Gerald Anderson plays mentally-challenged person in his upcoming teleserye

"Sobrang daming inspiration ang mabibigay nito sa mga tao, kapag pinanood nila ito. Kaya talagang magugustuhan ng mga tao ang bagong soap na ito na ipalalabas soon!" enthuses Gerald Anderson about his upcoming teleserye Budoy.


Aminado si Gerald Anderson na basketball naman talaga ang una niyang passion bago siya nag-artista.

"Kaya nga pag may mga ganitong bagay, sumasali agad ako," sabi ng 22-year-old na aktor nang makapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa dugout ng mga players sa Batangas City Sports Coliseum.

Katatapos lang maipanalo nina Gerald at iba pang male talents ng Star Magic ang laro nila laban sa mga players ng St. Bridget College-Batanga,s sa score na 92-88, noong Linggo, October 2.

Invitational ang game na may titulo pang Lima-Lima Dine! A Celebrity Basketball Game.

Mapupunta sa Saint Francis de Sales Minor Seminary ang ibang bahagi ng ticket sales ng basketball game, na inorganisa ng grupo ng alumni ng St. Bridget at Saint Francis na Anakiko 88.

Kahit nga kagagaling lang sa ASAP Rocks, sabik na naglaro ng basketball si Gerald, kasama sina Rayver Cruz, Ejay Falcon, Young JV, Matt Evans, Aaron Villaflor, Xian Lim, Fred Payawal, Ram Sagad, at Jose Sarasola.

Kasama rin sa naglaro ang nakababatang kapatid ni Gerald na si Ken.

Very proud pa ngang ipina-interview ni Gerald sa PEP ang kapatid nang tanungin kung may balak bang sumubok sa kahit na anong professional basketball team si Ken.

"I plan to... I have to get in shape," sagot ng 20-year-old na si Ken sa PEP.

Pero si Gerald, nasubukan nang makilaro sa isang professional basketball team.

"Yeah. I played with the NLEX [Road Warriors]. Pero praktis lang yun. I just wanna stay in shape," sabi ni Gerald tungkol sa paglalaro sa 2011 Philippine Basketball Association (PBA) Developmental League champion.

Mukhang naging maganda naman ang resulta ng pakikipag-practice ni Gerald sa NLEX Road Warriors, dahil nung mismong game, kitang-kita ang husay niya sa paghawak ng bola, pag-assist, at pag-shoot mula sa freethrow area at mula sa three-point line.

Hindi naman katakataka na kayang i-handle nang maayos ni Gerald ang sarili sa hardcourt dahil dating miyembro ang binatang Fil-Am ng basketball varsity team ng school niya sa General Santos City.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

At kahit sikat na bilang artista, hindi pa rin daw nakakalimutan ni Gerald ang pangarap niyang maging professional basketball player.

"Hindi talaga. Passion ko talaga ang basketball. Kaya nga pag may ganito, sumasama agad ako," nasabi muli ng Kapamilya talent.

ANOTHER CURRENT PASSION. Isa pang binubuhusan ngayon ng malaking passion ni Gerald ay ang pagte-taping niya ng bagong teleseryeng Budoy.

"Itong Budoy, napakalaking proyekto nito, napaka-challenging, napakahirap," paglalarawan ni Gerald sa bago niyang show.

"Sobrang daming inspiration ang mabibigay nito sa mga tao kapag pinanood nila ito. Kaya talagang magugustuhan ng mga tao ang bagong soap na ito na ipalalabas soon!"

Tungkol saan nga ba ang Budoy?

"Tungkol ito sa isang bata... A young adult, pero ang isip niya is around 10 [years old]. Medyo ano siya, mentally challenged.

"Kumbaga, dun nyo makikita ang mundo sa mata niya. Kung ano ang tingin niya sa mga tao, kung ano ang pananaw niya sa mundo."

Paniniguro pa ni Gerald, hindi birong aktingan ang mangyayari sa Budoy.

"Actually, sa buong cast po talaga, lahat kami nagbibigay ng kung ano ang kaya naming ibigay. Kumbaga, pinu-push namin ang bawat eksena to the max.

"Kaya talagang worth it ito panoorin," pagmamalaki pa ni Gerald tungkol sa Budoy.

Kasama raw ni Gerald sa Budoy sina Janice de Belen, Jessy Mendiola, Enrique Gil, Zsa Zsa Padilla, Tirso Cruz III, Mylene Dizon at marami pang iba.

"It’s a powerhouse cast!" dagdag pa ni Gerald.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN