Shalani Soledad turns red when teased by Willie Revillame about her upcoming wedding to Congressman Roman Romulo

Willie Revillame teasingly reminds his co-host Shalani Soledad (above): "Tandaan mo, no’ng nagdurugo ang puso mo, sino ang sumalo sa ’yo? Sino ang tumahi ng sugat sa puso mo? Sino ang nag-gamot niyan? Sino?

"Ako... di ba? Alam mo kung bakit? Iyan ang trabaho ko…gumagamot ng sugat ng puso."


Kagabi (Saturday, October 1), nasaksihan ng Pep.ph (Philippine Entertainment Portal) kung paano mag-blush at maging speechless si Shalani Soledad habang tila inaalaska ni Willie Revillame.


Wala pa kasing nababanggit na date kung kailan ba talaga ang napapabalitang planong pagpapakasal ng konsehala ng Valenzuela City kay Congressman Roman Romulo.


Pangiti-ngiti lang si Shalani. Wari’y hindi nga alam kung paano siya magri-react. Nakabibingi naman ang sigawan ng audience sa loob ng studio kung saan ume-ere nang live ang Wil Time Bigtime

“Hindi na kayo mga teenager!” ani Willie kay Shalani. “Pakakasalan na agad kita kung ako. Kung ako…ha?”

Ang boyfriend ni Shalani ang gustong sabihin ni Willie.

“Gano’n…halika na, hahawakan ko ang kamay mo at after ng show natin…eight o clock o eight thirty, yayayain na kita.

“Naka-ready na ang pari, naka-ready na ang singsing, at naka-ready na rin ang pamilya ko.”

“Ano? Bakit hindi ka makapagsalita?” sabi pa ni Willie sa ngumingiti lang at wala pa ring masabing si Shalani.

“Magsalita ka. Porke mag-aasawa ka na, ginaganyan mo na ako,” pabirong sumbat pa ng TV host sa dalaga habang patuloy na nagsisigawan naman ang audience.

“Binabale-wala mo na kami rito. Wow…Shalani!

“Tandaan mo, no’ng nagdurugo ang puso mo, sino ang sumalo sa ‘yo? Sino ang tumahi ng sugat sa puso mo? Sino ang nag-gamot niyan? Sino?

"Ako… di ba?

“Alam mo kung bakit? Iyan ang trabaho ko…gumagamot ng sugat ng puso.

“Ayokong matanggal ang tahi na ‘yan sa puso mo at gusto kong maghilom na ‘yan panghabambuhay.

“Ano? Bakit hindi ka makasagot?” tanong ulit ni Willie kay Shalani.

Sa puntong ‘yon, may nasabi na ang konsehala.

“Para sa akin…asset and liablility ka,” aniya kay Willie. “Both asset and liability ka.”

Sunod namang nasabi ni Willie, hinding-hindi raw nito aambisyunin na pasukin ang politika.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Mahirap ha! Mahirap ang politika,” ana’ng TV host. “Kapag bumili ka ng kotseng maganda, saan galing ang pera mo?

“Bumili ka ng bahay na maganda, saan galing ang perang ‘yan?

“Bumili ka ng ganito…saan galing ang perang ‘yan?

"Ibinili mo ang girlfriend mo ng singsing…saan galing ang perang ‘yan?

“Ibinili mo ng magandang sapatos o Hermes [bag], sa’n nanggaling ang perang ‘yan?

“E…eto…” pabirong tukoy ni Willie sa kanyang sarili. “Legal! Tax payer! Di ba?”

Ngumingiti-ngiti pa rin lang si Shalani hanggang sa mag-commercial gap na sila.

FEELING ALASKA. Pag-exit niya pabalik sa kanyang dressing room, in-approach siya ng Pep.ph para sa isang mabilisang interview. Magiliw namang nagpaunlak ang konsehala.

Ano ba ang feeling niya habang tila inaalaska siya ni Willie?

“Ah…ever since naman, masaya lang talaga ang atmosphere dito sa show. At saka si Willie palabiro namang talaga ‘yan. Masayang kasama.”

Bago sila nagkakilala at naging magkasintahan ni Congressman Romulo, may mga kinikilig sa tandem nila ni Willie bilang hosts ng Willing Willie na naging Wil Time Bigtime na ang titulo.

At marami ang nag-akala rin na baka magiging sila. Lalo at madalas ay pabirong nagpapalipad-hangin ang TV host sa kanya.

Ngayon, pabiro naman siyang inaalaska ni Willie tungkol sa napapabalitang plano na ngang pagpapakasal nila ni Congressman Romulo. Siyempre hindi rin maiiwasang may mag-isip na baka hurting ang TV host na sa iba siya nagkagusto.

Natawa si Shalani.

“Naku si Willie, very ano…‘yan, he’s a very joyous person. So makikita mo naman sa kanya kung masaya siya.

“And I think si Willie naman…kasi masaya lang talaga dito sa set ng show, e.”

DOCTOR WILLIE? Pero nagamot talaga ni Willie ang sugatang puso niya noong panahon ngang kabi-break lang nila ni President Noynoy Aquino?

“Ah…sabi ko nga, the show has given me so much. No’ng pumasok ako sa programa, hindi lang nila ako binigyan ng trabaho. Hindi lang nila ako binigyan ng bagong bahay. Ibinalik nila ‘yong bilib ko ulit sa sarili ko.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

So it’s not only Willie pala but the show and its staff also?

“Malaking factor po si Willie at lahat ng kasama natin dito sa show. Dahil mararamdaman mo naman talaga dito kung gaano ka nila winelcome. Kung gaano ka nila trinato bilang isa sa kanila.”

Pero bakit niya sinabihan si Willie na… both asset and liability ito para sa kanya?

“Lokohan lang po namin ‘yon dito sa show. Huwag n’yo pong seseryosohin!” natawa ulit ang konsehala.

HER TYPE OF MAN. Talaga bang ang type niyang lalaki ay nasa politika?

“Ah…‘yong ganyang tanong, I’ve always answered na…sabi ko, uhm…as much as you want to set standards, kapag nagmahal ka naman, hindi mo naman masasabi kung kailan at kung sino. Mararamdaman mo na lang ‘yon."

For the record, gaano na sila katagal since naging mag-on sila ni Congressman Romulo?

“Ah…naku! Huwag n’yo nang itanong ‘yan,” masuyo niyang pakiusap.

Pareho naman nilang sinasabi ni Congressman Romulo na nagpaplano na silang pakasal. Yun nga lang, wala pang date kung kailan, at saka kung saan. Ano ba ang nakakapagpatagal para ma-finalize ang details about their wedding?

“E…kasi maraming inaayos pa. From the smallest of details hanggang sa lahat. But it will be next year.”

Magiging bahagi ba si Willie sa wedding niya?

“Ah…as far as the entourage, hindi pa namin naku-complete ‘yong list. But of course we would love Willie to be a part of it.

“Siyempre special day iyon sa akin. At isa naman si Willie sa mga importanteng tao.”

May tendency ba siyang umalis bilang co-host ni Willie sa Wil Time Bigtime kapag nag-asawa na siya?

“Ay naku, super-mahal ko po itong show na ito. So hanggang sa gusto ako ng management at ng mga manonood, nandito pa rin ako.”

Okey lang ‘yon sa future husband niya?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ah, si Congressman Roman naman, he has always been very supportive of what I do both sa Wil Time Bigtime, pati ‘yong sa pagiging konsehala ko.”

Maging open kaya to the public ‘yong wedding nila?

“Naku, hindi pa po talaga namin nadi-discuss. Pati ‘yong number of guests, wala pa talaga.”

WEDDING GUESTS. Invited naman ba si P-Noy?

“Ah…kami [ni Congressman Romulo], we would love to see everyone na naging bahagi ng buhay namin, siyempre.”

Ano ang nakita niyang katangian ni Congressman Romulo that she really liked most?

“Marami. Hindi ko na lang iisa-isahin.”

’Yon lang ang huling naging pahayag ni Shalani dahil tinawag na ito ng staff ng show para sa susunod nilang gap.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN