Alwyn Uytingco credits best friend JM de Guzman for reviving his passion for acting

"Dumating yung point na sa sobrang nag-e-enjoy na ako sa indie, ayoko nang mag-mainstream! Wala na talaga akong pakialam! Art kung art na lang ako, sabi ko. Ayoko na ng pera, sige, magiging aktor na lang ako. Aarte na lang ako!" says Alwyn Uytingco about doing indie films.


Sa pilot episode pa lang ng Sa Ngalan ng Ina, ang mini-serye ng Superstar na si Nora Aunor sa TV5, nakitaan na agad ng mas mahusay na pag-arte ang young actor na si Alwyn Uytingco, bilang "bad character" na anak ni Nora sa kuwento.

The same pilot episode—na mapapanood ngayong gabi, October 3, pagkatapos ng Wil Time Bigtime—ang ipinalabas sa special red carpet premiere ng nasabing serye sa SM The Block kamakailan.

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Alwyn sa Cafe Via Mare sa Tomas Morato, Quezon City, sinabi ng young actor na "graduate" na siya sa mga pa-cute, bagets roles.

"Ako mismo, sabi ko sa sarili ko... Kasi, noong bata pa ako, I just wanna have fun, fun, fun.

"And then, noong naging seryoso na, doon ako nanibago.

"Sumabay pa yung adolescence, yung chapter ng buhay ko na paiba-iba ang isip ko, hindi ako sure sa sarili ko.

"After noon, lumipas na yun... Ngayon, sabi ko talaga, I have to do my job.

"And habang nandito ako, sana, may magawa akong remarkable. Kasi, saying, e," saad ni Alwyn.

Ang sinasabi ni Alwyn, mas seryoso na siya sa pag-handle ng kanyang career, at gone are the days na parang naglalaro lang siya.

Sabi pa niya, "Ngayon po, maliban sa pagiging mature, para bang mas inspired na ako ngayon.

"Kasi, kakapanood ko ng mga movies. Kakausap ko ng mga aktor, like si JM de Guzman, best friend ko...

"Si JM, actually, ang totoong nagbalik ng passion ko [sa acting].

"Noong mga times na wala pa kaming trabaho, kaming dalawa, nakatambay lang kami sa bahay, naglalaro lang kami ng PlayStation, kumakain lang kami ng pancit canton, nag-usap kami.

"Sabi ko, ’Ako, ayoko nang mag-artista.’ Sinabi ko talaga yun, ’Ayoko na!’

"Sabi ko, ’Parang kalokohan na ang ginagawa nating ito.’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Para sa akin yun. Siguro, dahil una, yung angst ko, parang nawala. Wala ’kong trabaho...

"Bago pa ito mag-Rekrut [Cinemalaya 2010 entry].

"Sabi ko, parang gusto ko na lang yata, e, maging musikero na lang ako.

"And then one day, tumawag si JM, ’Bro, may nag-i-invite sa atin, gagawa daw tayo ng indie film.’

"Sabi ko, ’Magkano ang TF [talent fee] diyan?’ Iniisip ko talaga yun, kasi nga, wala akong trabaho.

"In-explain sa akin ni JM, ’Bakit tinatanong mo ang TF? Ang kailangan natin dito is yung ma-express uli natin ang mga sarili natin.’

"So, ayun na, nagkaroon na kami ng heart-to-heart talk ni JM. Pina-realize niya sa akin na, ’Wag gano’n!’

"Eventually, noong nasubukan kong mag-indie, puro cameo, ganyan... Doon ko lang na-enjoy uli.

"Sabi ko, yung pera, bonus na lang yun dahil binabayaran ’ko.

"Siguro, simulan mo muna na gustuhin mo muna ang ginagawa mo.

"Kapag na-enjoy mo na ang ginagawa mo, saka magpu-fruit yung ginagawa mo.

"Nagawa ko na po that time yung Rakenrol at yung Pintakasi, na unreleased pa rin. Produced ito ni Imee Marcos."

Ano nga ba ang nangyari sa Pintakasi at na-delay nang husto ang pagpapatuloy o pagpapalabas nito?

Ayon kay Alwyn, "Ang problema po doon ay ang post-prod na animation. May animation kasi yung movie.

"Ang alam ko, kukuha sila ng tao from Disney na magmo-monitor nung animation.

"Pero ako, simula noong Rakenrol, ayoko nang madaliin ang mga projects na ginagawa ko, e.

"As long as mapaganda nila at mai-release nila, masaya na ako doon.

"Okey lang kahit matagal, basta maganda ang istorya, basta pulido."

INDIE FILMS. Hanggang sa dumating na ang phase sa career ni Alwyn na ine-enjoy na niya ang paggawa ng indie films. Tulad ng Rekrut, Pendong, at The Leaving.

"Dumating yung point na sa sobrang nag-e-enjoy na ako sa indie, ayoko nang mag-mainstream!" bulalas ni Alwyn.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Wala na talaga akong pakialam! Art kung art na lang ako, sabi ko.

"Ayoko na ng pera, sige, magiging aktor na lang ako. Aarte na lang ako!"

Bakit ayaw na niya sa mainstream acting?

"Ang hindi ko lang kasi nagustuhan sa mainstream noong mga panahong yun, e, hindi ako nabibigyan ng mga characters na magaganda.

"Maliban pa sa break. Yung mga roles na gusto kong masubukan. Palaging yung usual ang binibigay sa akin.

"So, kaya gustung-gusto ko yung indie, kasi ibang-iba.

"Kumbaga, yung storyline, hindi mo mapre-predict. To the point na, ’Ayoko nang mag-mainstream! Bahala na kayo! Dito na lang ako, underground na lang ako,’ gano’n.

"Sa payment, different talaga.

"Kumbaga, kung sa compensation, e, halos wala talaga, ganoon.

"Minsan, abonado pa kayo sa pagkain, sa gas, pero andun yung fulfillment.

"Kumbaga, para akong gumawa ng Hollywood movie," saad ni Alwyn.

FRIENDSHIP WITH JM. Kay JM de Guzman pa rin, nakakatuwa ang pagpa-flashback na kuwento ni Alwyn sa itinuturing niyang best friend sa showbiz, mula noong nagsimula pa lang sila sa ABS-CBN.

"Actually, nag-start yung friendship namin ni JM noong AngTV 2. Thirteen years old pa lang po kami noon.

"Doon ko nga lang na-realize na ang totoong best friend ko pala sa showbiz ay si JM de Guzman.

"Kasi, 13 years old pa lang kami, sobrang dikit na kami.

"Kaya tuwang-tuwa kami noong nagkita uli kami bigla sa project ni Ma’am Imee [Marcos]. Na-revive.

"Nasa Pintakasi si JM, siya yung parang pinaka-kontrabida doon. Ako yung parang kanang-kamay niya.

"Kasama rin namin doon sina Alchris Galura, John Wayne Sace, Erich Gonzales."

SA NGALAN NG INA. Sa premiere ng Sa Ngalan ng Ina, nilapitan pa pala ni Direk Joyce Bernal personally si Alwyn upang i-congratulate sa galing nito sa pilot episode.

Sabi ni Alwyn, "Tuwang-tuwa nga po ako, hindi ako makapaniwala.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kaya nga kabado ako noong premiere night, e, dahil kay Direk Joyce.

"Kasi, from Babaeng Hampaslupa na siya ang direktor namin, ang dami niyang itinuro sa akin.

"And I’m sure, ang expectations niya sa akin, sobrang taas.

"Ang dami kong natutunan kay Direk, sobra!

"Kay Direk Joyce kasi, ang dami niyang in-explain sa akin about pagiging artista.

"Kanina, ang pinag-usapan natin ay pagiging aktor.

"Ngayon, pagiging artista. Pagiging matinee idol. May potential, ganoon.

"Sabi niya sa akin, ’Wag kang mag-e-aim nang mas mababa pa doon.

"Kasi, ang matinee idol, iba ang mararating mo doon.

"And then, after mo ma-reach yun, saka ka mag-aim ng iba. Gano’n..."

Ano ang reaction niya nang una niyang mabasa ang role o script ng Sa Ngalan Ng Ina?

"Kinabahan ako," ani Alwyn.

"Kasi, ang laking responsibilidad nung character, e.

"Kasi, yung iba, may love interest. May istorya kayo na mag-nanay. Story ng family.

"Ako, sa akin yung, kumbaga, terorismo, e.

"Sa akin, puro chicks, e. Chickboy kasi ako sa story, e.

"May isang character, si Cathy [Regine Angeles], na-tape na namin yung pagpasok niya.

"Natakot ako, nanginig ako sa role... Na-excite ako at the same time kasi makakapag-experiment ako sa sarili ko.

"And then, ayun na, nag-research na ako ng movies nina Al Pacino, dinownload ko ang Goodfellas [1990], Taxi Driver [1976]...

"Siya [Pacino] ang peg ko at si Robert De Niro."

Sino naman ang idols niya sa local senior actors?

"Ronnie Lazaro po... Bembol Roco, Christopher de Leon...

"Nagagalingan rin ako kay John Estrada. Siyempre, Eddie Garcia.

"At nakakagulat ay si Tito Freddie Webb, nakakagulat siya sa Babaeng Hampaslupa, nag-deliver siya. Tinodo niya, pasabog siya!

"Ako kasi, gusto ko talaga ay maging versatile actor," saad ng bata at promising na aktor.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN