John Lloyd Cruz sees no problem with his built: "E, ako naman... ako ang nagre-represent ng karamihan ng mga lalake."

John Lloyd Cruz is perfectly fine with his form. The actor was even quoted saying, ’’Yung katawan ni Piolo [Pascual], maganda sa girl lang yun. Yung katawan ko, mas masarap yakapin!"


Pagkatapos ng Imortal, inaabangan ng marami kung kailan muling mapapanood si John Lloyd Cruz sa isang teleserye sa ABS-CBN.

Sa interview ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay John Lloyd, tinanong namin siya kung may naka-lineup na ba siyang teleserye.

"Mayroon naman, pero sana ’di siya matagal [umpisahan]. ’Di ko alam kung tatapusin muna itong pelikula bago siya mag-start.

"Kung mag-o-overlap, dahil sabay siya sa pelikula namin.

"Sana nga rin, ’di magsabay."

Sa ngayon ay abala si Lloydie (tawag kay John Lloyd) sa pelikulang pinagtatambalan nila ni Angel Locsin, matapos ang matagumpay nilang seryeng Imortal.

FOR THE AUDIENCE. Ayon kay John Lloyd, may mga revision na ginawa sa istorya ng kanilang bagong movie para raw higit itong magustuhan ng mga manonood.

"We [had a] shoot last Tuesday and Friday in Batangas. Ang alam ko, nagkaroon ng revisions.

"Pero ang nakunan pa lang naman is yung first part. Yung simula ng pelikula.

"Of course, as always, the intention is still is to deliver something different, something new to the audience.

"Most especially, this is the first time na Angel and I would be in one movie.

"So, we wanna make it special and different.

"Sa akin lang sana, abangan nila talaga.

"Sana matapos yung pelikula according to plan."

Tungkol saan ba ang kanilang pelikula ni Angel?

"Basically, story of two people who are really the opposite [personalities], who happened to fall in love, but the timing would be the problem.

"Pwedeng sabihin na isyu ngayon yung tema."

PREPARATION FOR THE MOVIE. Sa nakaraang story conference ng nasabing pelikula ay marami ang nakapansin na malaki ang ibinawas ng timbang ni Angel.

Inamin naman ng aktres na pinaghahandaan niya talaga ang tambalan nilang ito ni John Lloyd sa pelikula.

"Sabi ko nga, ’wag masyado [magpapayat]. Pero kung ang question ay kung ako ba ay naghahanda, hindi masyado.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"E, ako naman...ako ang nagre-represent ng karamihan ng mga lalake [na walang six-pack abs].

"Kumbaga, ako ang representative nila," nakangiting turan pa niya.

Kumusta naman ang relasyon nila ni Shaina Magdayao?

"Ganun pa rin, boring. Nothing new," pabiro nyang sabi.

Sabay bawi ng, "We’re doing perfectly fine."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN