin si Krista, di ba?" sabi niya.

MARRYING KRISTA? Ang pangatlong tanong kay Jay-R ay kung si Krista na ang babaeng balak niyang pakasalan.

"Yes" ang sagot ni Jay-R at "Truth" ang naging resulta ng sagot ng Prince of Soul.

Magdadalawang taon at kalahati na ang kanilang relasyon, at lahat daw ng ugali na gusto ni Jay-R sa isang babae ay taglay ni Krista.

"Lahat ng mga magandang bagay sa ugali, na kay Krista na.

"Kaya happy ako sa relationship namin and hopefully in the future mangyari na din yung sinasabi ninyo [pagpapakasal]!" ang natatawang sinabi pa ni Jay-R.

WILL MAKE UP TO THEM. Ang huling tanong kay Jay-R ay kung totoong bilang isa sa mentors sa talent search na Protégé ng GMA-7, sa palagay ba niya ay nagtatampo na ang tatlo niyang protégés dahil napapabayaan niya ang mga ito?

"Yes" ang sagot ni Jay-R at "Truth" ang naging resulta nito.

Paliwanag ni Jay-R, "Actually, very busy [ako]. And di ba, siyempre yung mga protégés ngayon, they’re not in show business [yet].

"Hindi nila alam kung gaano ka-busy yung buhay talaga ng isang singer.

"Very busy ako ngayon. Hindi ako nakakapunta sa mga rehearsals nila minsan.

"So, nagtatampo sila."

Paano siya bumabawi?

"Pupunta talaga ako dun, tututukan ko sila."

Honestly, sa palagay ba niya ay nasa tatlong protégés niya ang mananalo?

"Sa akin, sa tingin ko, ano, yes. Oo!" sagot niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero ang napili ng mga hurado bilang sole protégé ni Jay-R ay si Kenneth Monico ng Cabanatuan City.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN