Direk GB Sampedro denies spilling engagement details to Sam YG

Direk GB Sampedro on Sam YG’s claim that he was the first to learn about GB’s engagement to Daiana Menezes: "Ayoko na lang palakihin pa ’yang isyu na ’yan. Pero ang masasabi ko lang, hindi naman kami ganun ka-close ni Sam para siya ang unahin kong sabihan ng tungkol sa engagement namin."


Hindi mag-isang hinaharap ng Brazilian model-actress na si Daiana Menezes ang mga intrigang ibinabato sa kanya.

Nandiyan kasi ang kanyang director-boyfriend na si GB Sampedro na handang depensahan siya.

Pinakamatinding isyu kay Daiana ang hindi mamatay-matay na pagli-link sa kanila ng Eat Bulaga! co-host niyang si Ryan Agoncillo.

"Hindi ko nga alam kung bakit may isyung ganyan kay Daiana at Ryan," sabi ni Direk GB.

"Parang ayaw mawala ng isyu na ’yan. Kahit magsalita si Daiana, na ’hindi totoo,’ nandiyan pa rin.

"Sa totoo lang, never kong naringgan si Daiana na sinabing nag-text sa kanya, o tumawag si Ryan, pag magkasama kami.

"Kasi, ugali ni Daiana yung ganun, na sinasabi niya sa akin kung sino yung nagte-text o tumatawag sa kanya.

"And I trust her na hindi siya gagawa ng bagay na makakasakit sa akin.

"Kilala ko rin naman si Ryan, and I don’t think na capable siya na gumawa ng ganun.

"He’s happily married with Judy Ann [Santos] at masaya ang pamilya nila.

"Kawawa lang talaga sina Ryan at Daiana. Sana matigil na itong isyu na ito," asam pa ng direktor.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Direk GB bago magsimula ang live airing ng idinidirek niyang showbiz talk-show sa TV5, ang Paparazzi Showbiz Exposed, last October 2.

Ano ang reaksiyon ni Direk kapag nali-link si Daiana sa ibang lalaki?

"Ako, wala. Ewan ko, dedma akong tao sa ganyan. Kahit naman sino pwedeng i-link kahit kanino.

"Like ako, pwede akong i-link kahit kanino. Kung may katrabaho ako ngayon, pwede akong i-link.

"Kung may makasama akong ibang babae sa isang event, puwedeng i-link sa akin.

"So, as long as secure ka sa sarili mo... ako kasi, alam ko kung saan ako nakatayo.

"Hindi ako naaapektuhan, e. Huwag lang akong guguluhin siguro."

Pinapayuhan na nga lang daw niya si Daiana na huwag nang pansinin ang mga naninira sa kanila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kahit yung sa Twitter... sa Twitter ang daming naninira sa akin.

"Lagi ko ngang sinasabi sa kanya, ’Kung hindi mo kakayanin na dedmahin yung mga negative na tweets, na para sa iyong message, o kaya para sa akin na natatanggap mo...

"It’s either tanggalin mo na yung Twitter account mo o huwag ka nang magbabasa ng tweet ng ibang tao. Ganun lang naman iyan, e.

"’Kasi, siyempre, may mga tao talaga na capable kang siraan, e. So, nasa iyo kung paano mo iha-handle.’

Dagdag pa ni Direk GB, "Ako kasi, siguro sa tagal ko na rin dito sa industriyang ito, alam ko na rin kung saan ka magre-react at hindi magre-react.

"Dapat dedma lang. Kasi public yung mga ganyan, e.

"Kunwari sa PEP, minsan pag may article sa akin dun, may mga negative comments tungkol sa akin.

"Nandun yung [comment na] parang driver daw ako ni Daiana. Para akong alalay.

"E, ako, wala naman akong pakialam sa kanila.

"Basta dapat alam mo kung nasaan ka, ’di ba?"

DENIES BREAKUP. Suportado raw nila ni Daiana ang isa’t isa, kaya kahit anong isyu ang lumabas ay napag-uusapan naman nila ito.

Kung minsan ay hindi na nga lang daw nila pinapansin ang mga intriga.

Gaya na lang ng isyu na nag-propose siya kay Daiana tapos hiwalay na sila.

Ayon kay Direk GB, "Hindi ko nga alam saang galing yun, e. Napanood lang namin sa Startalk, natawa na lang kami.

"E, magkakasama pa nga kaming nanonood nina Daiana at saka ng mommy ko at pinsan ko. Nakita nga namin yun.

"Pero actually, malawak ang pang-unawa ko sa ganyan, e. Dahil nga nandito tayo sa industriyang ito.

"Para sa akin kasi, hindi naman lahat ng headline, yun ang laman.

"Parang ang magiging laman lang n’un ay hindi pala totoo. Lagi namang ganun, e.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Siyempre, ina-attract natin yung mga tao na manood, o magbasa ng diyaryo.

"Ako kasi, bago ako mag-react sa isang bagay, nag-iisip muna ako, e.

"Kung dapat pa bang mag-react, o hindi. Pag ganun naman, ako lang, dedma lang."

Para sa kaalaman ng lahat at bilang paglilinaw, kumusta na ba ang relasyon nila ni Daiana?

"Okay naman," sagot ng direktor.

"Kami naman, normal na relasyon na dumadaan minsan sa konting problema.

"Pero, hindi naman ganun kabigat yung sitwasyon para mauwi sa hiwalayan.

"Hindi naman din normal yung relasyon pag walang ganun [tampuhan]."

Inamin ni Direk GB na minsan ay may nagaganap ding selosan sa pagitan nila ni Daiana.

"Siguro minsan, hindi mo rin naman maiiwasan yung ganun.

"So, kung paano n’yo na lang dadalhin yun at reresolbahin ay nasa inyo na iyon.

"Napag-uusapan naman iyan."

Sino ba ang mas madalas nagseselos sa kanila ng girlfriend niya?

"Ako naman kasi, hindi ko tinitingnan yun as selosan, e.

"More on misunderstanding lang siguro. Na maliliit, na hindi naman para palakihin pa.

"Ako naman kasi, tapos na ako sa ganung stage, e.

"It comes with age na rin siguro na nagma-mature at wala na yung selos nang selos.

"Basta sa akin, as long as alam n’yo kung nasaan kayo sa isa’t isa, okay na yun.

"Hindi naman kailangan yung ganun sa isang relasyon. Siguro nung bata-bata ako, oo, seloso ako.

"Pero it comes with age na nga na hindi na ako pumapatol sa selos-selosan."

Malaki raw talaga ang tiwala nila sa isa’t isa.

"Oo, kasi naniniwala ako na pag pumasok ka sa isang relasyon, it’s either magta-trust ka o hindi ka magta-trust.

"Pag nagta-trust ka, magwu-work yung relationship.

"Pag hindi ka nagta-trust, walang patutunguhan yung samahan n’yo."

THREATENED WITH SAM YG? Hindi rin daw isyu kay Direk GB kahit kasama na ulit ni Daiana sa Eat Bulaga! ang ex-boyfriend nito na si Sam YG, a.k.a. Shivaker.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"E, nagkasama pa nga sila sa Iskul Bukol dito sa TV5, e," banggit pa ni Direk GB.

"Sa akin, wala namang kaso yun. As long as, siyempre, alam niya yung posisyon niya.

"Alam ni Daiana rin kung ano yung pwede niyang gawin na pwedeng makasakit sa akin.

"Kumbaga, do’s and don’ts lang naman ’yan, e."

Ano naman ang masasabi niya sa lumabas sa isang interview ni Shivaker na sinabi nitong isa raw siya sa unang sinabihan ni Direk ng tungkol sa engagement nila ni Daiana? (CLICK HERE to read related story.)

"Ayoko na lang palakihin pa ’yang isyu na ’yan.

"Pero ang masasabi ko lang, hindi naman kami ganun ka-close ni Sam para siya ang unahin kong sabihan ng tungkol sa engagement namin," saad ni Direk GB.

Feeling niya ba secure siya sa pagmamahal ni Daiana?

"Oo, hindi kasi ako ano na tao, e... Ewan ko ba kung kayabangan yun, pero secure akong tao, e.

"Mas gusto kong pag-ukulan ng panahon yung importanteng bagay, gaya ng trabaho, yung future, kung ano yung mga ginagawa mo ngayon.

"Ayoko nang i-entertain yung doubts at negative feelings. Kaysa ubusin mo yung oras mo sa ganun."

NOT IN A HURRY TO MARRY. Sa isang interview, sinabi ni Daiana na gusto niyang pakasalan si Direk GB, pero hindi pa ngayon.

Siguro raw mga four or five years muna ang bibilangin bago mangyari ang kasalan. (CLICK HERE to read related story.)

Ano ang masasabi ni Direk dito?

"Tanggap ko yun," sagot niya.

"Kasi, kahit naman nung nag-propose ako, sinabi ko rin sa kanya na ’take your time.’

"Hindi naman kailangang magpakasal kami bukas kaagad, o sa isang linggo, not even sa isang taon.

"Pero darating yun, kung talagang gusto na niya.

"Ako rin kasi, gusto ko na pag pumasok ka sa ganyang sitwasyon, handang-handa kayo—emotionally, financially, spiritually. Sa lahat ng bagay.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Katulad nun, ako nanggaling na ako sa failed na buhay may-asawa.

"I’m not even proud na ganun ang nangyari sa buhay ko. Pero since nangyari na yun, wala na akong magagawa.

"After the annulment, siyempre kailangan maingat ka na para huwag na ulit mangyari sa iyo yun."

Si Direk GB ay dating asawa ng talent manager na si Maristel Fernandez.

Sa side naman niya ay wala nang problema ang pagpapakasal dahil annulled na ang kasal nila ng first wife niya.

Pero may mga bagay pa rin daw na kailangang i-consider.

Aniya, "Wala akong problema sa pagpapakasal. Anytime, pwede akong magpakasal.

"Pero, siyempre, it comes doon sa responsibilidad na okay na ba lahat?

"Siyempre, kailangan ko ring isipin yung feelings ng mga anak ko.

"Siyempre, iwe-weigh mo lahat ng sitwasyon."

DAIANA WITH DIREK’S KIDS. May tatlong anak si Direk sa unang asawa. May mga edad 14, 10, at 8.

May chance na ba na naka-bonding ni Daiana ang mga anak ni Direk?

"Oo, nagkasama-sama na rin sila. Hindi nga lang ganun kadalas.

"Last time, nag-mall kami, kumain, naglaro sa Powerstation," sabi niya.

Kumusta naman ang pagtanggap ng mga bata kay Daiana?

"Okay naman. Siyempre yung mga bata kailangan alalayan mo rin ’yan, na maintindihan nila yung sitwasyon.

"Hindi naman sila nag-react violently.

"Ako naman kasi, kahit nung wala pa akong girlfriend, lagi kong sinasabi sa kanila na there will always come a time na magkakaroon sila ng isang tita. Magkakaroon sila ng tito on my wife’s side.

"Kahit na hindi ideal yung family dahil nangyari na ang nangyari, pero kailangan pa rin nating tanggapin ang sitwasyon.

"We’ll just make sure na yung somebody na darating sa buhay namin ng mommy nila ay somebody na maaalagaan din sila.

"Na pwedeng mag-act as second parent or additional parent sa kanila."

MEET THE PARENTS. Masaya namang ibinalita ni Direk na tuloy ang kanilang nakatakdang bakasyon ni Daiana sa home country nito sa Brazil sa Disyembre.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ito ay para makilala nang personal ang mga magulang ng girlfriend niya.

"Naka-book na kami. December 19 ang alis namin. Doon kami magpa-Pasko.

"Almost two weeks kami doon, kasi babalik ako dito bago mag-New Year.

"Kasi, hindi rin naman kami pwedeng magtagal dahil may mga trabaho kami dito sa Pilipinas.

"At saka siyempre, gusto ko rin namang makasama ko yung mga anak ko sa holidays. Sa kanila naman yung New Year."

Na-meet na raw niya ang mommy ni Daiana nung nagbakasyon ito sa Pilipinas.

"Na-meet ko na yung mommy niya once. Parang hi-hello lang kasi nga pasakay na siya ng elevator.

"Nasa isang building lang kasi kami nakatira ni Daiana, pero hindi kami nagli-live in."

Mabuti na lang daw at uso na ang Skype ngayon kaya nakausap na rin daw niya ang mommy at daddy ni Daiana.

"Nakausap ko na sa Skype yung mommy niya.

"Actually, pati yung daddy niya, yung stepmom niya, at saka yung mga kapatid niya."

Kumusta naman ang pagtanggap sa kanya ng pamilya ni Daiana?

"Surprisingly, sabi naman ni Daiana, maayos naman daw yung sinasabi ng parents niya about me, lalo na yung daddy niya."

Natatawa namang ikinuwento ni Direk na mistulang Miss Universe ang usapan nila sa Skype dahil Portuguese nga ang lengguwahe ng parents ni Daiana kaya ang girlfriend niya ang nagmistulang interpreter nila.

Maging sa Facebook nga ay nakikipag-ugnayan daw kay Direk ang mommy ni Daiana.

"Yung mom niya nagpapadala ng message sa akin sa Facebook.

"Buti na lang hi-tech na ngayon, may Google translate na, so nakakapag-usap kami through Facebook.

"Nagpa-private message kami sa isa’t isa.

"Ang gagawin ko, gagawa ako ng English na message sa kanya, tapos ili-link ko sa Google translate at saka ko ipapadala sa kanya.

"Nagkakaintindihan naman kami."

Paano niya ide-describe si Daiana bilang taong pinakamalapit sa puso niya ngayon?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Si Daiana ang pinakamalapit sa puso ko. Siya ang nag-aalaga sa akin.

"Siya yung handa kong pakasalan.

"Hindi ako magpo-propose sa kanya kung hindi ko siya ganung kamahal.

"Isang assurance din yun sa relasyon namin, na hindi lang kami basta boyfriend-girlfriend lang.

"Hindi na kasi ako para sa ganung relasyon, e," pagwawakas ng direktor.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN