Jericho Rosales back from New York, set to work on new ABS-CBN teleserye

Jericho Rosales describes his role in the new teleserye, Padre de Pamilya, where he appears with Christopher de Leon and Piolo Pascual.

"Lahat kasi ng characters dun sa show naming yun, lahat may flaws. It just so happens na yung character ko ang may pinakamaraming angst," he says.


Pagkatapos ng ilang buwang pamamahinga, kung saan huli siyang napanood sa Green Rose, kumpirmadong sisimulan na ni Jericho Rosales ang isang bagong teleserye sa ABS-CBN.

Ito ay ang Padre de Pamilya kung saan makakasama niya ang batikang aktor na si Christopher de Leon at si Piolo Pascual.

Hindi naman itinago ni Jericho ang excitement nang maka-usap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), lalo’t kakaiba raw ang role na gagampanan niya sa nasabing serye.

"Lahat kasi ng characters dun sa show naming yun, lahat may flaws. It just so happens na yung character ko ang may pinakamaraming angst.

"I’m very excited about this role. It’s a different role so I really need to prepare. Kailangang ihanda ko ang sarili ko sa role na makikita nila everyday," ang sabi ni Echo.

"It’s a very good role and then maganda rin talaga yung istorya kaya sobrang excited ako. This is also the first time na makakasama ko si PJ sa isang soap.

"Matagal-tagal ko nang pangarap na magkasama kaming dalawa. Tapos kasama pa namin si Sir Boyet de Leon, so wow di ba? Tapos Maricar Reyes, Rafael Rossel and marami pang iba."

Halos magkahilera sila ni Piolo kung husay sa pag-arte ang pag-uusapan. Marami ang nagtatanong kung di raw kaya magkarooon ng sapawan lalo’t pareho silang intense actors.

"Hindi ko iniisip yun. I’m excited kasi alam ko na pareho kaming gigil ni PJ na magkasama sa trabaho at pareho kaming excited.

"Ako, mas excited ako sa result ng taping namin kaysa sa mga sasabihin ng mga tao. Ako, tinatanggal ko sa sarili ko yung kumparahan. Although it’s very exciting talaga na makikita mo kami na magkasama sa eksena," ani Echo.

EXCITED TO WORK WITH BOYET. "Nung nakatrabaho ko si Sir Boyet dati, buhay na buhay yung dugo ko. Dun ako excited, kasi alam kong magiging maganda yung produkto, it’s thrilling talaga.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hindi ko iniintindi yung pinagkukumpara kami kasi pag nandun na ko sa set, team player ako.

"In a lot of ways, I’m a leader. In a lot of ways, team player din ako pagdating sa ganitong mga bagay.

"The goal is not to outshine, to upstage o makipag-compete. Do your best so you will get the best results."

Nanggaling si Echo sa New York kung saan nag-aral siya ng filmmaking and acting. Ang ginawa kaya niyang pag-aaral sa acting ay paghahanda para sa nasabing role?

"Nakuha ko yung offer nung nasa New York ako. Sabi ko, ’Wow, I’m very happy for this role.’

DIRECTING, ACTING. "Actually acting ang kinuha ko sa New York, nag-shift ako sa acting instead of directing.

"May nag-advice sa akin na mga kaibigan ko na director din...na siguro I can produce something and train myself to be a director, parang ganun instead of studying.

"Hindi ko dini-discourage yung ibang tao na mag-aral, pero for me, I took cinematography class here under Raul Daza. Halos pareho lang yung mga ginagawa ng mga film students dun na nakasabay namin sa NYFA [New York Film Academy].

"Plus, I have experience sa taping, shooting, sa lahat. Mas na-excite ako na i-take yung acting for film.

"I want to preaparte myself lang for whatever in the future. Let’s say makapunta ako abroad, kahit saan, sa States, Asia o kung saan man ako makakuha ng project...di ba at least I have something to offer?

"Something na masasabi ko na nag-aral tayo. Since I’m a professional, that’s what I want to do and we should not stop learning. I plan to go back and study something else again.

"Paiba-iba lang di ba? Para at least there is something new para rock and roll."

Hindi lang pag-aaral ang na-enjoy ni Echo sa New York, kundi maging ang normal na buhay na nami-miss niya pag nandito sa Manila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Dalawang buwan akong nawala pero kalahati ng dalawang buwan, nagtrabaho ako; nag-show ako sa Canada so lagari muna then aral nga.

NEW ENERGY. "Sarap kasi, mag-isa lang ako dun, normal na buhay...Mas na-appreciate ko yung halaga ng trabaho dito.

"So new energy sa trabaho, nakapag-recharge talaga ko.

"Now every script na matanggap ko, may excitement, may anticipation of good things.

Echo celebrated his birthday last Sept. 22.

Ayon sa aktor, simple lang kung paano niya sinelebra ang kaarawan.

"Surfing always kaya ’nognog’ na naman ako. Surfing with family, kasama ko sila Mama, my family and friends."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN