Vice Ganda says boyfriend will attend premiere night of his movie; refuses to reveal his identity

"Tayo namang lahat, kailangan may reservation tayo. Hindi lahat sine-share. Mas masarap na may excitement na nananatili sa katawan. Wala nang mystery kapag alam ninyo na’ng lahat sa buhay ko. Magiging boring ang pagkatao ko," says Vice Ganda when insistently asked about his boyfriend’s identity.


Mas masaya at mas may confidence na raw si Vice Ganda ngayon sa bago niyang pelikulang Praybeyt Benjamin kumpara sa title-roler niyang Petrang Kabayo.

"Masaya at hindi yata ako masyadong kinakabahan," panimula ni Vice Ganda nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Porta) kahapon, September 28. Sa presscon ito ng Praybeyt Benjamin sa Dolphy theatre sa ABS-CBN compound.

"At saka, mas kampante ako ngayon kesa noong Petra," pagpapatuloy niya.

"Kasi, noong Petra, hindi ko alam kung paano ako tatanggapin ng tao."

"Pero ito, kalahati pa lang ang nada-dub ko, naka-quota na ako sa tawa.

"Proud na ’ko rito. Kasi, yun naman ang gusto ko, ang makapagpatawa."

GAY EXPERIENCE. During the panel interview, marami ang nagulat, at the same time, nagpalakpakan na entertainment press sa ginawang pag-amin ng veteran actor na si Eddie Garcia.

Tungkol ito sa pagkakaroon daw niya ng experience sa bading when he was young. Dahil dito, sumunod na rin na umamin sina DJ Durano at Carlos Agassi na gaya ni Eddie Garcia ay may karanasan na rin daw siya sa bading.

Ayon kay Vice,"Bukod sa nagulat, natuwa ako.

"Ano yun, liberating para sa kanila, ’no! At saka, yun nga, natuwa ako sa sinimulan ni Sir Eddie."

Dahil parang naipo-promote ang mga bading?

"Hindi naman sa ipino-promote. Ayoko naman ng pino-promote rin.

"Sinusuportahan ko lang. Kasi, karapatan din naman nila yun bilang tao.

"Hindi bilang bakla. Suportahan natin sila bilang mga tao."

Naipakita raw sa pangyayaring yun na wala namang masama na aminin ang naturang bagay.

Aniya, "Isang pagpapatunay na walang masama kung gusto mong aminin.

"Wala rin namang masama kung ayaw mong aminin.

"Kalayaan mo yun. Karapatan mo para sa sarili mo.

"Ikaw mismo ang magpapaluwag ng dibdib mo.

"Kung yun ang makakapagpaluwag ng dibdib mo. Umamin ka."

Pero ayon kay Vice, "Sensitibo talaga yun. Maraming pagkakaiba ang bawat isa at kailangang tanggapin natin, at intindihin natin."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

PROBLEM WITH OGIE DIAZ? Naitanong din kay Vice ang tungkol sa diumano’y may problema sila ng kanyang manager na si Ogie Diaz.

Ayon kay Vice, hindi raw talaga siya marunong magsinungaling kaya ipinagtapat nitong okay naman sila ni Ogie. Pero, hindi raw ganap na masaya sila ngayon at kailangan pa nilang mag-usap.

Nang makausap na nga namin si Vice, muli naming itinanong ang hindi mamatay-matay na isyu sa pagitan nila ni Ogie.

Aniya, "It’s a phase. It’s a phase lang. Ano ba yun, habambuhay na lang ba kayong malungkot?

"Hindi naman ganoon. At saka, palagi rin kaming nagkakasundo.

"May mga bagay kaming pinagtatalunan at hindi napagkakasunduan."

Ano ba ang mga bagay na hindi nila napagkakasunduan?

"Kami muna ni Ogie ang mag-uusap at isi-share namin sa inyo kapag may pagkakataon.

"Kami muna dapat siguro ang mag-usap."

Dugtong din niya, "Kaming dalawa, hindi kami masyadong masaya ngayon.

"Kaya, kailangan naming mag-usap. Pero, tulad ng sinabi ko, hindi kami maghihiwalay ni Ogie.

"Alam mo yun, malawak ang salitang hindi maghihiwalay.

"Puwedeng matapos ang salita, or ugnayan namin bilang manager-talent.

"Pero, yung [bilang] mag-ina, magkaibigan, hindi mapuputol yun.

"Palaging may karapatan si Ogie na magsalita at magbigay ng mga salita sa akin at iginagalang ko ang mga salitang yun.

"Hindi natatapos ang relasyon namin ni Ogie. Masyado kaming malalim na magkaibigan.

"Ang hindi natatapos, hindi kami masyadong masaya ngayon sa relasyon namin.

"May mga problema kami na may kinalaman sa trabaho."

Ibig niyang sabihin, hiwalay ang propesyunal at personal na aspeto sa kanila?

"Oo, hiwalay. Tulad kanina, magkasama kami sa dressing room.

"Nagkikita kami, nagbebesohan kami, chikahan. Pero, hindi pa kasi namin nata-tackle ang important issue.

"Kasi nga, hiwalay talaga ang oras namin bilang magbarkada."

May kinalaman daw ba ito sa sinasabing pagtanggap niya ng isang show na hindi alam ni Ogie?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ay, never akong tumanggap ng show na hindi alam ni Ogie.

"Siya ang palaging unang tumatanggap ng show para sa akin."

Ano lang ang nagiging dahilan para magkausap sila, or mapag-usapan na nga nila yun ni Ogie?

"Nothing’s stopping me. Siyempre, gusto kong mapag-usapan.

"Siguro, wala pa lang kaming time na mapag-usapan.

"Sa sobrang busy ko nga, wala kaming time na mag-usap.

"Pero, kung ako mismo, hindi ako gagawa ng hindrance para mapag-usapan namin yun."

HAPPY VICE? Concerning his lovelife, isang bagay ito na ayaw pa talagang i-share ni Vice.

Sa huling presscon niya, inamin ni Vice Ganda na may boyfriend siya.

Dahil may instances na nakikita siyang nagiging emosyonal, o napapaiyak, ang dating sa iba, may pinagdadaanan ang TV host sa kanyang lovelife.

Baka daw break na sila ng kanyang boyfriend.

"Hindi, nakaka-iyak kasing talaga ang ’Pasko Na Sinta Ko’.

"Kahit may dyowa ka, kapag narinig mo yun, nakaka-iyak."

Parang hindi naman nakaka-iyak kung may dyowa talaga?

Natatawang hirit naman ni Vice, "Ewan ko sa inyo! Yan ang hirap sa inyo.

"Bakit di ninyo ginagalang ang opinyon ko?"

Nag-break na sila?

"Okay na. Okay na kami ulit."

So, masaya na ulit ang darating niyang Pasko?

"Masaya. Kahit naman walang dyowa, puwedeng maging masaya ang Pasko."

SUPPORTIVE BOYFRIEND? Ayon pa kay Vice, manonood daw ang kanyang boyfriend sa premiere night ng Praybeyt Benjamin.

Ito ba ’yung kuwento niyang player?

"Ha? Hindi siya player. Coaching staff na siya ngayon.

"Para malito kayo. Iba-iba ang propesyon niya," natatawa niyang sabi.

Bakit parang sobra siyang malihim ngayon sa lovelife niya?

"Tayo namang lahat, kailangan may reservation tayo. Hindi lahat sine-share.

"Mas masarap na may excitement na nananatili sa katawan.

"Wala nang mystery kapag alam ninyo na’ng lahat sa buhay ko. Magiging boring ang pagkatao ko."

Okay lang kaya sa guy kung may makaalam na?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Sa akin kasi, hindi okay, e."

When it comes to intrigues, aminado si Vice na tao lang din daw siyang nasasaktan. Pero, as much as possible, hindi na lang niya ito ipinapakita.

"Marami. Marami rin na intriga. Pero, isa sa paraan para maprotektahan mo ang sarili mo, ay yung hindi mo ipaalam sa mga kumakalaban sa ’yo kung paano ka nila naapektuhan.

"Kung nasasaktan man nila ako, hindi ko na ipinapaalam kung paano nila ko sinasaktan.

"Kasi, baka yun pa ang gamitin nila. Tao lang din ako, nasasaktan din," pagtatapos pa niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN