Bianca Manalo explains why she and John Prats were absent from their noontime show

Bianca Manalo on why she and John Prats were both not seen in Happy Yipee Yehey: "Since kasi siya yung pinagkukuhanan ng lakas ng kapatid niyang si Camille, kailangan niyang maging strong. Kaya kapag nalulungkot sya, sa akin naman siya lumalapit. Yun naman po yung role ko bilang isang kaibigan, na sinamahan ko po talaga siya. Mula doon sa hospital, hanggang sa binurol, hanggang doon sa inilibing na."


Mukhang mahigit na sa pagiging magkaibigan ang turingan nina John Prats at Bianca Manalo. Nakikitang sweet talaga sila sa isa’t-isa behind the cameras at lagi pa silang magkasama kahit tapos na ang kanilang noontime show na Happy, Yipee Yehey.

Nitong mga nakaraang araw, dahil sa pagpanaw ng asawa ni Camille Prats, na batang kapatid ni John, kinailangan ng huli na lumiban sa kanilang show na HYY para damayan si Camille.

Sa mga araw na di napanood si John sa HYY, kapansin-pansin na wala rin si Bianca sa show.

Matapos mailibing ang asawa ni Camille, balik-trabaho uli si John at maging si Bianca ay balik-trabaho na rin.

Noong isang araw, September 29, pagkatapos ng ABS-CBN noontime show, nagkaroon ang Philippine Entertainment Portal (PEP.ph) ng pagkakataong makausap si Bianca.

A SHOULDER TO CRY ON. Una naming binanggit sa beauty queen/host ang palagay ng karamihan na may relasyon nang namamagitan sa kanila ng dancer/host na higit pa sa pagkakaibigan.

"Magkaibigan kami! Magkaibigan pa rin kami!" mariing sagot ni Bianca.

May paliwanag si Bianca kung bakit sila sabay na nawala pansamantala ni John sa HYY.

"Since kasi siya yung pinagkukuhanan ng lakas ng kapatid niyang si Camille, kailangan niyang maging strong," pagtukoy niya kay John.

"Kaya kapag nalulungkot sya, sa akin naman siya lumalapit.

"Yun naman po yung role ko bilang isang kaibigan, na sinamahan ko po talaga siya.

"Mula doon sa hospital, hanggang sa binurol, hanggang doon sa inilibing na," paliwanag nito.

GOODBYE MARIEL. May ispekulasyon din, na dahil close si Bianca kay Mariel Rodriguez, baka sumama na rin ito sa co-host sa paglipat ni Mariel sa TV5.

"Hay, naku, wala pong katotohanan yan. Kasi, kami po dito sa Happy Yipee Yehey, masaya naman po kami.

"Malungkot kasi nalagasan ng isa, pero ganun po talaga ang buhay. May umaalis, may dumarating.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Pero, tuloy pa rin naman yung kasiyahan namin dito at pagbibigay ng saya sa ating mga kapamilya."

WELCOME KC? Si Mariel ang umalis; si KC Concepcion naman ang darating?

"Masaya, kasi game na game si KC talaga," sagot ni Bianca. "Basta game na game siya! Walang kaarte-arte sa katawan."

Balitang si KC na raw ang papalit kay Mariel bilang isa sa mga hosts ng HYY?

"E, di mas masaya? Kasi, kami naman dito sa HYY, welcome naman ang lahat.

"Kasi kami dito, masaya naman lahat dito. Ine-enjoy lang naman, kung sino lang ang pupunta, iwe- welcome namin."

"Masaya naman po. Kasi alam naman naming parte po ’yan ng lahat."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN