Nikki Valdez confesses being traumatized by her failed marriage

"Right now, sa totoo lang, na-traumatize ako. Kahit na sinasabi nila, ’Nikki, makakahanap ka pa. Bata ka pa.’ Alam ko. I just turned 32 nung January. Pero sabi ko, sa totoo lang, traumatized ako. Takot akong makakilala ulit ng bago. Hindi ako maka-trust nang ganun-ganun lang, kasi ang hirap, e." says Nikki Valdez on the possibility of falling in love and getting married again.


Sa presscon ng pinagbibidahang pelikula ni Vice Ganda na Praybeyt Benjamin kahapon, September 28 na ginanap sa Dolphy Theater sa loob ng ABS-CBN compound, muling naungkat ang tungkol sa paghihiwalay nina Nikki Valdez at ng kanyang asawang Fil-Canadian na si Christopher Lina.

Unang isiniwalat ni Nikki ang tungkol dito noong December 2010 sa presscon ng Metro Manila Film Festival entry na, Ang Tanging Ina Mo, Last Na ’To kung saan naging emosyonal pa siya.

Limang taon din ang pinagsamahan nila ni Christopher bilang boyfriend-girlfriend bago nauwi sa kasal ang kanilang pagsasama.

Dalawang beses silang ikinasal. Unang ikinasal sina Nikki at Christopher sa Huwes noong February 14, 2007. Nagkaroon sila ng church wedding noong July 7, 2007 dito sa Pilipinas.

Umalis silang mag-asawa that same month para manirahan sa Toronto, Canada, kung saan naka-base si Christopher.

Sa Canada rin ipinanganak ni Nikki ang ngayo’y tatlong taong daughter niya na si Olivia.

READY TO TALK! Kung naging emosyonal man si Nikki noong una niyang ipaalam ang paghihiwalay nila, ngayon ay open na siya na pag-usapan ang bagay na ito.

"Syempre, reyalidad naman iyon ng buhay, e. Especially ngayon na everything’s out na.

"Hindi ko naman talaga dine-deny lahat yun. Mas masaya nga ako na nailabas na."

Gaano katagal na ba silang magkahiwalay?

"Not living together, since 2009. So, two years. Officially, the divorce was granted early this year, mga first quarter.

"I still have to take care of my annulment. Pero, yung baby ko nasa akin."

REASON OF SEPARATION. Ano ba talaga ang naging problema sa relationship nila?

"It’s just so many things na parang ayoko na lang ding idetalye.

"Naapektuhan yung personal ko. Pati personal growth ko na-strain siya when I was in Canada.

"Marami akong na-envision nung nandito pa ako na eto yung magiging buhay ko, na tinanggap ko na lahat.

"Pero it didn’t turn out that way. So, parang na-strain talaga ako nang sobra na parang pati yung pagkatao ko nawala.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Lagi ko ngang sinasabi na sa isang relationship, it’s not only one person [ang] nagkakaroon ng pagkakamali, di ba?

"Two-way kasi ang relationship. It’s give and take. I guess, I had my own shortcomings.

"It’s just that hindi talaga kami nag-workout."

Bakit niya piniling huwag munang isiwalat ang nangyari sa kanilang mag-asawa noon?

"Kasi ganun pala yung feeling na may anak na ako.

"Tapos for a while, I was still thinking kung parang makakatulong ba yun kung ilalabas ko.

"Pero ako rin mismo, nahihirapan dahil hindi na ako nagpapakatotoo.

"Kaya hinintay ko yung right time, I guess, na ilabas lahat. Kasi na-stress out ako.

"Ang dami ko pang questions sa sarili ko na gusto ko ba talagang aminin, o itutuloy ko pa ba yung relationship.

"Nandun pa ako sa point na yun na feeling ko walang katapusan.

"Finally, when he came home last year, dun kami nakapag-usap kaya ko siya nasabi.

"Kasi nag-usap na kami ulit. Kasi almost a year kami na hindi in speaking terms."

MOVING ON. Nakatulong daw nang malaki ang pagbabalik niya sa Pilipinas at sa showbiz para makapag-move on siya.

"Naka-help yun na different timezones kami. Plus may kanya-kanya kaming buhay.

"May trabaho siya, may trabaho ako. Kasi, ever since I got here I never stopped working.

"Thankful naman ako na mero’n akong diversion. Good diversion yung trabaho ko.

"Yun na nga I have my friends with me. I have my family who keeps me grounded.

"So, yun talaga yung key to every part of moving on."

Pwede pa ba silang maging magkaibigan ng kanyang ex-husband?

"Ang pagiging magkaibigan, masyadong malalim yun. Tingin ko hindi pa ngayon.

"Hindi ko masasabing magkaibigan kami. Ang importante ay nag-uusap kami.

"I’m not even saying na civil kami, e. Ang hirap, e, kaso nandun yung bata, e. Wala ka talagang choice."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pinagsisihan niya ba na nag-asawa pa siya tapos ay mauuwi rin pala sa hiwalayan?

"Hindi, kasi nandiyan naman yung anak ko. Siya yung blessing na dumating sa akin dahil nagpakasal ako.

"At saka minahal ko naman siya. Kaya nga nung nakuha ko yung divorce papers ko umiyak pa rin ako.

"Kasi limang taon kami, plus two, seven years din kami, di ba? So, may pinagsamahan talaga kami."

FOR HER DAUGHTER’S SAKE. Nag-try bang kunin ni Chris ang custody ng anak nila?

"Very vague kasi yung word na custody, e. Syempre gusto niya na magkabalikan kami.

"Pero, hindi na talaga nag-work, e. At saka ako yung mother, so dapat nasa akin ang anak ko. Wala siyang magagawa."

Si Nikki nga ang papanigan ng batas ukol sa kung kanino dapat mapunta ang bata dahil tatlong taon pa lang ito. Pero, hindi naman daw niya ipinagkakait kay Chris ang anak nila.

"Nagkaroon naman kami ng kasunduan, pag nasa Canada ako, or [if] he’s here, he has the liberty to take out the child.

"Pero syempre, dapat kasama ako. It’s not that hindi ko siya tina-trust. It’s just that parang mas okay na nandun pa rin ako."

Paano niya ipaliliwanag sa anak niya in the future ang nangyari sa kanila?

"Actually, in question pa rin ako doon. Lagi kong kinakausap ang mommy ko.

"Feeling ko nun, ako yung failure sa family namin. My parents are turning 35 years sa marriage nila sa October.

"Anyway, going back kung paano ko sasabihin sa anak ko...

"Kasi ang dami na niyang questions ngayon kahit umuuwi kami ng Canada.

"Yung, ’why don’t we live together?’ Pumupunta lang siya sa hotel kung saan kami nag-stay.

"Yung anak ko, ’Mama, where’s Papa?’ Sasabihin ko, ’He’s at home, sleeping.’

"Ang sabi lang talaga ng mommy ko, her advice is just be honest when my daughter gets older.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kasi dadating yung point na yan na she will go to school. Makikita niya yung mga friends niya.

"Magtatanong iyan na, ’bakit kaya sila complete set of parents? Bakit ako nanay lang?’

"So, yun. Ang dami lang actually na pagdadaanan pa."

TO LOVE AGAIN? Best lesson learned sa pangyayaring ito sa buhay niya?

"Well, if you fall, you get up and move on with your life.

"Ang importante, e, you keep youself grounded. Parang sakuna lang iyan, e.

"Pag may nangyaring ganyan, presence of mind, kailangan alam mo agad ang gagawin mo.

"At alam mo ang gagawin mo pag may paglalaanan ka, e.

"Kaya very thankful ako nandiyan yung daughter ko."

Open ba siya sa possibility ng muling pag-aasawa?

"Right now, sa totoo lang, na-traumatize ako. Kahit na sinasabi nila, ’Nikki, makakahanap ka pa. Bata ka pa.’

"Alam ko. I just turned 32 nung January. Pero sabi ko, sa totoo lang, traumatized ako.

"Takot akong makakilala ulit ng bago. Hindi ako maka-trust nang ganun-ganun lang, kasi ang hirap, e."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN