Jasmine Curtis-Smith admits "tampo" towards sister Anne Curtis in the past

"Kasi before, parang medyo nagtatampo ako sa kanya na, ’Ay, nandito na nga ako, nagbabakasyon para makasama siya, pero lagi siyang may work.’ Pero now I understand na talagang hindi kasi siya ang may control ng schedule niya," shares Jasmine Curtis-Smith about her feelings back when she used to come from Australia to visit her very busy celeb sister Anne Curtis.


Asked to describe her Ang Utol Kong Hoodlum leading man, Jasmine Curtis-Smith couldn’t help but compare JC de Vera to a chocolate bar, specifically the Caramello Koala—a Cadbury variant she grew fond back in Australia.

"Kasi ang Caramello Koala, sa labas, it’s hard. It has a tough shell, but when you bite into it, meron siyang soft caramel that flows," paliwanag muna ng nakababatang kapatid ni Anne Curtis sa pocket presscon ng kanilang TV5 action series sa Craving Tomas Morato, kahapon, September 29.

"Parang si JC. When you look at him, yung exterior niya mukhang tough, mukhang..."

Biglang nag-flex ng muscles sa braso si JC na katabi ni Jasmine sa table.

"O, may muscles pa!" nasabi tuloy ni Jasmine.

"Pero when you get to know him, you get to know what’s really inside, he has a soft spot and he’s not hard to get along with.

WHY SHE LIKES GIVING CHOCOLATES AS PASALUBONG. Nabanggit ang tsokolate sa presscon dahil mahilig si Jasmine sa pagbibigay ng chocolates bilang pasalubong sa kanyang mga kaibigan.

"Naging tradisyon na po kasi para sa amin ni Mommy na laging magbabaon ng pasalubong para ibigay sa mga relatives namin dito.

"So, ayaw naman po namin na baguhin yung tradition namin na puro tsokolate ang dinadala.

"E, tuwing umuuwi po ako [sa Pilipinas], yung maleta ko po, mas madami pa pong laman na tsokolate kesa sa mga damit o sapatos.

"Kaya po ako nanghihiram kay Ate!" natatawang kuwento ng 17-year-old Filipina-Australian na dalagita.

Dagdag pa ni Jasmine, nakakasaya raw talaga ang chocolate, kaya mas gusto niyang nagreregalo o nagbibigay nito.

"It’s true na nakakapagpasaya talaga siya ng tao. It has that chemical na nagre-release para sa endorphins..." sabi pa ng dalagita.

Para kay JC, ang chocolate bar na Twix naman ang pinasalubong niya nung umuwi siya ilang linggo na ang nakakaraan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayong kay JC, wala raw kasi sa Pilipinas ng chocolate brand na ito kaya ito ang ni-request niya sa dalagita nung manggaling ito sa Australia.

JASMINE’S CRAVING FOR TIKOY. Kapalit ng pasalubong na chocolates, tikoy naman ang ni-request ni Jasmine na ipasalubong sa kanya ng binata.

Bakit naman tikoy?

"Tikoy po kasi nung dito pa po ako nakatira, tuwing Pasko po or New Year, pag nagse-celebrate po kami ng family namin, kami ng mga tita ko, mga pinsan, mga kaibigan, sa bahay po namin, maraming tikoy.

"So, lagi ko pong kinakain. E, ang hirap po hanapin ng tikoy sa Australia," sagot ni Jasmine.

Ubos na nga raw agad ang tikoy na bigay sa kanya ni JC. Na-share niya raw kasi sa iba pa niyang kasama na gustong kumain ng tikoy.

NO TIME YET FOR A RELATIONSHIP. Ibang klaseng closeness na ang namagitan kina Jasmine at JC sa paggawa nila ng Ang Utol Kong Hoodlum.

Pero mabilis naman sa pagsasabi ang dalawang stars na closeness lang ng paggiging magkaibigan at magkatrabaho ang puwedeng mamagitan sa kanila.

Bukod kasi sa may girlfriend na si JC sa katauhan ng singer turned actress na si Danita Paner, wala pa raw sa isip ni Jasmine ang pakikipagrelasyon.

Matindi rin daw kasi ang bilin kay Jasmine ng kanyang Ate Anne tungkol sa boys.

"Kailangan dumaan sila [boys] sa kanya. Kailangan approve siya. Basta’t hindi siya in the way of school or work.

"Pero ang bilin niya is focus muna sa school at sa work. Kasi parang pag pinagsabay mo yun sa relationship or ganun, parang maguguluhan na. Ang dami mo nang inaasikaso."

SHE NOW UNDERSTANDS HER SISTER’S WORK. Naiintindihan naman daw ni Jasmine kung bakit ganun sa kanya ang elder sister niya.

"Gusto niya rin naman pong ma-experience ko yung ibang na-experience niya sa showbiz nung nagsisimula pa lang siya, so, hindi niya nili-limit yung mga nae-experience ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Pero of course, gusto niya rin naman na hindi ko pagdaanan yung mga sobrang nakakasakit sa puso na pinagdaanan niya, so, maalaga siya pagdating sa gano’n," paliwanag ni Jasmine.

Marami na rin daw siyang naiintindihan sa mga bagay-bagay na dati’y ikinasasama niya ng loob sa kanyang Ate Anne.

"Kasi before, parang medyo nagtatampo ako sa kanya na, ’Ay, nandito na nga ako, nagbabakasyon para makasama siya, pero lagi siyang may work.’

"Pero now I understand na talagang hindi kasi siya ang may control ng schedule niya," kuwento pa ni Jasmine.

Mas naging close na rin daw sila ngayon dahil na rin sa pagpasok niya sa showbiz.

"Very close kami ni Ate. Lahat napag-uusapan namin.

"Wala na kami sa awkward phase ng mag-ate, since malaki nga ang agwat namin sa age [nine years ang pagitan ng edad nila].

"At least, may na-develop na rin kaming bond dahil mas may common ground na kami ngayon."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN