Jasmine Curtis-Smith happy to have someone like sister Anne Curtis in showbiz

"She’s one of the best sisters that you could ask for," paglalarawan ni Jasmine Curtis tungkol sa kanyang ate na si Anne Curtis.


Si Erwan Heussaff ang naging "date" ng TV5 talent na si Jasmine Curtis-Smith sa launch ng Esquire Philippines na ginanap kagabi, October 5, sa The Peninsula Manila sa Makati City.

Pero bago mag-isip ng kung anu-ano ang ilan, si Erwan ang boyfriend ng nakatatandang kapatid ni Jasmine na si Anne Curtis.

Kabilang din si Erwan sa editorial staff ng Esquire Philippines bilang Food and Drinks contributing editor.

Late kasing dumating si Anne sa launch dahil nanggaling pa siya sa victory party ng No Other Woman sa ABS-CBN.

MESSAGE FOR ANNE. Speaking of No Other Woman, hiningan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ng mensahe si Jasmine tungkol sa box-office success ng pelikula ng kanyang ate.

"Ang message ko sa ate ko, uhm... Napakaganda ng movie n’yo, Ate. I’m so proud of you!

"You’ve come a long way and, sabi ko, No Other Woman is talagang one of your best movies ever.

"Congratulations!" saad niya.

Pinanood na ba niya ang pelikua?

"Yes, pinanood ko na siya—twice na.

"The first is with her, and the second time is with other group of friends.

"So, uhm, mas naintindihan ko yung movie, nung napanood ko siya ulit, tapos parang kinampihan ko na siya.

"Not because ate ko siya, but because nakakaawa talaga yung role niya."

Sa pelikula ay isang "other woman" ang role na ginagampanan ni Anne.

ANNE AS ATE. Tinanong din ng PEP kung kumusta si Anne bilang ate, lalo na’t parehas na sila ngayong nasa showbiz.

"She’s one of the best sisters that you could ask for," sambit ni Jasmine.

"Kasi, you know, I might not realize it at times, but the things she helped me or prepared to guide me and, you know, make sure that I’m on the right track with what I’m going through, especially sa industriya na ’to, na you’re put in a fragile position.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"So, I’m happy na I have someone like her."

May time pa ba silang mag-bonding ng ate niya?

"Uhm, actually, we lack a lot of time... to spend time with each other.

"But, uhm, nag-uusap kami bago matulog, tapos we somehow BBM [Blackberry messenger] message, or call.

"Pero it’s not about we’re just together, but, you know, as long as we are updating each other with things... you know, what’s happening recent in our lives, okay na."

DARING ROLE. Muling gumanap ng isang daring role si Anne sa No Other Woman, kung kaya’t natanong ng PEP kay Jasmine kung balang-araw ba ay kaya rin niyang gawin ang mga ganitong klaseng papel.

"Why not? I know... I mean it will come in the right time.

"Kasi siyempre, bata pa po ako at yung mga gano’ng roles, hindi pa pwede sa akin.

"But, hopefully, ang pag-portray ko naman ay is as well as her," sagot ni Jasmine.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN