Nadine Samonte maintains relationship with GMA-7 colleagues although she’s now with TV5

Nadine Samonte on former home network GMA-7 after transferring to TV5: "Wala namang ano, e... parang wala naman kaming iniwan na negative about them. I’m so thankful pa nga lagi to them. Hindi naman ako magiging Nadine Samonte kung hindi rin naman dahil sa kanila."


Hunyo nitong taon nang pormal na inanunsyo ng TV5 ang paglipat ni Nadine Samonte sa kanila bilang contract artist. (CLICK HERE to read related article)

Nanggaling si Nadine sa GMA-7 kung saan una siyang nakilala sa reality talent show na Starstruck.

Ayon kay Nadine, hindi raw naging madali ang desisyon niyang lumipat sa TV5.

"Actually, at first it was hard. Kasi, I was with Channel 7 for seven years, e," kuwento ng aktres sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) nang makausap ito sa Blackberry event sa Makati noong Lunes, September 26.

"Parang ang hirap ng adjustment, lalo na yung magpapaalam ka na. Kasi, naging family ko na rin sila, e," ang sabi ng aktres.

Ano nga ba ang naging dahilan ng paglipat ni Nadine?

"Dumating kasi yung point na kailangan ko ring mag-grow as an artist.

"Nitong kinukuha na ako ng TV5 for ibang projects—yung [magpapakita ng] ibang Nadine—kinausap ko yung family ko.

"Tapos, nag-usap-usap kami about doon. Parang, para maiba naman ako.

"So, nung lumipat ako, medyo nakakahiya in a way.

"Siyempre, sila yung nag-build up sa akin. Pero, in a way na kailangan ko rin for myself. Yung gano’n.

"Pero, okay naman yung naging paalamanan namin. Wala namang naging problema."

GRATEFUL. Ayon mismo kay Nadine, hindi niya kailanman makakalimutan ang naitulong ng GMA-7 sa kanyang showbiz career.

Kung kaya, kahit wala na siya sa bakuran ng Kapuso network, nananatili ang respeto niya sa management at sa mga nakatrabaho niya roon.

"Wala namang ano, e, parang wala naman kaming iniwan na negative about them.

"I’m so thankful pa nga lagi to them. Hindi naman ako magiging Nadine Samonte kung hindi rin naman dahil sa kanila."

Sa katunayan, nananatiling bukas ang komunikasyon sa pagitan niya at ng mga dating katrabaho. Kasama na rito ang ilang artistang ka-batch niya sa Starstruck.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"May mga ibang BUMs, [business unit managers] ibang EPs, [executive produers] ibang ano na nakakausap ko pa rin naman. Nakakapag-text-an pa rin kami."

DREAM PROJECT. Magmula nang lumipat sa TV5 ay naging busy na nang husto ang half-Filipina, half-German actress.

Katatapos lang ng launching series niyang The Sisters.

Sa ngayon naman ay halos araw-araw siyang nasa Taal, Batangas para sa taping ng Sa Ngalan Ng Ina.

Tampok sa bagong seryeng ito ang Superstar na si Nora Aunor.

Umaasa si Nadine na masundan ng isang indie film ang seryeng ito.

"As of now, mero’n silang pinaguusapan na indie film.

"Pero, wala. Hindi pa napa-finalize, so, abangan natin. Sana. Sana matuloy."

Nabanggit ni Nadine na "career growth" ang habol niya kung kaya siya lumipat sa TV5.

Ano nga bang klaseng role, o proyekto ang nais sana niyang gawin?

"Gusto kong magkaroon ng action roles. Gusto ko yung may barilan. Yung takbuhan, yung gano’n."

Isa sa mga iniidolo ni Nadine sa larangan ng action films ay ang Hollywood actress na si Angelina Jolie.

Gumanap si Angelina sa ilang maaksyong pelikula tulad ng Mr. & Mrs. Smith at Salt. Dito naipakita ni Angelina ang kanyang galing sa action.

"Yes, yung gano’n [mala-Angelina Jolie]. Gusto ko ’yon, e.

"Ako kasi yung girl na makikita mo as girly. Pero, actually, I love boy stuff.

"I love shooting. I love karting. Gano’n. More on gano’n ako, e.

"So, gusto ko yung gano’n. So, sana mabigyan ako ng role na gano’n."

Hoping din si Nadine na sa paglipat niya sa TV5 ay magkamit siya ng acting award.

"Alam mo ’yon? Yung, siyempre, nandoon, e. Nandoon lahat ng pangarap.

"Andito na ako sa showbiz so, why not, [dapat] na galingan ko pa?"


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN