Lolit Solis comments on Annabelle Rama-Nadia Montenegro child-abuse case and Nora Aunor’s smoking-photo issue

"Noon ko na-realize kung gaano ako kabobo. Sixteen years na yun ang binabati ko, pero hindi ko siya mabasa. Hindi ko siya mabasa kung wala yung listahan ko. Kailangan meron talaga yung listahan ko, pag wala, wa! Wa, forget!" says Lolit Solis about her "alok-bati" portion on Startalk.


Ngayong Oktubre ay nagdiriwang ng kanilang 16th anniversary ang weekly showbiz talk show ng GMA-7 na Startalk.

Kaya naman binisita ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang media ang set ng Startalk noong Sabado, October 1, sa Studio 6 ng GMA Network.

Dito ay nakausap ng PEP ang isa sa mga hosts ng programa na si Lolit Solis—o mas kilala sa bansag na "Manay Lolit."

Kasama rin niya sa programa sina Joey de Leon, Butch Francisco, at Ricky Lo.

Among the original hosts of Startalk, si Manay Lolit na lang ang naiiwan. Ang mga unang hosts ng programa, bukod sa kanya, ay sina Kris Aquino at Boy Abunda na parehong nasa ABS-CBN na.

Hindi pa ba nagsasawa si Manay Lolit sa paghu-host ng Startalk for 16 years?

"Bakit ako magsasawa? E, ano, di ba, eto na nga lang ang ano ko... at saka wala naman akong ginagawa diyan kundi sa alok-bati ko, ’no!" natatawang sabi niya.

Ang ibig niyang tukuyin dito ay ang ginagawa niyang pagbati sa mga kaibigan niya at pagbanggit ng ilang sponsors niya. Naging tampulan na ito ng biro, dahil sunod-sunod ang pagbati ni Lolit, hangga’t naging biruan na rin na oras ang pagbati niya.

Dagdag ni Lolit, "Noon ko na-realize kung gaano ako kabobo.

"Sixteen years na yun ang binabati ko, pero hindi ko siya mabasa. Hindi ko siya mabasa kung wala yung listahan ko.

"Kailangan meron talaga yung listahan ko, pag wala, wa! Wa, forget!"

HOW TO BE A MANAGER. Bukod sa pagiging isa sa mga hosts ng Startalk, si Manay Lolit din ang isa sa itinuturing na "most powerful talent managers" sa Pilipinas.

Ilan sa mga hinahawakan niyang artista ay sina Christopher de Leon, Lorna Tolentino, Senator Bong Revilla, Rep. Lani Mercado, Tonton Gutierrez, at Mark Herras.

Dahil isa rin siyang talent manager, kinuha ng PEP ang opinyon ni Manay Lolit sa kasong child abuse na isinampa ni Nadia Montenegro laban kay Annabelle Rama.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ito ay may kinalaman sa pagtatrabaho ng mga anak ni Nadia ng higit sa 40 hours.

"Ano ba yung totoong pinagmulan no’n, datung?" tanong ni Lolit.

Dugtong niya, "Hindi, alam mo, ang na-realize ko talaga, hindi naman... yung pagka, yung sa mga manager, usually pag yung alaga mo, pagka-maliit pa yung kita, okay pa, di ba?

"Pag medyo malaki na, naaano na ’yan, e, nagtatanong na, ’Bakit? Ay, ang laki ng nawawala!’

"Dahil naisip niya siguro, ’Ay, yung 10 percent, ang laki,’ di ba? Kapag kinuwenta niya. Nagku-question na ’yan, di ba?

"Pagka... Gano’n yun, e. Pero mabuti nga si Annabelle, may kontrata.

"E, kami kasi, kami nila Douglas [Quijano, ang yumaong talent manager nina Richard Gomez, John Estrada at iba pa]—lalo na, wala kaming kontrata, e.

"Oo, di ba? Yung kayabangan ni Douglas... Di ba, sabi niya no’n, ’It’s their loss, not ours.’ Di ba, mga gano’n-gano’n? Ay! E, di ’wag! Di ba?

"Saka nga yung mga iba kong alaga, ano, kapag malaki na yung komisyon, ’Nay, ano ha, yung kalahati na lang babayaran ko, ha?’

"Kasi yung kalahati, iregalo na lang. Lalo na si Tonton Gutierrez, ganyan ’yan.

"Okay lang naman, parang anak mo naman sila.

"Kaya nga, sabi ko nga, pagka mag-aano ka, actually, pagka magma-manage ka, ano ’yan... pag magma-manage ka talaga, dapat talaga minamahal mo yung mina-manage mo.

"Kasi pag... kung hindi mo siya mahal, hindi mo naman siya ’paglalaban, bakit ako makikipag-away diyan? E, paki ko sa ’yo, di ba?

"Pag mahal mo na, wala na, e, nagiging ano na, e... tawag do’n, unconditional [love] na yung ano n’yo, di ba?

"Mari-realize mo talaga, they love you back.

"Basta you love them, they love you back talaga. O, di ba?"

ATE GUY’S SMOKING ISSUE. Tinanong din si Manay Lolit kung ano naman ang masasabi niya sa pinag-uusapang cover pictorial ni Nora Aunor sa YES! magazine kung saan may hawak itong sigarilyo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Matagal nang nagyoyosi si ano [Guy]... So? Bakit? Anong masama do’n?

"Di ba, yung... Di ba, gumaganap naman sila ng role na nagyoyosi sila? What’s wrong with that?

"Di ba, napaka-plastic naman natin? Masa-shock akong... masa-shock akong nakitang nagyoyosi, sino... kung si Jillian Ward!

"Maso-shock ako, di ba?" sabay tawa ng Startalk co-host, patungkol sa Kapuso child star.

"Kung si Jillian Ward ang nagyoyosi.

"E, si Nora Aunor? May apo na siya, may ano, so, di ba?

"Yung iba nga teenager, e, nagyoyosi.

"Napaka-plastic naman no’n!

"Kung si Jillian Ward talaga ’yon, magre-react ako!

"Pero Nora Aunor naman ’yon, ’no! Ano ba ’yon?

"Saka paano magkakaroon ng issue? E, ang dami-daming artistang nagsisigarilyo, di ba?

"At dati na siya nagsisigarilyo, oo.

"E, di ba ano, isang hangang-hanga sila kay Guy, umiinom at nagsisigarilyo, pero maganda pa rin ang boses?"


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN