Derek Ramsay not thinking of the Box-Office King title next year, even with the blockbuster showing of No Other Woman

Derek Ramsay on "tempting" offer from TV5: "I have been approached, yes. But like what I’ve said, I won’t entertain anything unless my contract is expired. So, even with ABS, di pa ako nakipag-upo para makipag-negotiate for a new contract. But with the other network, wala pang specific na bigay [offer] sa akin, contrary sa mga lumabas. I’m not closing any doors, we’ll see what happens. February pa naman yun [expirat


Kung magtutuluy-tuloy ang magandang performance sa takilya ng No Other Woman, hindi malayong hiranging Box-Office Queens of 2011 sina Anne Curtis at Cristine Reyes.

At ang male lead ng pelikula na si Derek Ramsay naman ang malamang hiranging Box-Office King.

At press time, ayon sa Star Cinema ay naka-P130 million na ang nasabing pelikula sa isang linggo pa lang nito sa mga sinehan.

Ang Star Cinema at Viva Films ang producers ng pelikula.

Sa victory party ng No Other Woman noong Miyerkules, October 5, sa 9501 restaurant ng ABS-CBN, nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Derek.

Walang pagsidlan ang kagalakan ng hunky actor sa tagumpay ng kanilang pelikula.

"I’m still on a high... nung sinabi nila kung gaano kadami ang nanonood.

"I watched from the first showing sa Rockwell. Pagpunta ko dun, nagtingin-tingin pa ’ko sa mga stores [bago pumasok ng sinehan].

"Pero pagdating namin dun sa cinema, ang haba nung pila!

"At first time kong nakita ang Rockwell nang ganun.

"Lahat ng nakapila, ang sabi nila, ’We’re watching your movie.’

"Dun lang tumama sa akin na, ’Wow, napaka-ano naman ng reaction ng mga tao, nakaka-overwhelm!’

"Tapos, every day, I get texts, tweets... Even my sister who is in Lanao del Sur, nag-tweet pa sa akin kanina.

"Nanood sila at puno pa rin ang mga cinemas. So, I’m still on that high.

"Hindi pa rin ako makapaniwala na it’s doing so well."

Dagdag pa ni Derek, "Did I expect this na magiging ganito ka-successful? No, I don’t think about that.

"Ako, pag gumagawa ng project, I’m concentrating on that [my acting] only.

"The pressure of it doing well or not [in the box-office], I throw that out of the window.

"I just do what I do to contribute to make a good movie. And ’eto, we came out with a good movie.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"I also got worried na yung mga bed scenes, I didn’t want that to be the selling point of the movie. Kasi ang ganda ng istorya.

"The way it was done, makikita mo na it was not just the bed scenes [ang panonoorin].

"It was the story, the acting, and my two beautiful co-actors did well in portraying their roles."

THE BOX-OFFICE KING TITLE. Paano yung sinasabi ng karamihan na baka sila Anne at Cristine ang tanghaling Box-Office King and Queens next year?

Ani Derek, "I’m not thinking about that. I’m just really happy that it’s doing so well.

"Kung mabigay yung bonus [na parangal], salamat. But I’m not doing a project to be a Box-Office King.

"We worked together as a team, and now we’ll see if it does break records."

THANKS TO ANGELICA. Samantala, isang block screening ng No Other Woman ang pinangunahan ng girlfriend ni Derek na si Angelica Panganiban. Surprise daw ito ni Angel para kay Derek.

"We had a private screening at na-suprise ako. All my friends and family were there.

"Angelica made sure na dumating ako. Akala ko manonood kami ng foreign film.

"Umiiyak pa siya, na ’we never spend time together,’" kuwento ni Derek.

"When we were in the escalator, nakita ko ang dad ko. And my dad has never watched a movie in his life!

"I knew something was up, and my whole family and friends were there.

"We had a fun night [sa] private screening and an after-party. My dad is very proud of me."

KAPAMILYA TURNS KAPATID? Napadako naman ang usapan sa bali-balitang "times four" daw sa kinikita ngayon ni Derek sa Kapamilya network ang offer sa kanya ng TV5 lumipat lang ito sa kanila.

Paglilinaw niya, "Wala pa. Wala pang specific number or anything, that was offered to me.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"I have been approached, yes. But like what I’ve said, I won’t entertain anything unless my contract is expired.

"So, even with ABS, hindi pa ako nakipag-upo para makipag-negotiate for a new contract.

"But with the other network, wala pang specific na bigay [offer] sa akin, contrary sa mga lumabas.

"I’m not closing any doors, we’ll see what happens. February pa naman yun [expiration of my contract with ABS-CBN].

"Right now, I still have the projects I have with ABS.

"I have to fulfill [my contract] and do all my responsibilities to my mother network right now, so I can’t entertain anything."

Halos magkasabay na ginawa ni Derek ang No Other Woman at Praybeyt Benjamin.

Magtatapos naman bukas ng gabi, October 8, ang The Biggest Loser Pinoy Edition, kung saan siya ang game master.

Ano ang susunod na gagawin ni Derek?

"Pahinga siguro. I need to spend time with my family. Na-miss ko talaga sila."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN