Nadine Samonte says working with Nora Aunor is both challenging and inspiring

Aminado si Nadine Samonte na takot siyang maka-eksena ang Superstar na si Nora Aunor. Hindi dahil terror itong katrabaho, kundi dahil takot ito na magkamali at mapahiya sa harap ng batikang aktres. Subalit ayon na rin kay Nadine, napakabuti naman sa kanya ng Superstar at binibigyan pa raw ito ng tips sa pag-arte sa mga eksena nila sa Sa Ngalan Ng Ina.


Nagsimula nang gumiling ang kamera para sa bagong soap opera ng TV5 na Sa Ngalan Ng Ina.

Kasabay nito ay muling umaarangkada ang takbo ng karera ng cast member nitong si Nadine Samonte.

Matapos ang una niyang serye sa Kapatid network na The Sisters ay agad itong nasundan ng bagong proyekto.

Eksklusibong nakapanayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Nadine kagabi, September 26, sa Blackberry 7 launch sa Ayala Museum Café sa Makati.

Naikuwento ng young actress ang kanyang mga karanasan bilang isang bagong "Kapatid."

"It’s a new experience," ani Nadine.

"It’s new. Everything is new, so, happy ako. Happy naman ako sa nangyari."

Isa sa ikinatutuwa ni Nadine sa paglipat niya sa TV5 ay nabigyan siya ng pagkakataon na makatrabaho ang tinaguriang Superstar ng Philippine showbiz na si Nora Aunor.

"Actually, ang dami kong natututunan lalo na kay Ms. Nora. Siyempre, she’s the Superstar ng Philippines, e. So, habang madami ang nakakasama ko, ang dami ko ring natututunan—iba’t-ibang klase.

"Pero sa kanya [Nora], ibang klase talaga. Parang kailangan mo talagang paganahin yung mata mo. Alam mo ’yon?

"Kasi kapag tinitingnan ka lang niya, wala na. Alam mo ’yon? Nakakatakot ka-eksena—nakakakaba. So, parang ang hirap magkamali."

Aminado si Nadine na nasta-starstruck pa rin ito kay Nora sa tuwing makakaharap niya ito.

Ano nga ba ang nararamdaman niya sa tuwing ka-eksena niya ang Superstar? Napre-pressure ba siya to the point na natutulala siya at nakakalimutan ang mga linya niya?

"Hindi. Yung feeling, buti na lang, baliktad yung feeling. Ang feeling ko is parang kailangan kong galingan kasi nakakahiya ’pag nagkamali ako, yung gano’n."

Masasabi ba niyang nai-inspire siya kay Nora Aunor?

"Oo, mas nakaka-inspire, yes. At saka mas—yung kahit hindi mo sabihin na kailangan kong galingan, yung parang nandoon na. Nandoon na yung effort, nagkakaroon na ng effort."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Mas itinuturing ni Nadine na challenge ang nararamdaman niyang "takot" sa tuwing ka-eksena si Nora Aunor at ito ang ginagamit niyang inspirasyon upang pagbutihin ang trabaho niya.

Hindi rin naman nagiging madamot ang Superstar sa pagbibigay ng acting tips sa kanya.

Naikuwento ni Nadine ang isang maselang eksena na ginawa nila kamakailan kung saan marami siyang natutunan mula kay Nora.

"Ang nangyari is may eksena kaming sasampalin ko siya. Tapos, ida-drag ko siya palabas ng door. Medyo natakot ako doon tapos sabi niya, ’Huwag.’

"Okay lang daw sa kanya [kung masaktan siya] kasi kailangan daw. Mas maganda daw ’pag binigay todo mo-yung gano’n, mga tips na gano’n.

"At saka yung parang huwag kang mahihiya sa ka-eksena mo. Huwag kang matatakot, yung gano’n."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN