Boy Abunda settles issue with former talent Erik Santos, but admits "may lamat na"

"Marami akong regrets. They come in different names. I wrote about it. Pero hindi ko regret ang pagma-manage kay Erik Santos. We have become friends. We have remained friends. At hindi ko pinagsisisihan," says Boy Abunda.


Pagkatapos ng live airing ng The Buzz last September 25, unang naglabas ng kanyang saloobin si Boy Abunda sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ilang piling press hinggil sa hindi nila pagkakaunawaan ng dati niyang talent na si Erik Santos. (CLICK HERE to read related story.)

Although aminadong galit siya dahil sa mga pinagsasasabi ng singer against him at sa mga tao niya sa talent agency niyang Backroom, hindi naman sinabi ng King of Talk na malabo nang bumalik ang samahan nila nito bilang magkaibigan.

"Pero may lamat na," pagtatapat niya.

"But hindi ko kayang magalit kay Erik.

"Sa puso ko, hindi ako galit na galit na galit. Kasi kung galit na galit ako, hindi ako haharap sa inyo.

"May kirot, nasasaktan lang ako kasi, alam mo ’yong deadma na, ’wala naman akong sinabi.’"

Ito raw ang linya raw ni Erik sa mga common friends nila, na pinagsasabihan nito ng mga sentimiyento at reklamong hindi kayang direktang sabihin ng singer sa kanyang manager, at ayaw aminin kapag harapan na.

THE TALK. Sa pagdetalye niya ng mga ikinasama niya ng loob kay Erik, balitang ikinaiyak ito ng singer.

Hanggang noong kasagsagan ng bagyong Pedring, pumunta raw si Erik sa bahay ni Boy, para makipag-usap hinggil sa hindi pagkakaunawaang namamagitan sa kanilang dalawa.

Maganda raw ang kinahinatnan ng nasabing pag-uusap nila.

Kaya sa The Buzz kahapon, October 2, maaliwalas na ang mukha ni Boy nang mapag-usapan nila ni Charlene Gonzalez-Muhlach ang tungkol sa naging hidwaan nila ni Erik.

"With humility and courage, and I give it to him, siya ay pumunta sa bahay at nagpaliwanag," simula niya.

"Inisa-isa namin ang aming mga diperensiya, ang aming mga hindi pagkakaunawaan.

"It was difficult. Mahirap na pag-uusap, lalo na noong umpisa.

"Medyo emosyunal. Pero naayos.

"Naghiwalay kami nang maayos. At nagkahingahan ng sama ng loob. Nailabas ko ang lahat.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Background to this, the very first time I spoke to Erik after he was released from Backroom, ayokong dumetalye.

"Nag-usap kami sa telepono at sinabi ko, ’Erik, huwag nating idetalye.’

"Para hindi masyadong madugo ’yong pag-uusap.

"Kasi kapag wala kang masyadong nabibitawang salita, mas mababaw. Healing is easier.

"But I was wrong.

"Dahil sa hindi namin pinag-usapan ang mga detalye, nagpatuloy ’yong mga usap-usapan. Hanggang nagkapikunan nga.

"Hanggang nasaktan ako. Nasaktan siguro si Erik at ang mga tao sa aking munting opisina [Backroom]. Kaya lumala nang lumala.

"A... that was an important lesson.

"Two months kasi, halos walang ingay ito. Every time I’d be asked, I wouldn’t lie.

"Sinasabi kong ni-release si Erik sa Backroom dahil may kapasidad siya to take good care of himself. Which is not a lie. It’s true."

Seven years ding naging talent ni Boy si Erik.

Ayon nga sa iba, wala si Erik Santos sa kinatatayuan niya ngayon kung hindi rin sa tulong at pangangalaga ng isang Boy Abunda.

Pero sabi naman ng TV host-talent manager, "In all fairness, hindi ako na mag-isa. Not singlehandedly.

"Erik has talent. He worked so hard to be where he is today.

"Ako’y isa lamang instrumento sa kanyang pagsikat."

THE PAIN. Pero ano ang pinakamasakit na idinulot sa kanya ng nangyaring hidwaan sa pagitan nila?

"Ayoko nang idetalye kung ano ang pinakamasakit," sambit ni Boy.

"Because kapag nasasaktan ka, wala namang number one, masakit, number two, hindi masyadong masakit...

"Alam mo, ang respeto ng tao ay mahalaga. Ang pagmamahal ng taong minamahal mo ay mahalaga.

"Kapag nasasaktan ka ng taong mahal mo at iginagalang mo, masakit.

"Sa ating negosyo, and this is general, kapag ginagawa n’yo po ang inyong kayang gawin, and you do it with love, you do it with a lot of hard work, you fight with everything that you have, at kapag nasabihan ka ’what you’re doing is not enough,’ masakit!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"I’m not saying this is exactly what Erik said but these are in general terms... dito nanggagaling ang sakit.

"Sabi ko nga, ayoko nang isa-isahin ’yong mga linya na binitawan dahil nagkaayos na kami ni Erik Santos.

"Ang sinasabi ko lamang, dito sa manager-talent relationship, kapag ipinaramdam sa isang manager that in spite of the hard work that you put into the career, into the life of the artist, at kapag nasabihan kang kulang at wala kang ginagawa, iyon ang masakit."

SHORTCOMINGS. Pero aminado naman daw ang TV host na meron din siyang pagkukulang bilang manager ni Erik.

Ani Boy, "You know, I am not a perfect manager. I’m not a perfect human being. Marami akong pagkukulang.

"First thing that comes into my mind, panahon.

"Lalo na itong mga nakaraang buwan. I became very busy.

"I missed those days when I used to manage, halimbawa, sina Ariel Rivera.

"Ako’y sumasama sa lahat ng bookings. Ako ang naniningil doon sa mga producers. Sumasama ako sa mga probinsiya.

"I missed those times.

"Nawala ako doon. Dahil naging busy ako. I have my own career.

"At lalo na no’ng nagkaroon ng karamdaman ang aking ina.

"I realized na wala na talaga akong oras. Pagkukulang iyon. At tinatanggap ko ’yon.

"Pinupunuan ko sa ibang mga pamamaraan. But that was not enough."

Si Erik, ano naman ang naiisip niyang naging pagkukulang nito sa kanya?

"Hindi ako mabilang," sabi ni Boy.

"Whatever I did for Erik as a manager, ibinigay ko nang taus-puso.

"Wala akong expectation na babayaran ako.

"And Erik knows that.

"Nagbibigay ako pero hindi ako nag-i-expect at hindi ako nagbibilang ng mga naibigay ko.

"Pag naibigay ko, bigay iyon."

NO REGRETS. Does he regret managing Erik Santos?

"No. I don’t regret," sagot ni Boy.

"Marami akong regrets. They come in different names. I wrote about it.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Pero hindi ko regret ang pagma-manage kay Erik Santos.

"We have become friends. We have remained friends.

"At hindi ko pinagsisisihan.

"Itong aming pinagdaanan na problema, nalampasan namin."

Pero may lamat na ba ang pagkakaibigan nila dahil sa nangyari?

"Honestly, oo," pag-amin niya.

"Wala akong galit kay Erik. Wala na.

"Pero lamat, meron.

"Alam n’yo kasi, kapag may lamat na ang relasyon, itong klase ng peklat o lamat na ito, ito ’yong lamat na mahihilom ng panahon.

"Hindi ito gano’n kalalim.

"At saka kapag nasaktan ka kasi, dalawa ang choices mo: Either you treat that pain as pain. Or to treat that pain as a lesson."

And what’s the best lesson he has learned from it?

"Marami. Ang dami kong natutunan dito sa pagkakataong ito.

"Una, lahat napapag-usapan no matter how difficult. Lahat napapag-usapan.

"Lahat ng bagyo gaano man kalakas, natatapos.

"But this is one of the important lessons, lalo na if you’re in the business of talk: We have to be very careful with the words that we say.

"Dahil ang mga salitang ito ay maaaring makasakit.

"Sometimes words can kill.

"I realized that with full humility now.

"Na parang lahat ng bibitawan kong salita, without having to be boring, ay kinakailangang pag-isipan mo.

"Dahil kapag nabitawan mo na ang salita, hindi mo na mababawi.

"Mga leksiyon, a... Makinig ka. Matuto ka. Magpatawad ka. And be a better person. And then move on. Move forward."

Mensahe niya kay Erik?

"Don’t lose your heart. Don’t lose your core.

"Because the best way to live in this world, and the best way to sing your songs, is straight from the heart."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN