Maricel Soriano still a no-show at clarificatory hearing of physical-abuse case filed by former househelps

"E, gaya po ng nasabi ko, nabigyan kami ng notice, actually nakita ko pa nga ang legal counsel ng respondents sa lobby kaninang umaga. Laking gulat ko na lang nang nag-text na ’we’re not notified’ daw, wala daw silang notice," says Atty. Tolie Estrella, legal counsel of the complainants, about the non-appearance of actress Maricel Soriano (in photo) at their clarificatory hearing.


Hindi na naman dumalo si Diamond Star Maricel Soriano sa itinakdang clarificatory hearing noong Miyerkules, Oktubre 3, sa opisina ni Fiscal Paulo Talban sa Makati Prosecutor’s Office.

Ito ay kaugnay ng kasong isinampa sa kanya ng mga dati niyang kasambahay na sina Mae Cachuela at Camille Acojedo, matapos diumano silang saktan at pagbantaan ng aktres. (CLICK HERE to read related article.)

Noong Hulyo 6, 2011 ang unang itinakdang pakikipagkita ni Maricel sa kanyang mga dating kasambahay sa Barangay Poblacion sa Makati, ngunit hindi siya sumipot. (CLICK HERE to read related article.)

Sa hearing naman kahapon, ayon sa report ni Jen Cruz-Pastrana ng Radyo Inquirer 990 AM, kasamang dumating nina Mae at Camille ang kanilang legal counsel na si Atty. Tolie Estrella.

Halos tatlong oras mahigit daw silang naghintay, kasama ang ilang media outfits na gustong makapanayam si Maricel.

"NOT NOTIFIED." Ayon sa panayam ni Atty. Estrella kay Mon Tulfo sa programa nito sa radyo, mahalaga raw ang clarificatory hearing para sa pagproseso ng kanilang isinampang reklamo.

Saad ng abugado, "Bale last week po, e, nagpasya po ang investigating prosecutor na si Paulo Talban na i-schedule po ang dalawang kampo para sa clarificatory hearing.

"Ang ibig pong sabihin nito is bibigyan ng pagkakataon ang bawat partido na linawin ang mga issues na malabo sa prosecutor bago niya ito pagdesisyunan kung anong kaso ang dapat isamapa laban sa respondent."

Dagdag pa niya, ikinagulat niya ang hindi pagdalo ni Maricel dahil nakita pa niya diumano ang legal counsel nito na si Atty. Raquel Taguien sa lobby ng naturang tanggapan.

Tingin daw ni Estrella, maaaring umiiwas si Maricel na magpa-interview sa media na naroroon sa Prosecutor’s Office.

"E, gaya po ng nasabi ko, nabigyan kami ng notice.

"Actually, nakita ko pa nga ang legal counsel ng respondents sa lobby kaninang umaga.

"Laking gulat ko na lang nang nag-text na ’we’re not notified’ daw, wala daw silang notice."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

ADDITIONAL CASES. Samantala, sinabi ni Atty. Estrella na maaaring madagdagan pa ang kasong isasampa nila laban kay Maricel.

"Originally po kasi is, dahil nga sa panahon na ’yon, e, wala pang legal counsel sina Mae," panimula niya.

"Ang isa pang kaso ay grave threat, oral defamation, tsaka physical injuries.

"Siguro blessing in disguise na lang, dahil ’yong complaint affidavit nila, kapag binasa mo kumpleto po ang elemento ng kidnapping and serious illegal detention, which is a graver crime.

"So, ayun nga, kung susuwertihin tayo, I hope papanigan tayo ng batas, is masasampahan ng serious illegal detention si Maricel Soriano."

"Reclusion temporal" daw ang parusa kung sakaling mapatunayan na ginawa ni Maricel ang mga nasabing kaso.

Ayon sa Philippine laws, "Reclusion Temporal is an Afflictive Penalty based on Revised Penal Code of the Philippines Book I Art. 25. This penalty is given to grave felonies, and the duration of which differs if its Reclusion Temporal in its Maximum, Medium or Minimum application."

Na-reset ang clarificatory hearing para sa reklamo kay Maricel sa Oktubre 13, Huwebes, alas-nuwebe ng umaga, sa opisina ni Fiscal Paulo Talban sa Makati Prosecutor’s Office.

Kung hindi dumalo muli si Maricel, sinabi Atty. Estrella: "Otherwise, wala nang choice ang prosecutor but to render his judgment or resolution."

Samantala, nananatiling mailap si Maricel sa press.

Huli siyang namataan sa story conference ng pelikulang Yesterday Today And Tomorrow noong October 2, Linggo, sa Imperial Palace Suites sa Tomas Morato, Quezon City.

Bagamat maagang dumating ang aktres sa venue ay maaga rin daw itong umalis, kaya hindi siya na-interview ng press na nag-cover ng event.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN