Lovi Poe on relationship status with Ronald Singson: "Well, for now, it’s hard for me to say."

"Well, for now, it’s hard for me to say. Ngayon kasi, a, wala akong iniintindi kung hindi ’yong sarili ko muna because—wala. I think I’m happier this way. Kumbaga, bata pa ako. Let’s see what will happen in the future, mahirap na, e. Kahit sabihin mong ilang buwan lang ’yon, matagal din pala," says Lovi Poe about her relationship with politician and businessman Ronald Singson.


Kagagaling lang sa sakit ni Lovi Poe. Ito ay dahil daw sa sunud-sunod niyang trabaho.

"Na-overfatigue," sambit ng Kapuso actress.

"’Pag biglang pahinga from super-trabaho, tapos bigla akong magpapahinga...

"Tatlong beses na ’yon nangyari, pagkatuloy-tuloy ’yong trabaho.

"Like, months na [work] then biglang pahinga, bumababa bigla, naninibago ’yong katawan ko."

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang media si Lovi sa presscon ng pelikulang Aswang kaninang tanghali, October 5, sa Napoli restaurant sa Timog Avenue, Quezon City.

BOX OF BULLETS ISSUE. Bukod sa pagod, isa rin daw rason ng kanyang pagkakasakit ay "stress."

May intriga kasing naglalabasan tungkol kay Lovi, sa dati niyang nobyo na si Ronald Singson, at sa leading man niya sa My Neighbor’s Wife na si Jake Cuenca.

Ayon sa reports, may nagpadala raw ng "box of bullets" kay Jake.

Ang hinala ng iba, galing diumano ito kay Ronald, na kasalukuyang nakakulong sa Hong Kong dahil sa drug case nito.

Nauna nang itinanggi ni Jake ang naturang issue, at sinabing hindi ito magandang tsismis. (CLICK HERE for related article)

Nang hingan ng reaksiyon si Lovi tungkol dito sa presscon kanina, sabi niya, "Unang-una, nakakahiya kay Jake. Nakakahiya sa pamilya ni Jake, kasi hindi magandang balita.

"Most of all, nakakahiya sa Singson family at kay Ronald.

"Si Ron nandoon [sa Hong Kong]. He’s going through something right now.

"Nananahimik ’yong tao, tapos ginagawan ng mga ganoong issues.

"So, ’wag naman sana, give their family...

"They’ve been so good to me ever since, until now naman, wala naman akong masabi.

"So, ’yon, hindi lang ako natutuwang may ganoong balita."

Nagkausap na rin daw sila ni Jake tungkol sa isyu na ito.

"Well, not really talk about it.

"Pero, something na napag-usapan, pero we didn’t make a big deal out of it.

"I’m just very thankful that he actually clarified the issue, and he said something about it.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"He’s such a gentleman to do so."

Gayunman, hindi pa nakausap ni Lovi si Ronald tungkol dito.

Ani Lovi, "We don’t get to talk at all because of the situation nga.

"Ayun, I just feel sad na may mga balitang ganoon, nananahimik ’yong tao, e."

SINGLE OR TAKEN? Sa naging pahayag na ito ni Lovi, hindi na naiwasang tanungin siya ng press kung ano na ba talaga ang relationship status nila ni Ronald.

Sinasabi kasi ni Lovi na single siya ngayon, pero may ilan ding naniniwala na hindi pa sila break ng anak ni Governor Chavit Singson.

"Uhm... Well, for now, it’s hard for me to say," maingat na sagot ni Lovi.

"Ngayon kasi, a, wala akong iniintindi kung hindi ’yong sarili ko muna because—wala.

"I think I’m happier this way. Kumbaga, bata pa ako.

"Let’s see what will happen in the future.

"Mahirap na, e, kahit sabihin mong ilang buwan lang ’yon, matagal din pala."

DREAM COME TRUE. At dahil tila single ngayon si Lovi, hindi maiwasang ma-link siya kay Jericho Rosales.

Makakatrabaho kasi ng Kapuso actress ang Kapamilya actor sa upcoming movie na Yesterday, Today and Tomorrow.

"Dream come true!" bulalas ni Lovi.

"Finally, ang aking sixth-grade crush ay makakapareha ko na—si Jericho Rosales!

"Pero kasi, super fan ako ni Jericho.

"So, ayun, I’m so happy!

"Kumbaga, ’yong paghanga ko sa kanya is in terms of acting and his looks, ganoon."

Pero nang tanungin paano kung manligaw sa kanya si Jericho, ang mabilis na sagot ni Lovi ay: "No. I won’t explain why, but no.

"Ha, because... Basta, no.

"Basta I’m really excited lang na makatrabaho siya."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN