Kim Chiu comments on Maja Salvador’s inclusion in My Binondo Girl

Kim Chiu on why Maja Salvador’s character was added in the cast of My Binondo Girl: "Parang kasing nangyari na ang lahat [sa takbo ng istorya]. Nabuko na ’ko bilang [fake na] lalake. Tapos ngayon, mabubuko ako ni Andy [played by Xian Lim]. Tapos bati na kami ng tatay ko. Para madagdagan lang ng kaunting flavor ang My Binondo Girl, papasok si Maja."


Ang My Binondo Girl ang kauna-unahang teleserye na pinagbibidahan ni Kim Chui na hindi katambal ang perennial leading man niyang si Gerald Anderson.

Si Gerald ay sumubok na sa maraming proyekto na hindi si Kim ang ka-partner niya, gaya ng Tiagong Akyat, Buhawi Jack, at ang upcoming primetime soap na Budoy.

Sa My Binondo Girl naman, nasusubok ngayon ang kakayahan ni Kim. Titignan kung kaya niyang maitambal sa ibang leading men—Jolo Revilla, Xian Lim, at Matteo Guidicelli.

Kung ang pagbabasehan ay ang ratings ng nakukuha ng nasabing show, masasabing tanggap naman ng mga manonood si Kim kahit hindi si Gerald ang kanyang kasama.

MAJA IN. Ang pinagtatakhan lang ngayon ng ilan ay ang pagpasok ni Maja Salvador sa My Binondo Girl.

Maganda naman daw ang pagtanggap ng manonood sa palabas, kaya may nagtatanong kung bakit kinailangan pang ipasok ang character ni Maja.

Sa interview ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Kim kamakailan, hiningan namin siya ng komento sa pagsali ni Maja sa kanyang pinagbibidahang serye.

Aniya, "In-explain naman ito sa amin. At bago pa pumasok si Maja, nakatayo naman kami, and para madagdagan lang ng kaunting flavor.

"Parang kasing nangyari na ang lahat [sa takbo ng istorya]. Nabuko na ’ko bilang [fake na] lalake.

"Tapos ngayon, mabubuko ako ni Andy [Xian Lim]. Tapos, bati na kami ng tatay ko.

"Para madagdagan lang ng kaunting flavor ang my Binondo Girl, papasok si Maja.

"At masaya ako dahil tinanggap niya ang project na ito," saad ni Kim.

MORE BONDING TIME. Hindi raw isyu para kay Kim ang pagkakadagdag ng character ni Maja.

Mas natutuwa pa nga raw ang young actress dahil mas magkakasama sila nang madalas ng kanyang kaibigan.

"Masaya kami sa set. Ang saya namin.

"Parang ang tagal naming matapos sa isang eksena kasi tawa kami nang tawa. Biruan kami nang biruan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"So, yun. Kaming lahat sa set, masaya, lalo na si Matteo [boyfriend ni Maja]. Yun, haping-happy naman."

BYE GERALD FOREVER? Above all, malaki ang pasasalamat ni Kim sa mainit na pagtanggap ng viewers sa My Binondo Girl.

Nangangahulugan kasi ito na hindi na siya nakatali sa anino ng Kimerald loveteam nila ni Gerald.

"Oo naman, siyempre nakahinga na ’ko ng... ’di naman maluwag na maluwag.

"Pero, lumaki yung butas nang ganyan," sabay muestra sa laki ng butas.

"Lumaki siya nang kaunting ganyan.

"Masaya ako nang sobra na hindi nawawala ang suporta ng tao sa akin, kahit My Binondo Girl ang title nito.

"We’re very grateful na hindi bumibitiw ang mga tao sa kuwento namin.

"And patagal nang patagal, pataas nang patas ang ratings namin.

"Masaya ako at sobrang nagpapasalamat sa mga manonood and sumusuporta sa My Binondo Girl."

WHY PEOPLE WATCH MY BINONDO GIRL. Ano sa tingin niya ang rason kung bakit gusto ng mga manonood ang kanilang teleserye?

"Una, hindi kasi [palasak at may] kakaiba siyang flavor para sa teleserye ng mga Filipino.

"Normally kasi, ang teleserye, super heavy [drama]. Iyakan-to-the-max, e.

"Ang kuwento kasi nito, parang kuwento ng isang babae na ipinaglaban ang sarili niya.

"Nagpanggap pa siyang lalake kahit babae siya. So, parang first time na may ginawang ganito na Filipino serye.

"Natutuwa ako, kasi ang daming nanonood. Ang daming sumusuporta.

"Ang daming natutuwa kay Yuan [kanyang character bilang lalaki].

"Mas hinahanap pa nga nila si Yuan kaysa sa akin, e!" natatawa niyang banggit.


MOVIE WITH ATE VI. Ano naman ang development ng pelikulang pagsasamahan nila ni Batangas Governor Vilma Santos?

"Magsisimula pa lang kami [mag-shooting]. And first time ko siyang makakasama.

"Nung nag-story con kami, okay naman siya. Sobrang mabait. Sobrang maalaga.

"Very nanay, na hawak nang hawak sa likod ko.

"Natutuwa ako dahil siyempre Vilma Santos ’yan, hahawak-hawakan ka nang maraming beses.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"I must admit, medyo kabado ako. Ang tagal na niya sa industriya at isa siya sa pinakamahusay nating aktres.

"Alam ko na marami akong matututunan sa pagdaan ng mga araw sa shootings namin," sabi ni Kim.

MORE ON GERALD PLUS SIMON. Nauwi sa hiwalayan, hindi lang ang kanilang loveteam ni Gerald, kundi maging ang kanilang naging relasyon.

Pero sa kabila nito, naging magkaibigan daw sila na nagsusuportahan ng kani-kanilang proyekto.

Ani Kim, "Lagi ko namang pinapanood ang mga movies ni Gerald. And yun nga ang sabi namin, susuportahan namin ang isa’t isa."

Kumusta naman ang nali-link sa kanyang varsity player ng La Salle na si Simon Atkins? Tuloy pa rin ba ang kanilang pagpapalitan ng text messages?

"Hindi na. May mga texts naman, pero minsan lang. Hindi palagi.

"Sa ngayon kasi talaga, gusto ko lang magtrabaho.

"Wala pa naman akong nakikitang totoong tao na magmamahal sa akin.

"Bata pa naman ako, siguro marami naman diyan," saad ng top female endorser ng Star Magic, ayon sa survey na ginawa ng YES! Magazine sa taong ito.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN