Raymond Gutierrez admits being mad at Nadia Montenegro

"Tawagin n’yo na po ang nanay ko na maingay, palaban, mataray, pero hindi po siya nag-a-abuse ng mga bata," says Raymond Gutierrez in defense of his mom, Annabelle Rama.


Nagbigay rin ng kanyang saloobin ang TV host na si Raymond Gutierrez kaugnay ng kasong child abuse at oral defamation na isinampa ni Nadia Montenegro laban sa kanyang ina na si Annabelle Rama. (CLICK HERE to read related story.)

Matatandaang una nang nagsalita ang kapatid ni Raymond na si Ruffa Gutierrez sa programa nitong Paparazzi Showbiz Exposed noong Linggo, October 2. (CLICK HERE to read related story.)

Halos ganito rin ang naging sentimiyento ni Raymond nang magsalita naman siya sa Showbiz Central noon ding Linggo ng hapon.

Aniya, "I’m not gonna lie, nagulat talaga ako, nabigla. At the same time, may konting galit at disappointment kay Nadia.

"Because in the thirty years that my mom has been in showbusiness, wala siyang track record ng child abuse.

"Child abuse is such a serious case.

"Tawagin n’yo na po ang nanay ko na maingay, palaban, mataray, pero hindi po siya nag-a-abuse ng mga bata."

Dagdag pa niya, "Ni-warn ko na rin kasi yung mom ko before na to not get any more talents, kasi nga mahirap din ang isang maging manager, ’di ba?

"At mag-isa lang siya and she has to handle the career of so many talents.

"Pero because of the goodness of her heart, na nanghingi sa kanya ng tulong si Nadia, in-accept niya yung tatlong anak ni Nadia."

Ang tinutukoy ni Raymond ay sina Ynna, Alyanna, at Annika Asistio.

Pagpapatuloy pa niya,"Marami sa showbiz ang nakakaalam nito, na ang Royale Era, kami pong... yung talent management ng mom ko, we really treat our talents like family—family members.

"Lahat ng family gatherings, nandiyan sila. And with an extra closeness to Nadia, kasi nga magkaibigan sila ng mom ko.

"So, it’s very hurtful and it saddens me na umabot sa ganito yung sitwasyon nila.

"I know that for the past few months, hindi sila nagkikita eye-to-eye, alam ko marami silang mga issues.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"I don’t really know the technicalities of their away, pero sana lang hindi na humantong sa mga bintang at sa mga pagsisinungaling."

Ano ang reaction ng iba pa nilang family members sa nangyari?

"Siyempre, nakakalungkot kasi we saw how my mom defended din Nadia whenever people would question why my mom would handle her kids, or yung belief talaga and yung support ng mom ko sa mga anak ni Nadia.

"She really defended them, she spoke highly of them, and really encouraged producers and executives to hire them as talents.

"So, nakita talaga namin yung suporta ng mom ko bilang manager, bilang second mom, at bilang kaibigan kay Nadia and her family."

Ayon pa kay Raymond, "You know, we give our one hundred percent support to my mom in this issue because nakita talaga namin yung pag-aaruga at pag-aalaga na ginawa [niya] sa mga anak ni Nadia.

"So, we are supporting our mom one hundred percent."

Matapos nito ay nagkaroon din ng live segment ang Showbiz Central, kung saan dinepensahan ni Annabelle Rama ang sarili at binatikos si Nadia Montenegro.

Tinawag ni Annabelle na "walang kuwentang ina" si Nadia, at siningil din nito si Nadia sa ere ng diumano’y utang ng huli sa kanya.

Tatlo na ang nagsalita sa telebisyon para kay Annabelle: si Ruffa, si Raymond, at si Annabelle mismo. Hindi pa nariringgan ng pahayag si Nadia sa telebisyon man o sa ibang media platforms.

Nananatiling bukas ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa panig ni Nadia Montenegro sa usaping ito.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN