Joyce Bernal says she can’t be friendly with Kris Aquino while directing her

Direk Joyce Bernal on why she can’t be friendly with Kris Aquino while directing her in Segunda Mano: "Ayoko lang na ano, parang, kasi ayoko lang na... kasi malakas yung dating ni Kris, e. So, ayoko lang na ma-take over niya ako. Parang intindihin ko siya, or something."


Noong September 23, Friday, nabigyan ng pagkakataon ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na bisitahin ang set ng 2011 Metro Manila Film Fest entry na Segunda Mano—isang horror movie na entry ng MJM Productions this year, directed by Bb. Joyce Bernal.

Pagdating namin sa area ng shooting nila sa Muntinlupa, naligaw pa kami nung una dahil bago pumasok sa Susana Heights Subdivision, may lulusutan munang isa pang subdivision.

Patungo sa bahay ng shooting ng pelikula, sadyang nakakatakot na ang ambience ng paligid. Pang-horror nga talaga ang lugar na pinili nila.

Pero, sa actual location ay isang magarbong bahay ang aming nadatnan. Kasalukuyang nag-uusap sina Direk Joyce Bernal at Kris Aquino nang amin silang abutan.

Hinihintay lang ang pagdating ni Dingdong Dantes who was said to be already near the area.

ON KRIS AQUINO. First time daw na makatrabaho ni Joyce ang Queen of All Media na si Kris Aquino. By choice, the director feels na ibang approach ang ginagawa niya sa kanyang bidang artista dito sa Segunda Mano.

"Iba yung treatment ko sa artista ko dito sa typical na artista kapag gumagawa ako ng love story, gano’n.

"[Iba rin ang treatment ko sa artista pag] series [ang ginagawa ko]. Gano’n.

"Iba yung ano, kasi a... ita-try mong anuhin [i-achieve] yung rapport nilang ano.

"So, even yung rapport ko with my actors, iniba ko dito. So hopefully [makatulong], ayon," pahayag ni Joyce.

Na-curious kami at tinanong namin kung paanong iba ang kanyang treatment?

"Ayokong kaibiganin si Kris Aquino," sabay tawa ng direktor.

"Ayoko lang na ano, parang, kasi ayoko lang na... kasi malakas yung dating ni Kris, e.

"So, ayoko lang na ma-takeover niya ako. Parang intindihin ko siya, or something," paliwanag ni direk.

So after na lang ng movie doon mo siya pwedeng kaibiganin na?

"Oo. Yeah, parang gano’n, after na lang, kung saka-sakali," sabay hagikgik.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

SEGUNDA MANO. First time magdidirek ni Joyce ng serious horror film. Dati’y nakapagdirek na daw siya, pero, comedy-horror naman ito—ang D’ Anothers na pinagbidahan noon ni Vhong Navarro. (CLICK HERE to read related article)

So how was it working with this film, na seryosong horror film na talaga?

"Fourth day ko pa lang ngayon, so actually, parang ngayon ko pa lang... ngayon ko pa lang nararamdaman. Yung ano [difference] talaga, nangangapa ako.

"Kasi hindi ko alam paano yung ano [approach]. Paano yung... paano mag-direct talaga ng horror.

"Oo. So yun, nangangapa ako. Nangangapa talaga.

"Kinakapa ko pa si Kris, e. Si Kris sanay na siya sa horror, ’di ba?

"’Tapos ayon, ngayon pa lang, medyo ngayon pa lang umiinit, sa fourth day."

So ano ba ang mero’n sa Segunda Mano? Yung edge ng film na ito?

"A, parang inaano [tinitimpla] ko lang na, parang right amount of nakakatakot lang sana.

"Parang ’wag naman yung takot na takot [yung makakapanood]. Yung parang ayaw mo nang ulitin [panoorin]. Parang gano’n," tugon ni direk.

"Gusto ko sana, parang exciting and nakakatakot. Yun yung feel ng Segunda Mano. Sana ma-achieve namin yun."

Dagdag pa niya, "’Wag naman yung sobrang horror kasi Pasko, e. Pasko ito ilalabas, e. So tama lang, gano’n."

’Di ba nakapagpakilig na kayo ng tao sa pelikula, nakapag-comedy-horror, ngayon sa palagay ninyo kaya ninyong manakot ng tao?

"Hindi ko nga alam, e," maikling sagot ni Direk.

Paliwanag niya, "Iba rin pala. Iba rin palang mag-direct ng horror.

"Ayoko rin ng [ordinaryong horror ang magawa namin]...given yung lighting, kailangan mong ibahin din.

"Kasi siyempre, isa yun sa effects, e. Kung sobrang liwanag, ’Ay!’ makikita mo kaagad yung multo, ’di ba?"

Puro gabi po yung shooting?

"Karamihan, ’tapos umuulan. Itong scene na ito, start lang niya hindi umuulan, pero right after, umuulan na.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"So yun, may rain effect din kami dito, gano’n."

WORKING WITH DONG-KRIS. First time ngang makakatrabaho ni Joyce si Kris, pero nakatrabaho na niya ang Kapuso star na si Dingdong sa mga series nito sa GMA-7.

How was it working with Kris and Dong?

"Napakagaan nilang katrabahong dalawa. Nag-uunahan lagi sa pagdating sa set," masayang ibinahagi ni Joyce Joyce.

Aniya pa, "Mas nauuna si Dong, e. Ngayon lang siya [naunanahan ni Kris]... well nauna si Kris."

Dagdag pa niya, "Si Kris, a, no’ng first day, do’n, do’n siya...do’n na siya nagpa-makeup [sa set].

"Pero, pag...ngayon every time na kino-call namin siya, made up [na siya].

"’Tapos ’yon, alam na niya [mga lines niya]—always prepared pagdating sa set.

"With Dong naman. A, ano naman, katulad, katulad ng nangyayari sa amin sa series.

"Madaming tanong, madaming ano [inaalam].

"So, hindi naman sa hindi siya prepared, pero he wants to be sure.

"Parang gano’n. He wants to be sure."

Kumusta naman yung chemistry ng dalawa rito sa movie?

"A, okay. Okay yung ano [chemistry] nila. Well, fourth day pa lang namin, so hindi ko pa alam.

"Pero, visually nung nag-rushes ako, a, parang pag sinabi mong Kris-Dingdong, parang bagay ba sila?

"Parang hindi naman. Kasi ang parati mong nakikita is Dingdong-Marian, yun ang bagay. Sobrang bagay, ’di ba?

"So yun yung naiisip ko, bagay ba sila? Pero yun, yung unang hinanap ko dun sa screen.

"So sabi ko kapag sobrang layo, parang mero’n kang [reservation], parang ’Hmmm...parang hindi...’

"So, nung nakita ko yung first rushes namin hindi naman [okay pala]. So okay ako, okay ako."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN