Sharon Cuneta on rumored transfer to TV5: "At this point in my career, I don’t see yet any reason to leave ABS-CBN."

"I have no idea what’s going on back home. I just got word from Boss Vic [del Rosario of Viva] that he would like to sit down with me when I get home. Something important has come up. Ang dami kong naririnig na mga tsismis, pero wala pa naman akong nakakausap," says Sharon Cuneta about rumors that she is moving to TV5.

Sharon is currently in Vienna, Austria for her European concert tour.


"So far, yes, I’m happy with ABS-CBN."

Ito ang naging pahayag ng Megastar na si Sharon Cuneta sa usap-usapang plano na niyang iwanan ang Kapamilya network upang lumipat sa ibang network, partikular na diumano sa bakuran ng TV5.

Ginawa ni Sharon ang pahayag na ito sa panayam sa kanya ng ABS-CBN correspondent na si King Bueno, matapos ng matagumpay niyang concert sa Vienna, Austria.

Nitong mga nakalipas na araw kasi ay maugong ang balita na isa si Sharon sa mga artista ng ABS-CBN na lilipat diumano sa TV5.

Nauna sa kanya sina Aga Muhlach at Lorna Tolentino, na parehong pumirma na ng kontrata sa network na pagmamay-ari ng business tycoon na si Manny V. Pangilinan.

Pero ayon sa Megastar, "I have no idea what’s going on back home.

"I just got word from Boss Vic [del Rosario of Viva] that he would like to sit down with me when I get home. Something important has come up.

"Ang dami kong naririnig na mga tsismis, pero wala pa naman akong nakakausap.

"At this point in my career, I don’t see yet any reason to leave ABS-CBN.

"I love Ma’am Charo [Santos-Concio, ABS-CBN president and COO] very much."

Pero idiniin ni Sharon na bukas siyang makinig sa ibang tao, na nais mag-offer sa kanya ng mas marami pang oportunidad.

Sa kasalukuyan ay napapanood nang regular si Sharon sa reality show ng ABS-CBN na The Biggest Loser Pinoy Edition bilang host.

Subalit ngayong linggo ay magwawakas na ito.

Si Sharon ay bahagi ng Kapamilya network mula pa noong 1997.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN