Arci Muñoz not yet ready to bare: "Parang feeling ko, hindi pa time."

"Hindi pa kasi ako confident kahit sa tummy exposure lang. Parang feeling ko, hindi pa time. Gusto ko ’yong alam ko sa sarili ko na hindi ako mapapahiya. At saka gusto ko may abs ako bago ko gawin iyon," explains Arci Muñoz on why she can’t go sexy yet.


Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang TV5 star na si Arci Muñoz noong Sabado, October 1, nang mag-guest siya sa show ni Willie Revillame na Wil Time Bigtime.

Excited na raw siya sa bago niyang serye sa Kapatid network—ang Felina. Leading men niya rito sina Leandro Muñoz at Ahron Villena.

Kuwento ni Arci, "Tungkol ito sa isang bata na isinumpa na maging pusa.

"Sa istorya, merong mangyayari kapag nag-eighteen na ako."

Ano ang demands ng kanyang role bilang isang babaeng pusa, na sa pakiramdam niya ay mahirap for her?

"Unang-una, mahirap po kasing umarte na naka-costume, tapos naka-face paint with all the makeup.

"And then, naka-contact lens pa ako na parang sa pusa.

"So, ang hirap umiyak kapag naka-contact lens ka.

"Tapos, dahil sa pusa ang character ko na inaapi ng lahat ng tao, so ang pinakamahirap ay ’yong umiyak na may suot akong contact lens."

THE MORE, THE MERRIER. Parami nang parami ang mga artistang lumilipat sa TV5. Kaya naman hindi maiwasang magkaroon ng competition among the Kapatid network stars.

Ano ang pananaw ni Arci tungkol sa bagay na ito?

"Para sa akin, hindi naman ako nakikipag-compete kahit kanino.

"So, para sa akin, ang pinakamalaking kumpetisyon sa sarili ko ay kung paano ko pagbubutihin ’yong sarili ko sa ibang larangan, di ba?

"Ang pagiging artista para sa akin, hindi lang naman ito ang option ko; may iba pa.

"Masuwerte nga ako, nabigyan ako ng kontrata ng TV5. Nabigyan ako ng chance at ng magagandang opportunities.

"Kaya happy naman ako sa nangyayari sa career ko ngayon," saad niya.

JASMINE CURTIS. Si Jasmine Curtis-Smith, na leading lady ni JC de Vera sa Ang Utol Kong Hoodlum, ay mabilis nakuha ang atensiyon ng publiko.

Kaugnay nito, may intrigang na nai-insecure daw si Arci sa nakababatang kapatid na ito ni Anne Curtis.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"No, that’s not true," tanggi naman ng young actress.

"Jasmine has her own identity. And siyempre ako, meron din akong sarili.

"And kaming mga kasamahan niya sa TV5, nandito kami to support her."

Dagdag pa niya, "Bakit naman ako mai-insecure kay Jasmine? Sa anong reason?

"I’m happy for her, whatever she is having. Or for whatever is going on her way, ’di ba?

"At saka okey kami ni Jasmine. We’re friends."

NO TO SEXY ROLES YET. Kahit sa tingin ng marami ay maganda ang hubog ng katawan ni Arci, hindi pa rin daw niya kayang magpaseksi sa harap ng camera.

Kahit exposure lang daw ng kanyang tummy ay hindi pa rin siya ready.

Iniyakan nga raw niya dati nang minsang pinilit siyang magsuot ng costume na kita ang kanyang tiyan sa isang eksena sa pinagbidahan niyang seryeng Mga Nagbabagang Bulaklak.

Paliwanag ni Arci, "Hindi pa kasi ako confident kahit sa tummy exposure lang. Parang feeling ko, hindi pa time.

"Gusto ko ’yong alam ko sa sarili ko na hindi ako mapapahiya. At saka gusto ko may abs ako bago ko gawin iyon."

BEAUTY-QUEEN WANNABE. Kumusta na pala yung plano niyang pagsali sa beauty contest next year?

"’Yan ang hindi pa sigurado," sabi ni Arci.

"Kasi ang daming opportunities na ibinibigay sa akin ngayon ng TV5. At saka nakakontrata ako with them.

"Complicated kung sasali ako, kasi ang Bb. Pilipinas, they’re signed with ABS-CBN. And Miss World Philippines naman, sa GMA-7.

"So, kumplikado.

"Pero with TV5, wala silang problema. Kung sakaling talagang gusto ko raw, susuportahan nila ako.

"Kasi ano ’yon, e, it’s gonna be another feather in my [cap]. If ever na manalo ako, di ba?" saad niya.

Marami ang nagsasabi na beauty-queen material si Arci. Puwedeng-puwedeng maging representative ng Pilipinas sa anumang international beauty contest.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ano ang masasabi niya rito?

"Ay, ganyan? Thank you!" nangiting sabi ni Arci.

BAND MEMBER. Bukod sa pag-arte, may isa pa raw pinagkakaabalahan ngayon si Arci—ito ay ang binuo niyang banda na Philia.

"Ang ibig sabihin no’ng philia sa Latin o Greek, love," banggit niya.

"Nagre-record na kami ng mga kanta ngayon. Ire-release namin ito independently.

"’Yong tugtog namin, sobrang rock. Metal talaga.

"Ako lang ang girl sa grupo.

"Si Dion Ignacio [Kapuso star], kabanda ko. Siya ’yong gitarista.

"Kaming dalawa lang ni Dion ang artista sa band namin."

Pagdating naman sa kanyang lovelife niya, zero pa rin daw ito.

"Hindi ko pa rin muna priority sa ngayon ang lovelife!" nakangiting sabi ni Arci.

"Career muna. Masaya ako na sa trabaho muna ako naka-focus."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN