Janno Gibbs says he hopes PPL will help motivate him in his career

"Kasi, ang feeling ko, the past few years, masyado akong relaxed sa career ko. Masyado ako naging kampante, pwede na ’to, okay na ’to. Feeling ko, with PPL, mapu-push ako. Kailangan ko ring ma-push," says Janno Gibbs about his new talent manager, Perry Lansigan of PPL Talent Management.


Sobrang na-miss ng singer-actor ang mag-perform sa isang concert kaya ito umano ang una niyang hiniling nang lumipat siya sa PPL Talent Management.

"Ako talaga ’yong humiling ng concert noong pumasok ako kay Perry [Lansigan, PPL president]. Sinabi ko talaga sa kanya, ’Perry, gusto kong mag-concert.’

"Kasi, matagal na [’yong huling concert ko]," pahayag ni Janno Gibbs nang makapanayam siya ng PEP.ph at ng iba pang media noong Biyernes, Setyembre 30.

Bagamat madalas siyang nakikitang kumakanta sa weekly variety show na Party Pilipinas, iba pa rin daw ang mag-perform sa maraming audience nang mas matagal.

Aniya, "Kumbaga, kapag kumakanta sa Party Pilipinas, parang nakakabitin kasi nga dalawa o tatlong kanta lang.

"Ayaw ko rin ng madalas mag-concert. Gusto ko ’yong nami-miss ko lang siya."

Hindi naman nabigo si Janno sa kanyang hiling, dahil sa darating na Oktubre 15, isang benefit concert ang kanyang gagawin sa Music Museum.

Ang two-hour concert na ito, na pinamagatang "Janno Gives," ay para sa benepisyo ng flagship program ng Yes Pinoy Foundation ni Dingdong Dantes. Ito ay ang "Para Paaralan," na may layuning makabuo ng ilang silid-aralan sa mga malalayong lugar.

Matagal na rin talaga ang huling concert ni Janno. Ito ay yung "Superfriends" concert noong 2005, kasama sina Gladys Reyes at Allan K.

Sa kanyang upcoming concert, makakasama naman ni Janno ang mga kapwa Kapuso stars na sina Jaya, Jennylyn Mercado, Jolina Magdangal, Marian Rivera, Dingdong, at Dennis Trillo.

Nabanggit din ng singer-actor na magkakaroon siya ng isang production number na kasama ang mga anak na sina Alyssa at Gabrielle.

"Gusto ko napi-please lahat.

"Dati, may usual act ako na impersonation. Dinagdagan ko ’yon.

"Aside from that, meron akong gustong gawin na ngayon ko lang magagawa—isang comedy act.

"Gusto ko lang mag-enjoy. Sana mag-enjoy pa rin ’yong mga tao," sabi ni Janno, nang tanungin ng PEP kung ano ang inaasahan niya sa concert.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

CHANGING MANAGEMENT. Sa aming panayam, muling natanong si Janno tungkol sa kanyang desisyong magpalit ng manager para sa kanyang showbiz career.

Matatandaan na matagal din siyang naging talent ng Eat Bulaga! executive na si Malou Choa-Fagar bago siya lumipat sa PPL.

Ayon kay Janno, nakapagpaalam naman siya nang maayos sa dating manager.

Naisip rin umano niya na makakatulong ang bagong talent manager para itulak pa siya para mas maging aktibo sa kanyang karera.

"Kasi, ang feeling ko, the past few years, masyado akong relaxed sa career ko.

"Masyado ako naging kampante, pwede na ’to, okay na ’to.

"Feeling ko, with PPL, mapu-push ako. Kailangan ko ring ma-push."

Bukod pa rito, inilahad din ni Janno ang ilan pang dahilan kung bakit PPL ang kanyang napili sa dami ng talent management agencies sa showbiz.

Sabi niya, "Una, si Perry kasi, noon ko pa kilala. Palagay na ang loob ko sa kanya.

"Sa S.O.P., matagal siyang naging [executive] producer, so palagay na ang loob namin sa isa’t isa.

"Second, okay na okay ang talents nila. Kita mo naman sila Dingdong, Jolina, everyone. Iba-ibang klase, iba-ibang genre, pero okay.

"Pangatlo, they’re also a production team. So, ready sila for events and concerts, mas madali. Ibig sabihin, alam nila ang pasikut-sikot sa events."

ACTING PROJECTS. Itinuturing na isang comeback sa industriya ng musika ang gaganaping concert ni Janno. Susunod na rin kaya rito ang pagbabalik niya sa pag-arte sa telebisyon at pelikula?

Ayon kay Janno, na anak ng batikang aktor na si Ronaldo Valdez, naghihintay pa rin siya ng pagkakataon para muling makapagtrabaho sa isang proyektong pangtelebisyon o pelikula.

Aniya, "Okay din sa akin bumalik. Hinihintay ko, e, kasi enjoy din ako.

"Pero, kumbaga, naiintindihan ko rin ang GMA-7, kasi medyo mahirap din akong pilian ng role.

"Kailangan ’yong swak sa akin talaga, na medyo comedy nang konti."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Huling nakita si Janno sa telebisyon bilang aktor sa TV adaptation ng animè series na Lupin at sa fantaserye na Pilyang Kerubin.

Bukod dito, mas nakilala si Janno bilang komedyante sa kanyang pagganap sa pangunahing karakter ng mga pelikulang Pedro Penduko.

Matagal nang kinikilalang mahusay na talent si Janno; marunong siyang umarte, kumanta, mag-host, at gumawa ng mga kanta.

At matagal na ring sinasabing nakakapanghinayang na hindi kasing aktibo si Janno ng ibang artista; inaamin naman ni Janno na siya ang makakapagpabago ng agos ng kanyang career.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN