Nora Aunor’s manager Boy Palma clarifies issue involving the Superstar and Cristy Fermin

"Pero hindi si Guy yung... I should know, hindi siya yung taong, mawawalan ng trabaho ang isang tao dahil sa kanya? Hindi siya yun. Maski na masama ang loob niya, quiet na lang ’yan. Pag pumutok naman, magsasalita siya. Pero she will never do that," says Boy Palma about the rumor that Nora Aunor asked TV5 executives to choose between her and Cristy Fermin.


Did Nora Aunor ask TV5 executives to choose between her and Cristy Fermin?

"I don’t think she can do that, and she will never do that!" mariing pahayag ni Boy Palma, personal manager at schedule master ni Ate Guy.

"Ate Guy" ang isa sa mga tawag kay Nora Aunor, ang singer at aktres na nagse-celebrate ng 44 years niya sa showbiz sa taong ito. Ang isa pang tawag sa kanya ay "Superstar."

Nangyari ang panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Boy kagabi, October 3, sa taping ng Sa Ngalan Ng Ina, sa isang simbahan at museo—ang Our Lady of Victory chapel sa Potrero, Malabon City.

Ang komento ni Boy ay kaugnay sa lumabas na artikulo ng PEP kahapon ng tanghali, October 3. (CLICK HERE to read related story.)

Si Boy ang nagsalita para kay Ate Guy, na bukod sa abala sa pagte-taping mula umaga hanggang gabi, ay may karamdaman sanhi ng matinding ubo, at hindi maaaring makapanayam.

Nakikiharap pa rin daw si Ate Guy sa mga bumibisita sa set, ayon kay Boy. Hindi nga lang daw ito masyadong nagsasalita.

Puspusan ngayon ang taping ng Sa Ngalan Ng Ina para sa huling linggo (Week 4) ng TV5 mini-serye na nagsimula na ang pagsasahimpapawid kagabi.

Tungkol pa rin sa lumabas na isyu, inungkat ng PEP kay Boy ang tungkol sa naging pakikipag-usap ni Ate Guy noon sa Chief Executive Officer (CEO) ng Kapatid network, na si Atty. Ray Espinosa.

Wari’y may kaugnayan ang nasabing meeting sa mga negatibong ulat laban sa aktres.

"It’s not about Cristy [Fermin]. I don’t think they ever talked about that," pagtanggi ni Boy.

At inulit ni Boy ang mga nauna niyang pahayag bilang depensa kay Nora.

"She will never, never do that.

"I know her. She will never do that.

"I don’t think she’s capable of doing that.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kahit na sabihin mong ka-close niya ang management ng TV5, I don’t think she’ll do that."

Nabanggit ni Boy na nagpa-interview pa si Nora kay Cristy pagdating ng Superstar sa bansa noong August 2.

"Kasi sa kanya, let bygones be bygones.

"Na-shock lang siya nung nakita niya yung mga write-ups [ni Cristy]," pag-amin ni Boy, bilang sagot din sa hindi na pagpapa-interview ni Guy sa columnist at radio-TV host matapos noon.

"Pero, hindi si Guy yung... I should know, hindi siya yung taong, mawawalan ng trabaho ang isang tao dahil sa kanya.

"Hindi siya yun. Maski na masama ang loob niya, quiet na lang ’yan.

"Pag pumutok naman, magsasalita siya. Pero she will never do that," paglilinaw ni Boy.

PBA TEAM MUSE. Nagbahagi rin si Boy sa PEP ng impormasyon hinggil sa naging activities ni Ate Guy nitong weekend. Bagamat walang patid ang activities, masaya namang mga okasyon ang mga ito.

Iyon lang, maaaring ang sunud-sunod na commitments ng Superstar ang naging sanhi para dapuan siya ng munting karamdaman.

Nagmula nga raw iyon noong nakaraan pang Miyerkules, September 28, nang inumaga sa pagte-taping ang aktres.

Nakapagpahinga naman si Nora sa sumunod na araw, Setyembre 29, dahil wala siyang taping ng Biyernes, Setyembre 30.

Dagdag ni Boy, "But she has to fulfill a guesting commitment that afternoon sa Walang Tulugan. Para ito sa birthday presentation ni Kuya Germs."

Buong araw rin daw nag-mall tour si Ate Guy noong Sabado, October 1, para sa promotion ng Sa Ngalan Ng Ina.

From the mall tour sa SM Sucat, tumuloy si Ate Guy at mga kasamahan sa TV5 studio, para sa live guest appearance sa Wil Time Bigtime ni Willie Revillame.

Masigla ang programa sa pagdalo ng Superstar, na binigyan ng standing ovation ng live audience.

Kasama sa napag-usapan sa show nina Ate Guy at Willie ang pagtulong sa mga nasalanta ng nagdaang bagyong Pedring at Quiel.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nangako ng donasyon na isang milyong piso si Willie.

Sabi naman ni Ate Guy, "Hindi ako ganung kayaman, pero anuman po ang maitutulong ko, ito’y nanggaling sa aking puso."

Hindi pa dito natapos ang hectic schedule ni Ate Guy, dahil noong Linggo, October 2, um-attend naman siya ng Philippine Basketball Association (PBA) opening ceremonies bilang muse ng Talk ’N Text team.

Ang team ay hawak ng businessman-mogul na si Manny V. Pangilinan (MVP), na siya ring may hawak ng TV5. Si Atty. Ray Espinosa ang kanang-kamay ni MVP sa ilang ventures ng huli, lalong-lalo na sa TV5.

"She was there naman, not to promote anything, but be a muse," sabi ni Boy.

Ang mga nakasamang team muses ni Nora ay sina Iya Villania, Maricar Reyes, at ang dalawang Miss Universe runners-up na sina Ma. Venus Raj (4th runner-up 2010) at Shamcey Supsup (3rd runner-up 2011).

Kuwento pa ni Boy, "All praises si Venus Raj kay Ate Guy!

"Sabi niya, ’Noon, I wanna meet her. And now, I’m face to face with her. I don’t know how I feel!’"

Sa totoo’y malapit nang magkasama sa trabaho sina Nora at Venus. Ito ay para sa Metro Manila Filmfest entry ng Regal Films, ang Mano Po 7 (Hototay).

Sabi pa ni Boy, "Si Maricar naman approached us bago mag-start [ang parada].

"Sabi niya, ’Hi, Ate Guy! I’m a fan. Can I have a picture [with you]?’

"Then, si Iya Villania, she was greeting Maricar. Lumapit siya kay Maricar.

"Nakita niya, nasa likod si Guy, sabi niya, ’Oh, my God! Ate Guy! Puwede magpa-picture?’

"Tapos, ang nakakatawa dun, yung mga basketball players, ’Ate Guy, pa-picture! Pa-picture!"

Ayon kay Boy, Nora gamely posed and entertained her celebrity admirers.

SA NGALAN NG INA AIRING. Kagabi, dakong 9:30 ng gabi, nagtipun-tipon naman sa loob ng Our Lady of Victory chapel sa Potrero, Malabon City, ang lahat ng sangkot sa produksiyon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nangunguna na rito sina Ate Guy at Direk Mario O’Hara, para panoorin ang pilot episode ng Sa Ngalan Ng Ina.

Lubos ang kasiyahan ng Superstar sa napanood na unang episode.

Pagkatapos ng unang gap, nagpalakpakan ang lahat.

Tumayo si Nora sa kinauupuan at hinalikan sa pisngi si Direk Mario bilang tanda ng kasiyahan niya sa trabaho ng kanyang direktor.

Kasama ring nanood ni Nora sa taping site ang ilan pang aktor sa serye, kabilang na sina Edgar Allan Guzman at ang anak ni Nora kay Christopher de Leon na si Ian de Leon.

Hinggil sa naging masayang reaksiyon ni Ate Guy, sabi ni Direk Mario sa nag-interview, na si Jeff Fernando, na yun ay pag-appreciate na hindi plastic o walang pagkukunwari.

"Tunay na tunay ang damdamin na ipinadarama sa isang direktor na katulad ko, siyempre masaya ako," ayon kay Direk Mario, isang beteranong direktor.

Maraming text messages na natanggap si Guy, sa pamamagitan ni Boy, bilang pag-congratulate sa magandang unang episode ng Sa Ngalan Ng Ina.

OTHER PROSPECTS. Ngayong linggo, nakatakdang pumirma ng three-year contract si Nora sa Kapatid network, para sa kanyang susunod na mga projects sa TV5 (teleserye) at Studio 5 (pelikula).

Bukod sa Mano Po 7 (Hototay) ng Regal, na ididirek ni Joel Lamangan, gagawa rin si Nora ng pang-Mother’s Day movie sa 2012, sa film company ni Mother Lily.

Nag-express na rin ng interes si Nora na gawin ang Luna Rosa, isang proyekto para sa teamup nila ni Tirso Cruz III, sa ilalim ng direksyon din ni Mario O’Hara.

Sa mga indie directors naman, sina Brillante Mendoza (Kinatay) at Ellen Ongkeko-Marfil (Boses) ang sinasabing meron nang mga materyal para sa Superstar.

Ayon kina Nora at Boy, handa silang makipag-meeting sa dalawang mahusay na direktor para sa mga nakahandang proyekto.

Nasabi na ni Nora sa panayam niya sa YES! Magazine (October 2011 issue) na gusto talaga niyang gumawa ng mga makabuluhang pelikula.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Binanggit pa niya sa staff na gusto niyang magkaroon muli ng mga pelikulang may kabuluhan, at ang binanggit niyang mga halimbawa ng tinutukoy niya ay: Atsay (Eddie Garcia), Himala (Ishmael Bernal), Bona (Lino Brocka), at Tatlong Taong Walang Diyos (Mario O’ Hara).


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN