Angeline Quinto goes loco over Coco Martin; calls the matinee idol "yummy"

In her live interview on Bandila last night, singer Angeline Quinto mentioned the name of her crush Coco Martin several times, openly declaring her admiration of the matinee idol.


Halatang-halata ang malaking paghanga at pagtangi ni Star Power grand winner Angeline Quinto kay Coco Martin.

Makailang-ulit kasi na pangalan ng aktor ang isinagot ng singer sa mabilisang live interview sa kanya ni Boy Abunda, sa "Ikaw Na" segment ng late-night news ng ABS-CBN, ang Bandila, na napanood kagabi, October 4.

Kitang-kita ang kilig kay Angeline sa tuwing mababanggit niya ang pangalan ni Coco. Lalo na’t nali-link pa silang dalawa ngayon, bukod pa sa may pagsasamahan silang proyekto.

Si Coco ang isinagot ni Angeline sa mga tanong ni Boy, gaya ng kung sino ang unang crush niya sa showbiz at sino ang pinakaguwapo sa showbiz.

"Yummy" naman ang paglalarawan niya kay Coco sa isa pang tanong ni Boy. Ito rin ang tagline ni Coco sa isang instant coffee commercial.

Sinagot din ni Angeline ang Miss Universe 2011 question kay Shamcey Supsup.

Pero nilagyan ito ng konting twist ni Boy at isinama ang pangalan ni Coco sa tanong: Would you change your religious belief to marry Coco Martin? Yes or no?

"No, po."

Bakit?

"Kasi kung mahal naman po talaga ako ni Coco, siyempre i-respect niya naman po yung relihiyon ko. Kasi ganun din naman po ako sa kanya."

"FIRST" QUESTIONS. Bukod dito, sinagot din ni Angeline ang mga tanong tungkol sa mga "una" sa kanyang buhay.

Unang bansa na iyong nabisita?

"Singapore."

Unang binili sa unang kita?

"Havaianas sandals at gasul." Ang pambili ng sandals ay mula sa kinita niya sa singing contest at ang pambili ng gasul ay mula sa kinita niya sa ASAP Rocks.

Unang crush na hindi taga-showbiz?

"Kaklase ko po dati. Robert po ang pangalan."

Unang crush sa showbiz?

"Si Coco po."

DESCRIBE A NAME. Sumunod naman ay nagbanggit si Boy ng mga pangalan, at sinabi ni Angeline ang unang bagay na maiisip niya.

Sarah Geronimo: "Isang mabuting kaibigan po."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Regine Velasquez: "Idolo ko po."

Coco Martin: "Yummy, Tito Boy!"

Sharon Cuneta: "Pangalawang ina po."

Angeli Flores: "Star for a Night co-contestant po."

Nabanggit ang pangalan ng Pinay singer na si Angeli Flores makaraang mabalita sa Bandila ang achievement nito sa international music scene.

Si Angeli ay miyembro ng kauna-unahang Pan-Asian girl band na Blush, kasama ang apat na babaeng singers mula sa mga bansang India, Japan, South Korea, at China.

Si Angeli ay nakalaban ni Angeline sa Star for a Night, kung saan naman nagwagi si Sarah Geronimo.

Bukod sa kanilang tatlo, nagkaroon din ng pangalan sa local music scene ang iba pa nilang ka-batch sa naturang singing contest, gaya nina Mark Bautista at Mau Marcelo (Philippine Idol winner).

FAMILY MATTERS. Samantala, dumako naman ang usapan nila sa isang seryosong topic tungkol sa pamilya ni Angeline.

Noong huling mag-usap kasi sina Angeline at Boy sa The Buzz ay ibinulalas ng singer ang kanyang sama ng loob sa tatay niya, na sinasabihan siya madalas na, "Sali ka nang sali sa contest, hindi ka naman nananalo. Sinasayang mo lang ang oras mo."

Ang tanong tuloy ni Boy ay kung nagkaayos na ba si Angeline at ang tatay niya. Nagpatawad na ba siya?

"Sa ngayon po, mabuting-mabuti na po kami ng mga kapatid ko po, lalung-lalo na ng tatay ko.

"Siguro naman po, hindi na kailangang humingi ng pasensiya ang tatay ko po," sagot ni Angeline.

FUN QUESTIONS. Ilang nakatutuwang tanong naman ang sumunod na ipinasagot ni Boy kay Angeline.

Sino ang pinakamaganda sa showbiz?

"Cristine Reyes."

Sino ang pinakaguwapo?

"Coco Martin."

Kung ikaw ay isang bulaklak, ano ka?

"Sampaguita po."

Kung ikaw ay mabibigyan ng pangatlong mata, saan mo ito ilalagay?

"Sa bumbunan po. Para po laging nakatingin sa taas."

Kung ikaw ay may pakpak, saan ka pupunta?

"Sa Europe po."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kung ikaw ay may ipababago sa iyong katawan o mukha, ano ito?

"Ilong."

SING THE ANSWER. Nagbigay rin ng sample si Angeline ng mga kantang inawit niya sa Star Power—ang "I Don’t Wanna Miss A Thing" at "Patuloy Ang Pangarap."

Kaugnay nito, pakanta niyang sinagot ang sumunod na mga tanong ni Boy:

Ang iyong awitin para sa iyong nanay?

"Habang May Buhay": Habang may buhay/ Habang may buhay/ Hangga’t ang dugo ko ay dumadaloy/ Sa iyo lamang iaalay."

Ano naman ang kanta mo pag ikaw ay nalulungkot?

"Pag nalulungkot? Nagluluto lang po ako, e, hindi po ako kumakanta."

Ano ang paborito niyang lutuin?

"Sinigang po."

Ano naman ang kanta niya para kay Coco Martin?

"Kailan": "Bawat araw sinusundan/ Di ka naman tumitingin/ Anong aking dapat gawin?/ Kailan?/ Kailan mo ba mapapansin ang aking lihim?"

Tanong pa ni Boy: Ano naman ang awitin mo para sa akin?

"Ikaw": "Ikaw ang bigay ng Maykapal/ Tugon sa aking dasal."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN