Luis Manzano says he and Jennylyn Mercado are not a couple: "Pero hindi ko sinasabing hindi puwedeng mangyari, dahil yun ang intensyon ko."

"Ang sa akin lang, kung hindi naman talaga, ano ang aaminin namin? Ano ang gusto ng tao? Lolokohin ko sila o magsisinungaling ako sa kanila? Bakit ako aamin sa hindi pa naman, kasi hindi pa naman talaga," says Luis Manzano on rumors that he and Jennylyn Mercado are already a couple.


Consistent ang mga sagot nila Luis Manzano at Jennylyn Mercado na hindi pa umaabot sa pormal na relasyon ang samahan nilang dalawa.

Marami tuloy ang nagtataas ng kilay kung bakit kinakailangang mag-deny pa raw ang dalawa kung totoo ngang may relasyon na sila.

Kapwa naman silang single at walang matatapakang tao kung saka-sakali, lalo’t nagpahayag naman si Governor Vilma Santos na boto rin siya sa aktres para sa anak.

Para sa iba, hindi nila maintindihan ang desisyon ng dalawa na wag pa raw aminin kung mayroon nga talagang dapat aminin.

Nang nagkaroon ng pagkakataon ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na interbyuhin si Luis, klinaro niyang wala pa naman talaga sila.

TERM OF ENDEARMENT. Lalo kasing umugong ang balita tungkol kina Luis at Jen nang lumabas ang kuwento na "Love" daw ang term of endearment ng dalawa sa isa’t isa.

"Ang sa akin lang, kung hindi naman talaga, ano ang aaminin namin? Ano ang gusto ng tao? Lolokohin ko sila o magsisinungaling ako sa kanila? Bakit ako aamin sa hindi pa naman, kasi hindi pa naman talaga," ang sabi ni Luis.

"Alam ko naman na dun papunta yun, pero kung aamin sa hindi naman talaga e, di sana aminin ko na rin yung pagpatay kay Lapu-lapu.

"Tutal, nagkakaaminan naman ng wala e.

"Wala pa naman talaga, pero hindi ko sinasabing hindi puwedeng mangyari, dahil yun ang intensyon ko."

Agad naming tinanong si Luis, kung wala pa nga talagang relasyon, bakit matunog na "Love" ang tawagan nila ng aktres?

At gaano katotoo ang mga balitang ’pinagluluto niya raw ng pasta si Jen, na paborito raw nito?

"Nag-evolve na e, nagsimula talaga sa mat. Mat yung twagan namin. Grappling mat, as in sahig talaga, kasi nagte-training kami together.

"Bakit ’Love?’ Sinagot ko na ’yan sa Kris TV. Napaka-espesyal niya sa puso ko, so why not ’Love’? Yes, she also calls me, ’Love,’" aniya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Tungkol sa pagkain at pagluto, ito ang sabi ng anak ni Vilma Santos at Edu Manzano: "Actually, a few times pa lang ako nakapaghanda sa kanya, mas siya ang naghahanda para sa ASAP family.

"Actually, kabe-bake lang niya ng cake for Billy [Crawford], Nikki [Gil].

"Ang niluto ko nun was chorizo pasta, nagkaroon ng feast sa bahay, invited lahat ng barkada ko."



FOR JAZZ. Pagkatapos ng matagal ding panahon nang di pag-uusap nila Jennylyn at Patrick Garcia, ngayon ay maayos na ang relasyon ng dalawa bilang mga magulang ni Baby Jazz.

Bukas na rin daw ang komunikasyon ng dalawa. May balita pang kumalat na lumabas daw ang dalawa kasama ang bata.

"Kung lumabas man sila, para sa anak nila [yun]," sabi ni Luis, "and I can’t take that away [from her].

"Kung anuman ang relasyon ni Pat at ni Jen, I respect it, kasi they have an angel to consider, who is Jazz.

"I cannot touch that relationship."

Dagdag ng binata, "Di ako magseselos.

"May kanya-kanya na silang buhay, although sabi ko nga, mayroon silang common denominator—si Jazz."

ALTA PUSHING THROUGH. Kasama si Luis sa seryeng Alta, pero hindi pa ito nagsisimulang mag-taping sa di malinaw na rason.

Kinumpirma naman sa amin ni Luis na tuloy na tuloy na ang Alta.

"Tuloy, as of this moment. Hindi ko alam kung kailan ipapalabas pero naka-schedule na ang military training nina Sam this coming week so may dates na talaga kami.

"Kumbaga, before, usap-usapan lang, pero ngayon may mga dates na hinahanda, so mas klaro."

May naging usap-usapan na si Gretchen Barretto, na nasa cast ng Alta, ang dahilan ng pagkakabimbin ng shooting ng serye.

"Regarding Gretchen, I have no idea!" sagot ni Luis.

"Ang weird naman kung magko-comment ako, kasi hindi ko alam ang pangyayari.

"Ang sa akin, I’m waiting for the call kung kailan ang start, and yun lang ang masasabi ko from my side."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sinabi rin nito, "I have no idea kung bakit natagalan, pero siguro naman dahil we want to produce the best show possible in terms of schedules naming lahat.

"Puwedeng revisions sa scripts, pero I’m not sure. Pero siguro pinaghahandaan lang.

"Basta ako, I’m very, very excited dahil medyo matagal akong nagpahinga.

"I miss it! Tuloy-tuloy ako sa hosting, I have PGT and E-Live."

Hirit pa ng mapagbirong binata, "Ang hindi lang naman nakaka-miss sa acting e, yung oras, e.

"Sa hosting kasi medyo hawak mo pa yung oras mo. Sa serye, talagang kakain siya ng oras mo.

"Good thing, yung acting kasi is outlet mo rin yan, ng mga emosyon.

"It’s an easy way or an excuse to let out an emotion, so yun ang nakaka-miss dun."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN