Daniel Matsunaga says marriage to Heart Evangelista could be in two years

"Wala ngayon. Siguro mga two years [pa]. Hindi ko alam. Pwede bukas, puwede ngayon, di ba? Hindi ko alam. It depends," says Daniel Matsunaga when asked about plans of tying the knot with girlfriend Heart Evangelista.


Kakagaling lang ni Daniel Matsunaga sa ospital noong dalawin ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang taping ng Futbolilits ng GMA-7 sa Cainta, Rizal noong Miyerkules ng umaga, October 5.

"I took the wrong medicine. And then nagka-gastritis ako.

"Pero okay na ako ngayon," bawi niya tungkol sa kanyang naging kalagayan.

Nagkaroon kasi ng eye infection si Daniel noong Martes dahil sa alikabok at ulan sa paglalaro ng football.

Hindi naman daw siya na-confine sa hospital.

"Mabilis lang ako sa hospital, mga thirty minutes."

Ano yung gamot na maling nainom niya?

"A, hindi ko alam ang pangalan, e."

Sino ang nagbigay ng gamot sa kanya?

"Si Heart [Evangelista]!" at tumawa si Daniel.

Sinabihan naman daw siya ni Heart na huwag inumin ang nasabing gamot.

"Pero sabi niya, ’No, don’t drink. Don’t drink.’ Kasi ano, e, expired!

"Pero ano, bukas [the next day], mero’n akong commercial [shoot] na bago. Bagong endorsement ko.

"So, parang I needed [to get well], di ba? Kailangan ko uminom ng gamot, so ininom ko.

"Then I started to feel bad kasi it was really strong and I didn’t eat anything. So I started feeling bad.

"That’s why I went straight to the hospital. Pero, okay lang ako ngayon."

BACK FROM AUSTRALIA. Speaking of Daniel and Heart, kagagaling lang nila sa Australia for a GMA-7 Pinoy TV event, at bumalik sila dito sa Pilipinas nito lang Lunes (October 3).

Tatlong araw lang sila sa Australia.

"Very nice! Sobrang maganda yung lugar. We really enjoyed the time we had there.

"Pero, we wish we could extend [our stay] to have more time.

"Kasi, tatlong araw doon, so it’s not enough to see the whole place.

"One day working, and then umuulan doon."

BYE DOC! Last taping day na ni Daniel sa Futbolilits nang araw na nakausap namin siya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Oo nga! I will miss everybody here kasi I had... maraming bagong experience dito sa Futbolilits as a doctor.

"So, parang yung... I’m a doctor dito, si Rafael," saad niya.

First time niyang gumanap bilang doktor?

"Oo, first time. I really enjoyed. The whole cast [is okay].

"I really enjoyed here, we had a lot of fun.

"I love kids! And there are a lot of kids here."

MARRYING HEART. Kailan naman kaya siya magkakaroon ng sarili niyang kids? Pinaplano na ba nila ni Heart ang pagkakaroon ng pamilya?

"Hindi ngayon. Focus kami sa trabaho first. Trabaho muna!" tumatawa niyang sagot.

So, wala pang usapang kasalan?

"Wala ngayon. Siguro mga two years [pa]. Hindi ko alam.

"Pwede bukas, pwede ngayon, di ba? Hindi ko alam. It depends."

Okay ba naman siya sa pamilya ni Heart?

"Oo naman! Oo naman.

"We always meet them. We always have a family gathering.

"We always have dinner. I always see them. They’re very nice."

WE ARE FAMILY. Mula pa noong Setyembre 19, nandito sa Pilipinas ang pamilya ni Daniel galing Brazil.

"Buong pamilya ko, nandito kasi I did a surprise for my sister sa birthday niya.

"And then me and her husband, we brought my parents, my brother ulit, dito sa Pilipinas."

Nakatira ang mga kapamilya ni Daniel sa bahay ng kapatid niyang si Vanessa Matsunaga, na isa ring modelo at bagong kasal sa isang Pinoy.

May time ba na nagkasama na ang family ni Heart at ang pamilya niya?

"Oo! Many times," banggit ng Brazilian-Japanese model-actor.

Ayon kay Daniel, nakakain na nga raw ang pamilya niya sa restaurant nina Heart.

"They’ve tried it already. Masarap, sobrang masarap ang pagkain!"

Enjoy ba si Daniel sa showbiz?

"Oo naman! That’s why I’m Pinoy ngayon.

"Kasi, I’m really doing like a lot, you know. I’m really making an effort with studying [the Filipino language].

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Mero’n akong [pinapasukang] school. Tatlong oras araw-araw. Tagalog lessons.

"Dati, meron ako school sa Makati Cinema Square. Ngayon, mero’n akong private tutor."

Kaya mapapansing malaki na talaga ang improvement ni Daniel sa pananagalog.

"Kasi dati, di ba, wala ako talaga alam sa Tagalog? Ngayon naiintindihan ko na most Tagalog words."

Ano ang susunod niyang project sa GMA-7?

"Pagkatapos dito [Footbulilits], hindi ko alam, pero mero’n akong contract [sa GMA-7]."

Hindi ba niya hiniling na magkasama sila ni Heart sa isang project?

"Gusto ko. Gusto ko! Gusto niya rin!

"Pero it depends, di ba, depende sa GMA bosses.

"We hope mabigyan kami ng project na kami ang magkasama.

"Kasi gusto ko talaga. Yung first soap ko, yung Langit Sa Piling Mo, it was with Heart.

"It was really nice, doon kami nagkakakilala.

"And it would really be nice kung magkakasama kami ulit. To have another project, di ba?"

So, nakita niya ang langit sa piling ni Heart?

"Nakita ko!" mabilis niyang sagot.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN