Councilor Shalani Soledad and Congressman Roman Romulo plan for their wedding set for first quarter 2012

Inabangan ang pagdating ng newly-engaged couple na sina Shalani Soledad at Cong. Roman Romulo sa launch party ng Esquire Philippines magazine kagabi, October 5. Naging matipid ang mga sagot ng dalawa ukol sa kanilang wedding plans dahil pina-finalize pa raw nila ang mga detalye. Siniguro naman ni Shalani na oras na maisaayos ang lahat ay ipapaalam nila ang detalye ng kanilang kasal sa publiko.


Pinagkaguluhan ng media ang magkasintahang sina Valenzuela City councilor Shalani Soledad at Pasig congressman Roman Romulo kagabi, October 5, sa launch party ng Esquire Philippines magazine na ginanap sa The Peninsula Hotel sa Makati.

Ito kasi ang unang pagkakataon na maiinterbyu nang sabay ang dalawa matapos ianunsiyo ni Cong. Romulo ang kanilang engagement noong nakaraang buwan. (CLICK HERE to read related story.)

Inusisa ng media ang mga plano at paghahanda nila para sa kanilang nalalapit na kasal.

Ayon sa kongressita, "Actually, we’re still really planning everything

"But as soon as everything’s finalized, we’ll start sending out the invitations."

May napili na ba silang motif at theme ng kanilang kasal?

"Lahat, actually, ano talaga, e, marami pa ring options na tinitingnan just to make sure that Shalani gets the wedding that she likes," saad pa ni Cong. Romulo, na nakatatandang kapatid ng editor-in-chief ng Esquire Philippines na si Erwin Romulo.

Ika nga nila, a wedding day is a bride’s day.

Kumusta naman ang bride-to-be na si Shalani? May plano na ba siyang kumuha ng wedding coordinator?

"Of course, we will be getting a wedding coordinator.

"But as of now, kami pa rin ang nag-aayos, like finalizing the entourage, finalizing kung saan namin gusto," sagot ng magandang konsehala.

Traditional church wedding ba, garden setting, o beach wedding ang napupusuan nila?

"Naku, wala pa talaga! Wala pa talaga. Zero pa," nakangiting sagot ng Wil Time Bigtime co-host.

"But definitely, we will let you know, lalo na ang TV5, everyone. We’ll let you know."

Ilang guests naman ang balak nilang imbitahin sa kasal?

Ayon kay Cong. Romulo, "Again, wala pa rin, e.

"Wala pa rin po kami do’n sa part na ’yon, e.

"Kasi, we’re really fixing yung ano, yung mas kailangan talaga para maayos yung wedding."

Nasa proseso pa nga ang magkasintahan ng pag-aayos ng detalye ng kanilang kasal na magaganap sa first quarter ng 2012.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa ngayon ay pinagdedesisyunan pa nila kung sinu-sino ang kasama sa wedding entourage at ang principal sponsors.

Pero planning ahead, napag-uusapan na rin ba ang mga plano after ng kasal? May balak ba silang magkaroon agad ng baby?

"Maybe, we’ll plan for that," agad na sagot ni Shalani.

"Pero wala muna siguro. Kasi if it happens, it happens, e, and every child is a blessing."

Saan naman sila maninirahan kung sakali, sa Pasig ba o sa Valenzuela?

"Both," ang maikling sagot ng future husband ng konsehala.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN