Nikki Valdez says she has no bad experience with Vice Ganda

Nikki Valdez on questions that Vice Ganda has grown swell-headed: "Wala akong na-experience na pangit na ugali niya. So, I cannot talk about something na hindi ko naman na-experience. Dahil hindi ko nga na-experience yun sa kanya. I’m actually very happy for him [sa achievements niya]."


Puno ng pasasalamat si Nikki Valdez dahil aktibo pa rin ang kanyang showbiz career. Ito ay sa kabila ng ginawa niyang pagtalikod sa showbiz noong nagpakasal siya at piniling mamuhay kasama ang kanyang asawa at anak sa Canada.

Pero, muli ngang binalikan ni Nikki ang showbiz matapos mauwi sa hiwalayan ang relasyon nila ng asawang si Christopher Lina.

Ano ang pakiramdam na hindi siya nakalimutan ng showbiz at ng mga tao?

"Grabe yung pasasalamat ko. Siyempre, masaya ako.

"Parang sabi nga nila, pag tumatanda ka, para kang wine.

"Pag tumatanda ka lalo kang sumasarap, lalong nagiging maganda.

"Kaya nagpapasalamat talaga ako, 14 years na ako sa ABS-CBN.

"At hindi nila ako pinabayaan kahit nawala ako," sabi ni Nikki.

Ito ang mga naunang pahayag ni Nikki sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa grand presscon ng Star Cinema at Viva Films movie, ang Praybeyt Benjamin, na ginanap kahapon, September 28, sa Dolphy Theater sa loob ng ABS-CBN compound.

SECOND MOVIE WITH VICE. Kabilang nga si Nikki sa cast ng Praybeyt Benjamin, na pinagbibidahan ni Vice Ganda.

Ginagampanan ni Nikki ang role ni Pinky, ang nag-iisang babaeng sundalo na kasama sa grupong tinaguriang "losers" along with Vice Ganda.

Isa siyang tomboy na pipiliting ilabas ang tunay na pagkatao ni Vice, na isa namang bakla.

Isa nga raw sa dapat abangan sa movie ay kung matutuloy ang kissing scene niya with Vice.

Ayon kay Nikki, mas naging close daw sila ni Vice sa muli nilang pagsasama sa trabaho sa Praybeyt Benjamin.

Una nga silang nagkasama noong 2009 sa pelikulang In My Life, na pinagbidahan nina Vilma Santos, John Lloyd Cruz at Luis Manzano.

Ano ang best moment niya with Vice Ganda?

"Naku ang dami! Kasi una kaming nagkasama sa In My Life.

"May mga simple moments kami na kumakain kami ng street food sa New York.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Dito naman sa Praybeyt, it’s always all the best moments with Vice when we shoot.

"Kasi sumasakit ang tiyan ko, kinakabagan kami kakatawa.

"Kahit pag nakita n’yo ang mga Twitter namin, sobrang nagkukulitan kami.

"At saka ito yung alam mo na agad, natatapos na niya agad yung sentence mo kasi nga ganun na kami magkakilala.

"Nagpapasalamat ako at nagkasama ulit kami ni Vice."

Paano niya ilalarawan si Vice bilang kaibigan?

"Si Vice, napaka-totoo. Papansinin niya pag hindi okay ang ginagawa mo.

"Tapos, pupurihin ka naman niya pag maganda ang ginagawa mo."

VICE IS MISUNDERSTOOD? Ano naman ang masasabi niya sa mga negative issues tungkol kay Vice gaya ng lumalaki ang ulo at mahilig manlait?

"Wala akong na-experience na pangit na ugali niya. So, I cannot talk about something na hindi ko naman na-experience.

"Dahil hindi ko nga na-experience yun sa kanya. I’m actually very happy for him [sa achievements niya].

"Kasi matagal ko na siyang kakilala, e, nagpa-Punchline pa lang siya [as stand-up comedian]."

Kasama rin sa Praybeyt Benjamin sina Eddie Garcia, Derek Ramsay, Kean Cipriano, Carlos Agassi, DJ Durano, Jimmy Santos, Malou de Guzman, Dennis Padilla, Vandolph at Tutti Caringal. Mula ito sa direksiyon ni Wenn Deramas at ipalalabas sa mga sinehan simula sa October 12.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN