Cristine Reyes surprised by box-office success of No Other Woman

"Hindi ko ine-expect na, alam mo yun, ako mismo, naghahanap ako ng sinehan para manood ng No Other Woman!" says Cristine Reyes.


Kitang-kita sa aura ni Cristine Reyes sa live guest appearance niya sa The Buzz kahapon, October 2, ang kasiyahan dahil sa box-office success ng pelikula niya with Anne Curtis and Derek Ramsay, ang No Other Woman.

Ayon kay Cristine, hindi niya ine-expect ang malaking tagumpay na ito ng kanilang pelikula. Kaya naman biniro siya ng host na si Toni Gonzaga kung ano ba ang ine-expect nito sa movie nila?

"Na manood lang sila... pero hindi ko ine-expect na lahat talaga ng tao, as in aabangan.

"Hindi ko ine-expect na, alam mo yun, ako mismo, naghahanap ako ng sinehan para manood ng No Other Woman!" natatawang saad ng young actress.

Saan naman siya naghanap ng sinehan para manood ng pelikula niya sa first day showing nito?

"Kasi noong una, ibig sana namin sa Rockwell, kaso wala. Sold out. Sa Alabang, wala.

"Then, yung friend ko na nasa Eastwood, sabi ko, baka puwede nang magpa-reserve, wala rin.

"So, ang ginawa namin, ginamit namin ang powers namin, kumontak kami sa ABS. Nagpa-reserve kami ng seats sa Rockwell.

"So, nagawan naman nila ng paraan."

Ipinaalala naman ni Toni na nung huling mag-guest daw si Cristine sa The Buzz, nagbigay ito ng statement na abangan sa movie nila ang mga outfit, kasosyalan, at patalbugan nila ng mga salita ni Anne sa movie.

Posible raw na nakadagdag ito ng curiosity sa pelikula.

Sabi naman ni Cristine, "Lumevel naman akong talaga.

"Kaya ko sinabi, hindi naman kasi ako sosyal. Effort talaga sa akin yung pagiging sosyal na role.

"So, yun, kayo na lang ang mag-judge sa aming dalawa."

Pinag-usapan din daw ang eksenang pareho silang naka-bikini ni Anne sa pool at ang confrontation scene nila.

Paano nila nagawa ang mga eksenang yun na walang natanggal sa kakarampot nga naman nilang suot?

"Secured naman siya at mahigpit na mahigpit naman ang tali!" natatawa niyang sabi.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

GRETCHEN’S MESSAGE. Bago ang interview kay Cristine, may ilang nagbigay ng VTR message for her.

Isa na rito si Gretchen Barretto, na nabanggit ang pangalan kasama ni Lucy Torres-Gomez sa isang eksena sa pelikula.

Very positive ang naging pahayag ni Gretchen about Cristine.

Gusto raw nito ang young actress and would like to work with her. Gusto raw kasi nito ang ugali ni Cristine na palaban at hindi nagpapaapi.

Nagulat naman si Cristine sa narinig kay Gretchen.

Aniya, "Hello Miss Gretch! Thank you for watching No Other Woman sa first day pa lang po.

"At Ms. Lucy Torres, Ms. Kris Aquino, sila Ate Ruffa [Gutierrez] po, Tito Boy [Abunda].

"At si Ms. Kris, sana nga po matuloy yung project na gusto niya."

E, siya, gusto niya bang matuloy ang project with Kris?

"Siyempre, powerful siya, di ba? Sana, di ba?

"Parang lume-level na ako dun. Matuto ako ng kasosyalan sa kanya."

THE WIFE. Toni asked Cristine kung bakit napaka-effective nito sa role na Sharmaine, the wife, sa pelikula?

"Dinama ko talaga," sagot niya.

"Yung role na asawa, tapos may kabit yung asawa.

"Kasi marami talagang ganoon sa ating lahat, di ba?

"I mean, sa Pilipinas, maraming ganoon. Ang dami kong nababalitaan."

Was there a time in her personal life na na-feel niya ang gaya ng ginampanan niyang role?

"Well, hindi naman ganoon katindi, yung kay Sharmaine at kay Cara [Anne]. Kasi, di ba, married na kami dito ni Derek sa movie?

"Pero ewan ko, dalang-dala lang talaga ’ko sa character."

May pagkakataon ba sa buhay ni Cristine na siya naman ang naging third party?

"I don’t think so. Wala. Never," sagot niya.

"Kasi, ako yung pinipili. So, yun, iniiwanan lang.

"At saka, kasi, hindi ako tinu-two-time. Kesa yung dalawa kami, pipili siya, e, di ako na lang. Ganoon."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi naman ni Toni, palaban daw talaga si Cristine. Siya raw ang pinipili at kakaiba talaga siya.

"E, totoo naman, e!" natatawang sagot niya.

Ano naman ang naging reaction ng boyfriend niyang si Rayver sa mga eksena niya sa No Other Woman?

"Natuwa naman siya at kinongratulate niya ako after. "

FIRST ANNIVERSARY. Buong-ningning naman na inamin at in-announce ni Cristine na noong September 14 ay nag-celebrate sila ni Rayver ng kanilang first anniversary bilang magkasintahan.

Kuwento pa ni Cristine, "Nag-movie lang kami, then nag-dinner."

Ano ba ang feeling ni Cristine na sa kabila ng mga intriga sa relasyon nila, umabot sila ng one year ni Rayver?

"Hindi ako makapaniwala na naka-one year na. Parang kahapon lang ang gulo-gulo.

"Saka, yun, happy ako siyempre na umabot kami sa isang taon," sabi ni Cristine.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN