Kris Aquino downplays links to Diether: "Hindi pwedeng maging friends ang gwapo at maganda nang hindi mabibigyan ng malisya"

"Sinabi ko sa kanya na hindi naman puwedeng maging friends talaga ang guwapo at maganda nang hindi mabibigyan ng malisya. At tinawag ko na maganda ang sarili ko, take note!" jokes Kris Aquino about the issue linking her to hunky actor Diether Ocampo.


Bagamat may ilang lalaking nali-link ngayon sa Queen of All Media na si Kris Aquino, diretsa niyang inihayag na wala siyang panahon para sa lovelife ngayon.

Sa launch ng kanyang bagong line of kitchen and home products na K Everyday, na ginanap kahapon, Oktubre 2, sa SM Megamall, sinabi niya na masyado siyang abala sa trabaho ngayon.

Bukod sa kanyang daily morning talk show sa ABS-CBN na Kris TV, pinagtutuunan din ng pansin ni Kris ngayon ang pelikulang kanyang ginagawa kasama si Dingdong Dantes, ang Segunda Mano.

Ito ay opisyal na kalahok sa taunang Metro Manila Film Festival.

Kaya naman nang usisain siya tungkol sa napapabalitang pagkakamabutihan nila ng dati niyang Dalaw co-star na si Diether Ocampo, sumagot siya na, "Wala ’yon."

Paliwanag pa niya, "Pero hindi naman kami nagkikita na. At araw-araw ang trabaho ko."

Pero sa panayam na ito, pinaalala ng ilang miyembro ng media na nakita umano nila na pinadalhan siya ni Diether ng Starbucks coffee sa set ng kanyang programa.

Hindi na raw ito naulit, sabi ni Kris.

"Kasi, tumawag ang ate [Ballsy] ko sa akin pagkatapos i-air ang episode.

"Tapos sinabi ng ate ko, ’Krissy, ’di ba, you said ayaw mo na ng guwapo? I’m just reminding you that you said na ayaw mo na ng guwapo.’

"So, sinabihan ko siya [Diether], ’D, naiilang ang sisters ko. Huwag na natin bigyan ng stress.

"Enough stress na ang binibigay ng bayan sa pamilya ko, so huwag na.’"

Pagkatapos nito, pabirong kinuwento ni Kris, "Sinabi ko sa kanya na hindi naman puwedeng maging friends talaga ang guwapo at maganda nang hindi mabibigyan ng malisya.

"At tinawag ko na maganda ang sarili ko, take note!"

SEGUNDA MANO. Nang kumustahin ng mga miyembro ng media ang kanyang ginagawang horror-suspense movie kasama si Dingdong Dantes, inamin ni Kris na mahirap ang ginagawa nila ngayon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Isang halimbawang ibinigay niya ay nang mag-shooting sila ng restaurant scenes kamakailan.

Kuwento niya, "Kasi, when you’re shooting restaurant scenes, you have to shoot nang walang kainan.

"So, three restaurants ang shinootingan namin noong Friday.

"We have to shoot ng 8:30 to 11 a.m. ’Yong next, 3 p.m. to 6 p.m.

"Tapos ’yong last, after dinner, so 10 p.m. to 3:30 in the morning.

"Tatlong eksena ’yon pero tatlong baklas.

"Mahirap talaga kasi parang teleserye hours ang ginawa mo."

Ilang beses na ring nakakagawa ng horror-suspense movie si Kris. Ilan sa mga ito ay Feng Shui (2004), Sukob (2006), at Dalaw (2010).

Gayunman, aminado pa rin si Kris na, "Matagal at mahirap gawin talaga ang horror."

WORKING WITH MARIAN RIVERA. Sa nakaraang panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa girlfriend ni Dingdong na si Marian Rivera, nabanggit ni Marian na gusto niyang makatrabaho si Kris Aquino. (CLICK HERE to read related article)

Ganito rin naman ang naging pahayag ni Kris para kay Marian.

Kuwento niya, "Ano talaga, I was asked by GMA Films kung sino ang gusto kong makatrabaho. Si Marian ang wish ko sanang makatrabaho."

Nang tanungin kung bakit, sabi ni Kris, "Kasi, alam mo ’yon, parang she’s feisty. And I like her talaga as a person."

Sa ngayon, wala pa raw pagkakataon na magkita sila ni Marian dahil hindi pa ito nakadadalaw sa set ng Segunda Mano.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN