Bela Padilla says she still receives hate mail from Marian Rivera fans

"It’s not right, e. It’s not part of a human to say bad things about another person. It’s very depressing. Especially, when you’re tired from work," says Bela Padilla on hate mail and messages she still receives from fans of Marian Rivera.


Sandaling nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Bela Padilla sa fashion show ng designer na si Francis Libiran, na ginanap sa lobby lounge ng Makati Shangri-La kahapon ng hapon. Sa nasabing interview, muling naungkat ang matagal nang hidwaan nila ni Marian Rivera.

Pagkatapos magkabati nina Marian at Rhian Ramos, tinanong ng PEP si Bela kung willing na rin ba itong makipagbati sa girlfriend ni Dingdong Dantes.

"After what happened, kinalimutan ko na iyun, e.

"Kaya lang, until now, nakaka-receive pa rin ako ng mga hate mail from her fans," sumbong ni Bela.

Nasasaktan lang daw siya minsan, na pagbukas niya ng Internet ay kung anu-anong mga negatibong komento ang natatanggap niya, na obvious daw na galing sa kampo ni Marian.

Naniniwala naman siyang walang kinalaman dito si Marian. Maaaring hindi rin daw ito alam ng aktres, pero hindi niya maitatangging apektado pa rin siya sa mga panlalait na natatanggap niya.

"It’s not right, e. It’s not part of a human to say bad things about another person.

"It’s very depressing. Especially, when you’re tired from work.

"I work like other people too, you know. The difference is that I put makeup on.

"Pero, yung trabaho ng artista, minsan mas mahirap pa sa trabaho ng accountant, ng teacher.

"’Na ’di n’yo lang alam na puyat na puyat din kami. Tapos, ’pag nagbasa ka, ganun pa ang nababasa ko," himutok nito.

Hindi naman sinisisi ni Bela si Marian dito, pero sana tigilan na raw siya ng mga fans nito. Patuloy pa rin daw sila sa paninira sa kanya, kahit hindi na raw ito ganun karami kung ikumpara nung kainitan ng kanilang hidwaan.

"Sometimes it’s sad, these things na...You know, I didn’t ask for this situation, but I was put here.

"So, it’s really up to me na. I have to work double-time to erase everything and that’s what I’m doing right now.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"At I’m happy naman na I’ve been getting so much positive feedback these last few months lang.

"Kasi honestly, I have done a lot of good work this year.

"I haven’t done anything to shame my parents, to shame my family, myself.

"There’s nothing I’m guilty of. So, the feedback I should be receiving should be positive.

"That’s how I think kasi, ’di ba? Let love beget love.

"So, you should do something positive, your outcome should be positive also," saad pa ni Bela.

Sinubukan ng PEP na hingan ng reaksyon si Marian kaugnay rito, pero kaagad na tinanggihan ito ng manager niyang si Popoy Caritativo.

Ayon kay Popoy, matagal na raw ang isyung ito at nakapag-move on na raw sila.

Ang pinaghahandaan naman daw ngayon ni Bela ay ang balak niyang pagsali sa Ms. World Philippines sa susunod na taon.

Isa raw sa pangarap niya ang maging beauty queen, at sana matupad daw ito sa pagsali niya sa naturang beauty contest.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN