Angel Locsin prefers not to define relationship with Phil Younghusband; focuses on ongoing charity work among flood victims

"Mahirap i-explain sa tao kasi may mga kanya-kanya nang assumption. E, sa akin kasi, parang as much as possible hindi naman namin pinag-uusapan ’yong buhay namin talaga, e. Hindi rin namin makita ’yong point of answering questions like that, kasi ’yong sa amin nga, hindi namin ma-define. So, mahirap i-explain talaga," says Angel Locsin about the status of her relationship with football player Phil Younghusband.


Magkasamang dumalo sa launching ng Esquire Philippines Magazine ang rumored couple na sina Angel Locsin at Phil Younghusband.

Ginanap ang event sa The Peninsula Manila sa Makati City kagabi, October 5.

Nandoon daw sila upang suportahan ang kanilang mga kaibigan na bahagi ng pinakabagong-labas na magazine ng Summit Media.

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ilang entertainment press si Angel sa event.

Dito’y kinumusta namin sila ni Phil, at ang naging payak na sagot ni Angel ay: "Okey naman, masaya naman."

Naitanong din ang tungkol sa diumano’y "paghihiwalay" nila ni Phil, na sa paglilinaw ni Angel ay tungkol lamang sa magkahiwalay na trip nilang dalawa.

"Kasi nagpunta siya ng Taiwan, tapos naiwan ako dito sa Philippines, kaya naghiwalay kami!" natatawang sabi ni Angel.

"Kasi may competition siya [with the Azkals], pero magkasama pa rin naman kami sa prayers."

MORE THAN FRIENDS? Madalas na nakikitang magkasama sina Angel at Phil. Gayunman, hindi pa rin malinaw sa publiko kung ang status ng kanilang relasyon.

Inamin ni Angel na "more than friends" na sila.

Ngunit paliwanag niya, "Wala, paano ko ba e-explain... Ewan ko, parang ang dami lang kasing nag-a-assume na kami together, gano’n.

"Parang ayaw na lang namin na... para kung ano man, ang hirap i-explain, e.

"Parang kung ano man nangyayari ngayon, ayaw namin masira by doing ano man, moving forward o ano man.

"Mahirap i-explain sa tao kasi may mga kanya-kanya nang assumption.

"E, sa akin kasi, parang as much as possible, hindi naman namin pinag-uusapan ’yong buhay namin talaga, e.

"Hindi rin namin makita ’yong point of answering questions like that kasi ’yong sa amin nga, hindi namin ma-define.

"So, mahirap i-explain talaga."

RED CROSS PROGRAM. Samantala, bukod sa kanyang pelikula with John Lloyd, may iba pang pinagkakaabalahan si Angel.

Aktibo kasi ang aktres sa mga programa ng Red Cross na tulungan ang mga nasalanta ng nagdaang mga bagyo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kuwento ni Angel, "Actually, ngayon meron pa akong Philippine Red Cross, and then tomorrow may operations na gagawin sa Pampanga.

"Kasi state of calamity pa rin, marami pang lubog ng baha, na hindi pa nakakapasok ’yong mga relief goods.

"Kulang nga din sa mga, alam mo ’yon, mga goods and all.

"Karamihan ng lugar na kailangan ng ready-to-eat foods, so kung meron po kayong... sabihin natin, maido-donate man lang, pagkain, goods or kung cash, meron po kayong extra diyan, maganda po sana kung gamitin natin ito para tumulong."

Ngayong araw ay nakatakdang sumama si Angel sa gagawing operation ng naturang organisasyon sa Pampanga.

Bagamat madaming nakukuhang tulong, aminado si Angel na hindi pa rin sapat ang kanilang nalilikom para sa lahat ng nasalanta.

"Sa totoo lang, medyo mahirap pa sa funding talaga," pahayag niya.

"Pero ongoing pa rin ’yong operation and marami pa ring parts kaming hindi pa napupuntahan para magbigay ng pagkain talaga.

"Hindi naman dito natatapos, na hindi porke’t nabigyan mo na ng relief goods ’yong mga tao, hindi rin naman makatao ’yong nangyari sa kanila, e.

"After ng mga bagyo na ’to, hindi dito nagtatapos ’yon. So, sana ’wag tayong bumitaw sa pagtulong.

"Pero alam mo ang Pilipino, pagdating sa pagtulong talaga, ibang klase."

At nang tanungin kung tutulong ba si Phil sa naturang operation, sinabi ni Angel, "Nagsabi siya na magdo-donate siya, and i-invite niya ’yong fellow Azkals players na mag-donate, ng blood.

"Siguro, after na ng game nila."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN