Cristine Reyes says she didn’t expect wife role in No Other Woman: "Ako rin mismo, na-surprise ako dahil ako ang wife."

Cristine Reyes on people who enter into illicit affairs: "Isipin n’yo kung sa inyo nangyari yun, ’di ba? Masakit yun. Iwasan na lang natin yung mga bagay na ganun. Alam naman natin na masama yun, di ba?"


Prangka ang naging pagsagot ni Cristine Reyes sa no-holds barred interview sa kanya ni Boy Abunda sa "Ikaw Na" segment ng late-night news program ng ABS-CBN, ang Bandila, na napanood kagabi, October 5.

Bago ang tanungan ay binati muna ni Boy si Cristine dahil sa tinatamasang tagumpay sa takilya ng pelikula nitong No Other Woman, kung saan kasama rin sina Anne Curtis at Derek Ramsay.

As of last night ay kumita na raw ng P130 million ang naturang pelikula, na produced ng Star Cinema at Viva Films.

Ayon naman kay Cristine, "Yes, congrats sa aming lahat. Sa Star Cinema, sa Viva, at sa co-artists ko na si Anne and si Derek."

Ano ang pakiramdam na siya ang asawa at hindi ang other woman sa pelikula, bagay na itinatanong din ng iba pang celebrities na nakapanood, gaya raw ni Martin Nievera?

"’Di ba, Tito Boy, sabi ko rin sa inyo, ako rin mismo na-surprise ako dahil ako ang wife?" sabi ng young actress.

Usually daw kasi ay iisipin ng mga tao na mas bagay sa kanya ang other woman.

"Pero thankful ako dahil binigyan nila ako ng chance," sambit pa ni Cristine.

ON ILLICIT AFFAIRS. Sumunod nga ay naging maintriga na ang mga tanong ni Boy kay Cristine.

Ten years from now, halimbawa ay nagkatuluyan sila ng boyfriend niyang si Rayver Cruz. Tapos ay nadiskubre niyang may other woman si Rayver. Ano ang gagawin niya?

"Lalasunin ko yung babae niya! Yayayain ko rin sa bahay ko!" biro ni Cristine.

Para sa kanya, kanino ang sisi kapag nangangaliwa ang isang lalaki?

"Sa lalaki," sagot agad niya.

Bakit?

"Siyempre, kung papasok ka sa isang relasyon, dapat faithful ka. Hindi ka makakasakit ng karelasyon mo."

Ano ang mensahe niya sa mga taong mahilig pumasok sa mga bawal na relasyon?

"Isipin n’yo kung sa inyo nangyari yun, ’di ba? Masakit yun.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Iwasan na lang natin yung mga bagay na ganun. Alam naman natin na masama yun, ’di ba?"

Ano ang pananaw niya sa mga taong nagsasabing "pag kinaliwa ka ng partner mo, mangaliwa ka rin"?

"Immature," sagot ni Cristine.

DEALING WITH EMOTIONS. Paano niya pinapakalma ang sarili niya pag galit siya?

"Well, dati sa Twitter. Pero hindi na ngayon. Natuto na ako.

"Paano ko pinapakalma? Lumalabas ako with my friends. Dinner, ganun."

Ano naman ang nagpapasaya kay Cristine Reyes ngayon?

"Bukod siyempre sa lovelife ko, pag nakikita ko yung mga pamangkin ko."

Paano sila nagkabati ni Sarah Geronimo?

"Pareho kaming nagpakumbaba sa isa’t isa."

Matatandaang nagkaroon ng alitan sa pagitan nina Cristine at Sarah dahil sa pagkakaugnay nila pareho kay Rayver Cruz. Pero nagkaayos din ang dalawa nang lapitan ni Sarah si Cristine sa backstage ng ASAP isang beses.

BEAUTY SECRETS & PHYSICAL ASSETS. Bakit napakaganda ng kutis niya?

"Nasa genes, e. Yung mommy ko kasi half-German," sagot ni Cristine.

May sikreto ba siya kung paano niya inaalagaan ang kutis niya?

"Naliligo ako araw-araw."

Nagbiro naman si Boy at sinabing maging siya ay naliligo rin araw-araw, pero ang kutis niya ay hindi pa rin kasing ganda ng kutis ni Cristine.

"Since bata pa ako, Tito Boy, ganito na talaga ako," sabi naman ni Cristine.

Ano ang reaksiyon niya kapag nakikita niya ang kanyang mga mata sa salamin?

"Madalas nasasabi nila sa akin na parang Asian actress, parang sa mga Koreanovela, ganun."

Sa kanyang skin?

"Parang feeling ko, ako dapat yung nasa commercial, nag-e-endorse ng mga soap, mga whitening. Kasi natural, e.

"Joke lang," bigla niyang bawi.

Pag nakikita niya ang kanyang dimples, ano ang reaksiyon niya?

"Yun ang gustung-gusto ng mga tao, naku-cute-an sila sa dimples [ko].

"Sinasabi nila, ’Ay, si Cristine may dimples ’yan. Palabas naman ng dimples mo.’

"Lalo na pag may nagpi-picture sa akin."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

SLUMBOOK QUESTIONS. Mala-slumbook naman ang sumunod na mga tanong ni Boy.

Favorite color.

"Peach, white... ang dami."

Favorite sound.

"RnB."

Favorite song.

"’You and Me’ by Lifehouse."

Favorite actress.

"Angelina Jolie."

Favorite actor.

"Steve Carrell."

One thing na palagi mong dala pag umaalis ka ng bahay.

"Cellphone."

Favorite expression.

"Pag nagugulat ako ang nasasabi ko, ’flip,’ ganun."

Unang bagay na ginagawa mo pagkagising?

"Pag umaga tinitingnan ko yung mukha ko sa salamin. Baka kasi may morning glory."

Last thing na ginagawa mo bago matulog?

"Bago matulog, nagpe-pray ako."

Favorite ulam.

"Seaweeds."

Puwesto sa pagtulog.

"Fetus style."

Terms of endearment.

"Baby. Mahal."

Favorite sports.

"Swimming."

Favorite movie.

"Ang dami. Ano ba? Wanted ni Angelina Jolie."

Favorite game sa iPad.

"Bookworm."

Favorite part ng bahay.

"Bed [room]."

Favorite line sa movie.

"Naku, huwag na. Baka mamaya makita mo nilalagyan ko ng lason ang pagkain mo." — from No Other Woman

Halaman o hayop?

"Halaman."

Kung makakaharap mo ang Santo Papa, ano ang sasabihin mo sa kanya?

"Dalhin niya po ako sa heaven."

Kung pupunta ka sa langit, sino ang nais mong isama?

"Si Rayver."

Sa impiyerno?

"Siya pa rin."

Kung ikaw ay naging isang lalaki maliban kay Rayver, sino ka?

"Sige na nga. Siyempre pipili ako... si Julius Babao. Kasi matalino, nasa kanya na lahat, e."

At sino ang liligawan mo kung ikaw si Julius Babao?

"Bukod sa akin, si Lucy Torres, kasi idol ko siya talaga, e."

Sa huli, muling inilabas ni Boy ang kanyang mahiwagang salamin at tinanong si Cristine: Nasa harap mo ngayon si Cristine Reyes, ano ang nais mong sabihin sa kanya?

"Ang ganda-ganda mo! Joke lang!"


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN