Kean Cipriano on rumored misunderstanding with Alex Gonzaga: "Tinatanggap ko na kasalanan ko ’yon."

"Nakasama ko siya nang matagal na panahon. Nagkasama kami nang halos araw-araw. Kumbaga, ano sa akin ’yon, priceless ’yon," says Kean Cipriano about his woking experience with Alex Gonzaga, who will be his co-star again on upcoming TV series P.S. I Love You.



Sinubukang iwasan ng singer-turned-actor na si Kean Cipriano ang usap-usapan noon na nagkaroon ng ’di pagkakaunawan sa pagitan nila ng TV host-actress na si Alex Gonzaga.

Matatandaan na nagkatambal ang dalawa sa youth-oriented show na BFGF sa TV5. Pero, nang matapos ang programa, may balitang lumabas na nagkakaiwasan na ang dalawa.

Nang tanungin siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang media tungkol dito, nakiusap ang frontman ng Callalily na sa kanilang dalawa na lang iyon ni Alex.

"Kumbaga, kung anuman ’yong nangyari sa amin dati, nirerespeto ko ’yong pagsasama namin.

"Kung anuman ’yong naging problema, or kung anuman ’yong nangyari, sa amin na lang ’yon," pahayag ni Kean nang makapanayam namin siya pagkatapos ng press conference ng Praybeyt Benjamin kahapon, Setyembre 28.

Pagkatapos nito, inako ni Kean ang pagkakamali sa kung anumang di pagkakaunawaan nila noon ni Alex.

Sabi pa niya, "Sa akin, kung anuman ’yong hindi magandang nangyari, tinatanggap ko na kasalanan ko ’yon."

EVERYTHING’S WELL. At para patunayan na walang problema sa kanila ni Alex, na muli niyang makakatrabaho sa teleseryeng P.S. I Love You, sinabi niya na nagkita na silang muli.

Kwento ni Kean, "Nagkita na naman kami bago pa kami mag-storycon.

"Nag-dinner kami sa A Taste of L.A., kami nina Direk Joyce [Bernal, direktor ng BFGF].

"Nagkita ulit kami, matagal din kaming hindi nagkita."

At ang pagkikitang ito, ayon kay Kean, ay "magaan" dahil nakapag-usap na silang dalawa.

Gayundin, natutuwa si Kean dahil muli silang magsasama sa isang proyektong pang-telebisyon.

Sabi niya, "Masaya ako dahil panibagong oportunidad at panibagong learning experience.

"Masaya ako kasi may pinagsamahan kami ng taong ’yon."

Sa bandang huli, nangako naman si Kean na kahit may mga isyung naglalabasan ay hindi magbabago ang pakikitungo niya kay Alex.

"I’m gonna be here for her," sabi ni Kean.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Sabi ko nga, nakasama ko siya nang matagal na panahon.

"Nagkasama kami nang halos araw-araw.

"Kumbaga, ano sa akin ’yon, priceless ’yon."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN