Carmina Villarroel strongly feels Zoren Legaspi won’t be another BB Gandanghari

Carmina Villarroel on Zoren Legaspi becoming another BB Gandanghari: "Naku, parang malayo naman yata. Parang ano, parang guguho na yata ang mundo ’pag ganoon!"

But what if it happens?: "Siguro, malabo. Masyadong malabo talaga. Parang hindi ko yata siya maaarok nang bonggang-bongga!"


Kung tutuusin, napakatagal nang hiwalay sina Carmina Villarroel at ang dati niyang asawa na si Rustom Padilla na si BB Gandanghari na ngayon.

Pero, tuwing makakausap ng entertainment press si Carmina, gaya noong nakaraang presscon ng Del Monte Tomato Sauce kung saan siya ang endorser, naitatanong pa rin kay Carmina ang dating asawa.

Sinasagot naman ni Carmina ang bawat itanong sa kanya na may kinalaman sa dating asawa.

Gaya ng, what if for the second time, she will find out na ang ama ng kanyang kambal na si Zoren Legaspi ay gaya rin ng kanyang ex-husband?

"Naku, parang malayo naman yata. Parang ano, parang guguho na yata ang mundo ’pag ganoon!" natatawang sagot ni Carmina.

Dugtong pa niya, "Pero, niloloko ko siya, ha. Running joke na sa amin na, ’Honey, umamin ka na. Umamin ka na.

"’Okay lang naman sa akin. Been there, done that,’" natatawang kuwento pa niya.

Ano naman ang nagiging sagot ni Zoren?

"’Oo, malapit na,’ sabi naman niya. Wala na. Pinagtatawanan na lang namin."

May humirit pa rin ng tanong na, what if nga?

"What if? Teka, hindi, e. Kailangan ko yatang mag-motivate.

"Siguro, malabo. Masyadong malabo talaga. Parang hindi ko yata siya maaarok nang bonggang-bongga!"

FACING BB GANDANGHARI. Maliit lang kung tutuusin ang mundo ng showbiz. Pero, kahit noong umuwi na si Rustom sa Pilipinas bilang si BB Gandanghari, hanggang ngayon ay ’di pa raw nagkukrus ang kanilang landas.

"Alam niyo, hindi pa. Hindi ko rin alam kung nasaan na siya, o kung ano na ang pinagkakaabalahan niya.

"But, feeling ko lang, feeling ko lang, if ever na magkikita kami, mangyayari na lang.

"At saka, maliit lang naman ang mundo. At saka, paano rin ba kami magkikita, hindi rin naman ako lumalabas?

"Paano ba ’to? Feeling ko, mangyayari na lang. Kung mangyayari, mangyayari."

Hindi kaya manghingi na lang siya ng fashion tips sa ex-husband?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hindi ko rin alam. Feeling ko, tatawa lang ako. ’Di ba, knowing me!"

Makikilala pa rin kaya niya ito?

"Makikilala ko siya kasi, nakikita ko siya sa mga picture. I’m sure, makikilala ko siya."

May negosyo si Carmina na mga sapatos, ang Muniz. Posible ba niyang alukin, or bentahan si BB Gandanghari ng mga shoes niya?

"Why not?! Sasabihin ko, ’pakyawin mo na ’to, Sister!’ ’Di ba, ganoon lang naman yun, e."

Wala nga raw update si Carmina kung ano na ang nangyayari kay BB Gandanghari, or kung ano na ang pinagkakaabalahan nito.

"Basta ang sa akin, kung anuman ang mga pagbabago pa sa buhay niya... kasi sa akin, kung wala naman siyang sinasagasaang tao, if he, she’s going to be happy, then, go! Go lang.

"Basta ang sa akin, kasi ako, I’m very happy with my life.

"Sana kung ano ang kaligayahang nararamdaman ko, yung peace na mero’n ako, sana yun din ang makuha niya."

REASON OF SEPARATION? Itinanggi rin ni Carmina na ang reason ng paghihiwalay nila ni BB Gandanghari noon ay dahil nga sa gender issue.

"Hindi talaga, hindi talaga. Walang kinalaman do’n.

"People will always say na, ’ay naku, sinasabi mo lang yan.’

"O, bakit, it’s always easy to say na, ’ay naku, oo talaga, mero’n.’

"Siguro naman, hindi na kayo magdududa kung mero’n at yun talaga ang dahilan. Pero, hindi, e.

"Lumabas na itong lahat but my answer is still no. So, very consistent.

"You will see na wala. At never na naging problema sa akin ’to.

"Never akong nagsalita against him. Hindi siya. Hindi siya ang naging dahilan. Hindi talaga."

TRUSTING ZOREN! On the other hand, naiintriga naman si Carmina dahil simula nang mag-co-host si Zoren ng Paparazzi, madalas na nagkakabiruan sila ng dati nitong girlfriend na si Ruffa Gutierrez. Madalas din na napag-uusapan ang past nila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Joke, joke lang yun. Kasi, kung totoo na yun, hindi na niya iti-TV. Ite-text na niya."

Pero, napapaisip din ba siya kapag nakikita niyang magkasama sina Zoren at Ruffa?

"Hindi rin. Kasi, once na nag-entertain ka ng ganoon, wala, e.

"Mas lalabo ang relationship ko with Zoren, then yung friendship ko with Ruffa if I’m gonna entertain [such ideas].

"Hindi kasi makitid ang utak ko. Artista rin ako, so, alam ko kung paano sumakay sa mga ganyan.

"At saka, hindi nila maloloko [isa’t isa], hindi sila magiging ganoon ka-comfortable if there’s something.

"So, wala...at saka si Ruffa, sobrang bait na ano [kaibigan] yun."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN