Daiana Menezes on "engagement" to GB Sampedro: "Handa ako magpakasal, pero huwag sana ngayon."

Daiana Menezes on controversies: "Sometimes I answer, but after a while, na-realize ko na dedmahin ko na lang ang isyu para mawala nga. Natuto rin ako kasi bilang showbiz personality, mahirap din... Yung parang iwasan mo ang, alam mo yun, personalan. Siyempre may feelings din ang tao."


Ang Brazilian TV host/actress na si Daiana Menezes ang sumalang sa "Don’t Lie to Me" segment ni John "Sweet" Lapus sa Showbiz Central kahapon, Linggo, Oktubre 2.

Ang unang tanong kay Daiana: Totoo bang kaya siya nakipag-break kay Sam YG (a.k.a. Shivaker) ay dahil itinuring ni Sam na isang "fling" lamang ang kanilang naging relasyon?

"Kinda, yes!" ang naging sagot ni Daiana.

"Truth" ang naging resulta nito sa lie-detector machine.

Na-hurt ba si Daiana?

Aniya, "Sa akin kasi, yung naging kami... Let’s call it that way, for eleven months, ang tagal nun.

"And at the same time, magkasama kami araw-araw, with family involved, so para sa akin, in my culture naman, kung together kayo, kayo yun.

"So, meron akong... hindi ko alam kung puwede kong sabihin ito, meron akong nabasa na article na sinabi niyang ano, ’tikiman’ lang. Alam mo yun, this kind of ano... I was really hurt about it."

Nagkita na ba sila, nag-usap?

"Oo naman," sagot ni Daiana.

"Okay naman kasi kami, e. Kasi for me, I will not keep any bad feelings or like sama ng loob."

Naka-move na ba si Daiana?

"Oo naman, nang bonggang-bongga! Wala na yun sa akin, thank you, Lord!" bulalas niya.

RYAN AGONCILLO. Ang sumunod na tanong kay Daiana ay tungkol sa isyu sa kanila ni Ryan Agoncillo, na co-host niya sa top-rating noontime show na Eat Bulaga!.

Totoo ba ang kumalat na balitang may namamagitan sa kanila ni Ryan?

"Dyusko, wala!" ang sagot ni Daiana.

"Truth" din ang naging resulta nito.

Bakit sila na-link?

Mahaba ang naging kasagutan ni Daiana sa isyung ito.

"Puwede ba akong magsalita ngayon for the first time? Maraming salamat sa Showbiz Central to give me the opportunity to finally i-open up itong isyu na ’to, kasi sobrang nasaktan talaga ako.

"Actually, I’m the kind of person na very sensitive, ina-adjust ko kasi ako sa culture ninyo ng Filipino.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Na parang kung ano’ng sinasabi ninyo sa akin na, I’m sorry for the terms, na ’laspag,’ or ’malaswa,’ or whatsoever...

"Hindi dahil Brazilian or foreigner, porke’t hindi ako taga-dito, wala akong respeto sa inyo.

"At especially sa isang tao na may asawa.

"Galing ako sa isang broken family, and I know how it feels so I would never go into a relationship with a guy na meron siyang asawa."

Sa palagay ba niya ay may naninira sa kanya? Sa palagay ba niya’y may detractors na nagkakalat nito para ma-nega siya?

"Di ba, for me kasi, parang, ’wag na lang bastusin ng mga fans nila kasi, siyempre, ang biggest star of the Philippines is Judy Ann [Santos, Ryan’s wife], and siya mismo nagsabi sa akin, ’Bakit ganun?’

"Merong mga araw na walang kuwenta talaga na sinasabi nila sa akin ’Ay, absent kayo pareho sa Eat Bulaga!.

"Bakit daw? ’Magkasama ba kayo?’ Sabi ko, ’Dyusko!’

"Meron akong sariling schedule! Di ba?

"It’s been one year na, e, umiyak talaga ako!"

Almost isang taon na raw siyang inili-link kay Ryan.

"Yes, since nag-start siya sa Eat Bulaga!."

Napapagod na ba siya sa isyu? Gusto na niya itong matapos?

"Yeah! Sometimes I answer, but after a while, na-realize ko na dedmahin ko na lang ang isyu para mawala nga.

"Natuto rin ako kasi bilang showbiz personality, mahirap din... Yung parang iwasan mo ang, alam mo yun, personalan. Siyempre may feelings din ang tao."

GB SAMPEDRO. Ang huling tanong kay Daiana: Since engaged na sila ng direktor na si GB Sampedro, handa na ba siyang magpakasal dito?

"Handa ako magpakasal, pero huwag sana ngayon. Let’s say, of course, if you’re in a relationship, oo naman!" sagot niya.

"Truth" ang naging resulta ng sagot ni Daiana.

"Ang priority ko kasi ang trabaho, e. At the same time, gusto ko ring mamanhikan muna siya sa Brazil," paliwanag pa niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi pa natutuloy ang pagpunta nilang magkasintahan sa bansang pinagmulan ni Daiana.

"If our schedules permit, we’ll be going to Brazil in December, tapos mamamanhikan pa siya sa tatay ko.

"Kasi, siyempre, without my parents’ blessings, hindi mangyayari iyon. And I respect my dad."

Hindi suot ni Daiana sa Showbiz Central ang engagement ring na bigay sa kanya ni GB.

Paliwanag niya, "Kasi respeto ko yun, aside sa sarili ko, ang family ko rin na parang sabi nila, ’Hoy, tigilan mo na ’yan, sobra na ’yan!’

"’Dapat ano, makilala ko muna yung lalaki,’ iyon ang sinabi sa akin ng tatay ko.

"In fairness to my parents, they’re very strict kasi they’re not kinda... Actually, they don’t know about FHM."

Si Daiana ang cover ng October 2011 issue ng naturang men’s magazine.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN