Shamcey Supsup signs first endorsement deal, admits being a beauty titlist hasn’t sunk in yet

"I still feel the same. Maybe that’s why it hasn’t sunk in yet. And as I have said, how people treat me, that’s the only thing that has changed. Pero me as a person, me at home, it’s still the same Shamcey that most of my friends and my family know," says Shamcey Supsup about being Miss Universe 3rd Runner Up.


Natural na kasunod ng pagsikat ng pangalang Shamcey Supsup ang pagdating ng iba pang blessings, katulad na lang ng bago at unang endorsement deal ng Miss Universe 3rd Runner Up sa Avon Philippines.

Si Shamcey ang bagong celebrity endorser ng nabanggit na direct selling beauty products company at siya rin ang mag-e-endorse ng ilo-launch na bagong fragrance line ng kumpanyang iniendorso rin ng mga celebrity na tulad nina Ruffa Gutierrez, Angel Locsin, at Lea Salonga.

Masaya raw ang dalagang tubong-General Santos City sa pagkakapili sa kanya ng Avon. Hindi naman daw siya naiba sa mga produkto ng kumpanya dahil ang mismong tiyahin niya ay nagtitinda rin noon ng Avon products.

"I am happy to be part of empowering women and to be working for a company for women," sabi pa ni Shamcey sa press conference na idinaos sa Salon de Ning ng Peninsula Manila kaninang pananghalian, September 28.

Sa mga nangyayari sa kanya ngayon—guest appearances, motorcade, meetings with important people, at ngayon nga’y endorsement deal—tinanong si Shamcey kung nag-sink in na ba sa kanya nang husto ang kanyang pagiging Miss Universe 3rd Runner Up.

"I don’t think I’ll ever get over... Kasi even winning Binibining Pilipinas, it hasn’t sunk in at all.

"And now, Miss Universe came... I still feel the same. Maybe that’s why it has never sunk in yet.

"And as I have said, how people treat me, that’s the only thing that has changed. Pero me as a person, me at home, it’s still the same Shamcey that most of my friends and my family know," sagot pa ng 25-year-old beauty queen.

May mala-beauty pageant question and answer portion na tanong na ibinato rin kay Shamcey sa presscon.

Tinanong ang beauty queen kung sa panahon ngayon, may relevance pa rin ba ang beauty pageants.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"I think beauty pageants are still relevant. Aside from being able to show that we’re not just beautiful but we also have something to say, and we have a purpose, a bigger purpose in life.

"And I think through beauty pageants, we are able to showcase our talents, we are able to show that we are confident, that we are proud of who we are.

"It’s something that we, in the modern world, we still appreciate beauty. And I think that’s one way of appreciating what God has created and celebrating women in general," sagot ni Shamcey.

Hindi na nagtagal pa si Shamcey sa presscon dahil pagkatapos ng mabilisang photo op ay agad nang hinila si Shamcey para naman sa kanyang courtesy call kay Mayor Alfredo Lim ng Maynila.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN