Joey de Leon describes his Startalk colleague Lolit Solis as "mabait" and says Sarah Geronimo is one of his favorites

"Okay ’yan! Okay ’yang si Lolit! Ang alam ng tao, e, yung iba hindi alam, e, na... ano ’yan mabait ’yan!" masayang ipinahayag ni Joey de Leon tungkol sa kanyang kasamahan sa Startalk na si Lolit Solis.


Naimbitahan ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa isang set visit sa Studio 6 ng GMA-7 para sa talk show na Startalk, kahapon, October 1, Saturday.

Ang programang Startalk ay hosted by none other than Lolit Solis, Joey de Leon, Butch Francisco, at Ricky Lo—na remaining original hosts since nag-start ito noong October 1995. Kasama din nila ang kanilang mga segment hosts na sina Tim Yap, Chariz Solomon, Princess Snell, Jan Manual, Nina Kodaka, Vaness del Moral, Enzo Pineda, and Sef Cadayona.

Nabigyan ng pagkakataon ang PEP na makapanayam ang isa sa mga respetadong tao sa industriya, na si Joey de Leon, na kung saan masaya siya dahil anniversary na naman ng Startalk at 16 years na ito sa GMA-7.

So for 16 years, how was it working with Lolit Solis?

"Hindi... Kami ni Lolit ano lang, e, hindi, hindi lang 16 years, e, since Grade 4 ’yan, e," pabirong sabi ni Joey.

Humirit pa ito na, "Kaya habang tumatagal naiin-love ako!

"Hindi, hindi, kailangan lang ng pagmamahal pa ng ina."

Ngunit makaraan ang ilang segundo, binawi niya ito at ipinahayag, "Hindi, hindi. Okay ’yan! Okay ’yang si Lolit!

"Ang alam ng tao, e, yung iba hindi alam, e, na... ano ’yan mabait ’yan!"

MOVIE WITH SARAH AND GERALD. Makakasama si Joey de Leon sa pangalawang tambalan nila Sarah Geronimo at Gerald Anderson sa pelikula under Star Cinema.

"May ginagawa akong movie with Sarah Geronimo, e, saka si Gerald.

"Wala, ano lang ako, kapiraso lang, nakatuwaan ko lang yun. Tatay ako, tatay ako [ni Sarah]."

How was it working with Sarah?

"A, okay. Kaya ko tinanggap yun, dahil isa sa favorite ko yun, si Sarah Geronimo.

"Wala, e, parang hindi artista ang dating, e. Ano siya, simpleng bata."

Dagdag pa niya, "At saka maganda yung role, e, dahil rocker akong matanda, e, gano’n. Natuwa ako, grabe!"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Nakakatatlong araw na ako [sa shooting]. Ano lang siguro ako, mga five to six days. Masaya, ayon."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN